Willie Revillame, laging sablay ang hirit!

HELLO, PARAZZI READERS! ‘Andito na naman ang lola n’yo. Pagkatapos hindi palarin sa larangan ng pulitika ay back to normal na uli ang aming buhay. Ayaw na naming magreklamo kumba’t kami natalo. Ang importante, malaki ang natutunan namin sa pulitika.

At lagi naming iniisip na hindi naman ibibigay sa amin ni Lord ‘yan kung hindi para sa amin, at naniniwala rin kaming may maganda Siyang plano para sa amin. Baka ‘pag pinilit naman naming manalo, ibigay ni Lord, pero marami kaming kakaharaping problema, kaya iniiwas na lang Niya kami.

Dati nga, nu’ng 1989 nga, kung saan alalay pa kami ni Ate Cristy noon, tumakbo kaming SK chairman sa Sampaloc, Manila, natalo kami. Pero kaya pala kami natalo, eh, dahil iba palang landas ang gusto ni Lord na tahakin namin.

Kaya dito sa katatapos na eleksiyon, feeling namin, may plano na namang bongga si Lord para sa amin. Hindi man ‘yon dumating ngayon o bukas o next year, alam namin, darating at darating din ‘yan, ‘wag lang kaming maiinip.

Ang mga supporters namin ay nag-iyakan. Kami naman, niyakap na lang namin silang lahat, dahil wala rin naman kaming magawa. Hindi rin kami maiyak. Siguro, iiyak lang kami kung natalo na nga kami eh, wala pa kaming babalikang trabaho.

Buong-puso naming tinanggap ang pagkatalo at pagkatuto. Actually, kaya na naming pumasok bilang political strategist, dahil sa mga experiences namin, eh. Baka sa 2013, ‘yan ang pasukin naming trabaho, he-he-he!

Ang importante, wala kaming pinagsisisihan sa pinasok namin, bagkus nanganak pa ang aming karanasan sa buhay. Kaya kesa malungkot, umiyak, eh, move on na ang drama.

Kaya nga nagsusulat na naman kami, eh.

KAMI, NATALO LANG sa pulitika. Pero si Willie Revillame, parang gusto naming manghinayang para sa kanya. Alam n’yo kumbakit? Nanghihinayang kami, kasi, tila wala siyang good adviser na talagang magpapa-realize sa kanya na mali as in maling-mali ang mga moves niya lately.

Kung prinsipyo ang pinaiiral ni Willie – by saying, “’Pag hindi n’yo tinanggal si Jobert Sucaldito sa ABS-CBN, ako ang magre-resign!” – fine! Prinsipyo niya ‘yon, eh. Pero sa mga social networking sites, iilan lang ‘yung bumilib sa kanyang prinsipyo, eh. Lahat halos, ayaw na siyang pabalikin, dahil kung pababalikin pa rin daw si Willie, eh, ang mga tao na ang magagalit sa ABS-CBN sa pagto-tolerate ng ganu’ng klaseng tao.

Hindi po kami ang nagsabi niyan, ha? Ang mga umo-online. Kaya nakalulungkot, eh. Imagine, P25M to P30M ang kinikita niya buwan-buwan dahil sa Wowowee, tapos, dahil lang sa isang tao, bibigay ka?

Mas may karapatan sigurong magtampo kay Willie ang mga totoong nagmamahal sa kanya. Kasi, imbes na sila ang ina-appreciate eh, mas nagpapaapekto si Willie sa isang tao lang na nagbitaw lang ng opinyon eh, gusto na niyang ipatanggal sa ABS-CBN.

Para saan ‘yung sinabi ni Willie sa political ad ni Sen. Manny Villar na, “Senator, ‘di bale nang tayo ang sinasaktan, ‘wag lang tayo ang nananakit!” kung siya mismo, hindi niya kayang gawin ‘yong ipinapayo niya kay Villar?

Ang masaklap pa nga nito, si Willie pa ang sinisisi sa social networking sites kumbakit natalo si Villar.

ALMOST SOLD-OUT NA ang first solo major concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum. At kung kelan malapit na, hagilap naman ng tickets ang mga kaibigan namin. Eh ano pa’ng ibibigay namin? Eh, heto nga’t pati nanay ko na gustong manood, hinahagilapan ko pa ng tickets?

May ibang tao na nagsasabing ba’t sumugal ang mga producer kay Vice, baka matalo?

Ba’t naman ang hindi? It’s about time. At may clamor naman, in fairness.

