Willie Revillame, malayang-malaya na sa Dos!

BONGGA TALAGA SI Willie! Isinama niya ako nu’ng Linggo papuntang Macau kasama ng mga abogado niya, malalapit na kaibigan at mga staff niya.

Tama nga ‘yung sinabi niya sa isang episode ng Wil Time Bigtime niya na ibabakasyon daw niya ang mga staff niya dahil meron lang siyang gustong i-celebrate.

‘Yun palang celebration na sinasabi niya, natapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN 2 nu’ng nakaraang Linggo lang. September 11 ‘yun na habang inaalala ng Amerika ang 9/11 na nangyari sampung taon nang nakararaan, independence daw naman daw niya ‘yun.

Bongga nga ang Willie, nalusutan niya ito lahat na hindi naman na-TRO ng ABS-CBN 2 ang show niya.

Nagkaroon pa ng malaking kontro-bersiya ang Willing Willie niya tapos nagkaroon ng break sandali at nang bumalik ito, naging Wil Time Bigtime, wala pa ring nagawa ang Dos.

Ngayon, tapos na ang kontrata niya sa Dos, at tapos na rin ang mga kasong isinampa sa kanya. Kaya talagang dapat daw niyang i-celebrate, kasama ng mga staff niya sa kanyang programa.

Lahat talaga ng mga staff niya pati ang mga karpintero at mga labandera’t plantsadora kasama sa bakasyon.

Hindi lang niya naisama lahat sa biyahe niya ngayon dahil sobrang dami naman. Pero sa susunod niyang bakasyon, isasama naman niya ang susunod na batch.

Malaki raw ang utang na loob niya sa mga staff niyang sumama sa kanya nu’ng panahong down na down siya at hindi talaga siya iniwan. Kaya sinisikap niyang lahat ay dapat maambunan ng mga blessings na dumarating sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Willie sa TV5 dahil dito lang daw niya naramdaman ang malasakit at pagmamahal na hindi niya nakita sa pinanggalingan niyang istasyon.

Pero sinabi naman niyang may mga ilan sa Dos na mahal na mahal pa rin niya dahil mabait pa rin daw sa kanya. Isa na nga rito si Charo Santos-Concio.

 

SOBRANG PROUD NA proud si Mark Herras sa magandang role na ginampanan niya sa pelikulang Hitman ni Cesar Montano.

Alam ko, si Sam Pinto ang ka-partner dito ni Cesar at co-produce niya ito sa Viva Films.

Pero maganda ang role na napunta kay Mark at sobrang markado, kaya ganado naman ang young actor. Matagal na raw niyang pinapangarap na makapag-action, kaya malaki ang pasasalamat niyang napunta sa kanya ang role na ‘yun.

Sabi nga ni Cesar, tiyak na mapapansin dito si Mark na pagkatapos ng pelikulang ito, baka maging ganado na ito sa mga action films.

Sana nga maganda ang kalalabasan nito kay Mark dahil kailangan niya talaga ito ngayon.

Kasali pala si Mark sa mga rarampa sa Cosmo Ba-chelor Bash na gagawin sa World Trade Center bukas.

Pinaghandaan niya rin ito dahil ang payat pa naman niya ngayon, pero nagdagdag siya ng timbang para kahit papa’no, sexy naman siya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Willie Revillame, malayang-malaya na sa Dos!

  1. yang isa pang si cristy fermin na yan mukhang pera ang mga yan kaya dikit kay willie kasi natatapalan sila ng pera ni willie na kinita niya sa ABS-CBN nung dun pa sya nagtatrabaho

  2. kasi palagay ko natapalan na ni willie ng pera itong si lolit solis kaya maganda lang nag kailangan sabihin nito sa media at sa artikulo nya

  3. Exactly, you can have all the money in the world but you can never buy respect, peace and happiness. O ano Lolit, wala ng mga legal bills yong favorite mong si Wil, o sigi ayusin mo ha baka mabigyan ka rin ng magarang Van kagaya ni kafatid Cristy.

  4. hoy, kupal lolit. akala ko ba eh hindi nya na ini-honor ang kontrata nya sa dos.mula ng alisin ang show nya. bakit ngayon may nalalaman pa syang tapos na? nauto ka rin nya dahil isa ka ring mukhang pera…LOL!!!

  5. how much is that doggie in the window? you can have all the money in the world but you can never buy good reputation. you may buy all things in the world, but without genuine happiness, what do you have?

  6. talking about credibility? Lolit , Willy and Cristy? ha ha ha, who are you fooling? kahit anong yaman ni Willy, di nya makukuha ang respeto ng tao. Kilala nila ang totoong likaw ng bituka nya.

  7. ganon tlaga may pera kya pinaglalaban niya ndi ba iyong wlang pera sa atin sila ang nakukulong?malaking bagay ang may pera ka lalo na kung magaling ang abugado marami sa atin ang nakukulong ng wlang kasalanan kasi wla silang pang bayad ng abogado…

  8. Nagbago yata ang ihip ng hangin kay lolit. Dati galit ka kay willie nung me issue between him and joey, pero ngayon magaganda ang naisusulat mo tungkol kay willie.

Leave a Reply

Your email address will not be published.