Willie Revillame, liligawan si Lorna Tolentino?! – Lolit Solis

NAKU, HA! SIGURO tigilan na iyang isyung nanliligaw daw si Willie Revillame kay Lorna Tolentino.

Ewan ko bakit may lumabas na ganu’ng isyu, pagkatapos sabi naman ni Kris Aquino sa The Buzz, nagbibiro lang daw si Willie.

Hindi naman siguro kailangan niyang biruin nang ganu’n si LT, no!

Si LT naman kasi, siguro walang malisya sa kanya kung nagpapa-close itong si Willie dahil nu’ng nasa hospital si Rudy, dumadalaw naman daw siya roon at tumutulong naman siya kahit papano.

Kaya ayaw na nga ni LT na patulan ‘yang isyung ligawan dahil hindi naman kapatul-patol.

Apektado lang sa isyung ito ang ilang malalapit na kaibigan ni LT na mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti.

Napabalita kasing sila raw ang tumutulay kay Willie na makapanligaw kay LT.

Itinatanggi naman ito ng mag-asawa dahil hindi nga raw nila pinag-usapan iyan ni Willie.

Mananatiling tapat na kaibigan daw sila kay Daboy at siyempre hindi naman daw nila pakikialaman ang lovelife ni LT.

Ito naman Willie kung may balak ngang ligawan si LT, siguro dapat tingnan muna niya ang sarili niya sa salamin kung makapapantay man lang daw nito ang kaguwapuhan ni Rudy.

Tsaka, siguro respeto na lang kay Rudy, no!

‘Di ba sabi nina Jinggoy at Bong na babantayan nila si LT para hindi maligawan ng iba kaya ang dami pang dadaanan ni Willie, no!

Si LT naman, wala pa ring panahon sa kung sino mang may balak manligaw dahil bukod sa taping niya sa Dahil May Isang Ikaw, pinagkakaabalahan pa rin nito ang mausuleo ni Rudy.

Inaayos na nito ngayon ang interiors ng mausuleo para pagdating ng Undas ay ayos na ayos na ito.

Other showbiz news today by Lolit Solis:

Nonito Donaire, na-dengue!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Willie Revillame, liligawan si Lorna Tolentino?! – Lolit Solis

  1. ansabeh ng mga tao dito?haha..baka kapag nakita niyo si lt iwanan niyo mga gf at asawa niyo haha..she looks at her 20’s..hindi at never nya papatulan si willie kasi mayabang yan. walang binatbat kay rudy!

  2. alam nio bang ayaw ni willie ng thunders ang mga tipong gusto nia eh age 18 to 25 noh ayaw nia ng age 26 pataas !! hehehehehehe!!!!!!!!!!!!

  3. Hmmm ayaw ni willie ng boring dahil super workaholic yan eh kong si LT na mukhang boring sabagay me edad na nga cant imagine what kind of relation they have kong sila ang magkatuluyan ewann baka maging boring na rin si willie which is not bagay mas bagay sa kanya ang personality nyang masayahin oh well LT is byuda she should just stay single baka ayaw ni Rudy na maging maligaya siya sa ibang lalaki pwes stay where you are LT kong yan ang ikaliligaya mo.

  4. hindi talaga kapatol-patol, dahil ang isang hampas lupang binihisan ng pulitiko ng ginto ay ipapareha sa isang kagalang-galang na tao. Di talaga bagay, ang mga kagaya ni Willie ay dapat ipinapareha lamang sa mga 18 years old pababa, dahil yun ang bagay sa kanya, mukha kasi syang D.O.M., PUTANG INA MO WILLIE!

  5. Speaking of Willie. Yung show nila sa Lake Tahoe ay Sold Out na Ticket pero may nagbebentang pa din sculpers for US220 dollars (P10,663 in peso) ito ay thru online buying. It means sa Amerika uso din ang mga sculpers.

    Pero ung price ng tiket ng show ay mas mahal keysa sa concert ng mga sikat na singers sa america na US160 dollars lang ang price ng tiket.

    Kahit may suspension at mataas ang price ng tiket eh sold out pa din. Ano bang meron si Willie?

  6. malay nyo naman, kung noong araw pa pantasya ni willie si lorna, kaya hanggang ngayon ay natatakam pa rin si willie kay lorna (gusto niya na matupad ang fantasy niya).

  7. LOLIT BAKET GANUN SI BUTCH FRANCISCO PAG NAG INTERVIEW ALANG KWENTA PARA LAGING PUNO NG LAWAY ANG BUNGANGA AT DMO PA MAINTINDIHAN MINSAN AT PLEASE LANG WAG SYA LAGING NAKABUKAKA SA HARAP NG TV AT BAKAT NA BAKAT ANG HERNIA NYA!

  8. Napanood ko ang STARTALK nung Sabado atayaw ni Lolit kay Willie!pero ka pag binigyan mo ng pera si Lolit Solis mabilis pa sa alas kwatro just like Cristy Fermin pareho lang silang mukhang pera!

  9. Sa totoo lang, kung manonood ka ng WOWOWEE laging sinasabi ni Willie ang gusto nyang girl ay nasa 17 up to 23. After that ayaw na nya. At for sure this is a joke sa tipo ni Willie di yun papatol sa matanda.

    Kaya I wonder why pinapatulan pa ito ni ng media. Its only a joke ni Willie. Ang tanda na ni LT the last time nag guest sya sa Wowowee at sa teleserye nya.

    Again, wag ng issue yan. Nakakatawa

  10. Sa totoo lang, kung manonood ka ng WOWOWEE laging sinasabi ni Willie ang gusto nyang girl ay nasa 17 up to 23. After that ayaw na nya. At for sure this is a joke sa tipo ni Willie di yun papatol sa matanda.

  11. hello…hndi pala kapatol patol bakit mo pa ginawan ng writh up nalaman tuloy naman..isang milyon kalang ni willie panget na pulubing lolit

Leave a Reply

Your email address will not be published.