Willie Revillame, madalas magpatalo ng milyun-milyong piso sa casino?

Willie-RevillameHINDI PA rin matapus-tapos ‘yang isyu kay Willie Revillame na nagpapatalo raw ng milyun-milyon sa casino.

Ang latest, P400-M daw ang huling pinatalo niya sa casino at nagbenta na nga raw ng isang yate niya?

Hindi ko pa nakakausap si Willie, pero sinusubukan ng Startalk na makausap para masagot naman niya ang isyung iyun.

Nung huling nakausap namin si Willie, sinagot naman niya ‘yan at sinabi naman niyang naglalaro talaga siya pero hindi naman daw umabot sa nagbebenta na siya ng mga ari-arian niya.

Sa totoo lang, alam ni Willie ang ginagawa niya at hindi niya papayagang maghirap siya dahil lang sa casino, ha!

Ipinakita pa niya sa amin ang mga luxury cars niya at nandiyan pa rin naman.

Kung siya ang masusunod, gusto na talaga niya ibenta ang iba dahil hindi naman niya nagagamit.

Meron nga siyang isang kotse na gustong ibenta para ibigay sa mga nasalanta ng Yolanda. Pero hindi na niya kailangang magbenta ng gamit, ang laki na ng naibigay niyang tulong.

Balik sa isyung casino, may mga nagkuwento sa amin na talagang naglalaro siya at malaki ang naitatalo, pero kung manalo naman napakalaki rin, ha!

Nu’ng minsang nakasama kami sa kanya sa Macau, nanalo siya ro’n ng walong milyong piso. Bongga siya, ‘di ba?

Pero siguro naku-control naman niya na hindi siya magpatalo ng napakalaki.

Abangan n’yo na lang sa Startalk dahil kinukunan namin siya pahayag tungkol dito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.