Naku, kung alam n’yo lang kung ilang gabi nang hindi pinapatulog ng concert na ‘yan si Vice sa kaiisip kung paanong masusulit ang ibabayad sa kanya ng mga manonood. Rehearse nang rehearse ang bakla at isip nang isip ng mga sariwang jokes.

Sa panahon ngayon na mainit ang panahon, nakasimangot na ang mga tao dahil sa hirap ng buhay, timing ang concert na ito ni Vice Ganda. I-try n’yo pa ring tumawag sa Ticketnet, baka may makuha pa kayo.

Ngayon pa lang, congrats kay Vice! Siya ang itinuring naming medalya, sa totoo lang.

Oh My G!
by Ogie Diaz

60 thoughts on “Willie Revillame, laging sablay ang hirit!

  1. Kung may prinsipyo si Willie, e bakit ayaw pang mag resign, naghihintay pa ba sya ng himala. Sya itong naghamon e bakit takot syang gawin. Siya pa itong may hinanakit at nagkasakit daw dahil sa show nya, so ano pa ang ginagawa e di umalis sya ng maluwag sa dibdib nya, hindi yung panay parinig pa sya. Hindi raw pera e ano prinsipyo? kung meron ka noon e di resign ka na nga.
    ABS, paging MR GABBY LOPEZ , DON’T LET WILLIE RUN THE SHOW, HUWAG KA YONG PAGAMIT KAY WILLIE DAHIL PAULIT ULIT NYANG GAGAWIN ANG PANANAKOT NA SYA ANG NAGPAPASOK NG PERA SA INYO. rEMEMBER ABS WILL STILL STAND WITHOUT WILLIE.
    TAKOY UMALIS SI WILLIE DAHIL PAANO NA ANG WILL TOWER NYA AT YUNG PINAGYAYABANG NYANG NUMBER ONE NIYANG MGA CD. GINAGAMIT NYA ANG WOWOWEE TO PLUG HIS CD AT WILL TOWER. TFC IS WELL PATRONIZE AND WELL POPULAR ALL OVER THE WORLD SO IT WILIE WHO NEEDS WOWOWEE AND NOT THE OTHER WAY AROUND. HUWAG NA NINYONG PALAKIHIN ANG ULO NI WILLIE.
    TAKOT NA TAKOT NGAYON YAN NA BAKA WALA NG BUMILI NG CONDO NYA AY BUMALIK SYA SA WALA.
    GOOD RIDDANCE WILLIE. MAG RESIGN KA NA.

  2. anak na willy ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan.
    anak na willy maghunos dili ka.
    sabi nga”ang tao hindi sa tinapay lang nabubuhay”

  3. Abs-Cbn News
    May 13, 2010

    MANILA, Philippines – A faction among the relatives of leading presidential candidate Benigno “Noynoy” Aquino III junked his running mate Manuel “Mar” Roxas II in favor of their long-time political ally, Jejomar “Jojo” Binay of the Pwersa ng Masang Pilipino, according to Aquino-Roxas tandem supporter Fr. Eliseo “Jun” Mercado.

    “Ang dala ng mga Cojuangco ay Noy-Bi, not Noy-Mar (The Cojuangcos are carrying Noynoy-Binay, not Noynoy-Mar). They all came here [in Mindanao]. Tingting Cojuangco was here with Jun Simon,” Mercado, a professor at the Notre Dame University in Cotabato City and founder of the Mindanao Leaders Coalition or Kusug Mindanaw, told abs-cbnNews.com/Newsbreak in a phone interview.

    Margarita “Tingting” Cojuangco is Noynoy’s aunt. She is the wife of Jose “Peping” Cojuangco Jr., the younger brother of the late President Corazon Aquino whose alleged deals and influence-peddling during her administration led a columnist to coin the word Kamag-anak Inc. (Relatives Incorporated).
    Simon, on the other hand, is a member of Peping’s
    Council on Philippine Affairs (COPA). He was appointed by President Aquino as OIC Mayor of Quezon City in 1986.

    “Of course, they still have their contacts during the time of Cory,” Mercado added.

  4. MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO .................MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO .....MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO .....MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO ...

    MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO ……………..MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO …..MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO …..MENUPAUSAL STAGE NA SI WEYLE KAYA LAGI INIT ULO …..

  5. ogie, tama yung sinabi mo na sana inappreciate na lang ni willie yung mga taong nagmamahal at humahanga sa kanya kaysa magpaapekto sa isang jobert sucaldito.

    pero in fairness, grabe rin naman kasi si jobert humirit. hes the same person who called baby james abnormal, tama ba yun?!

    i dont think tama sabihing panghihinayangan ni willie ang pera na 25 to 30 M. umaapaw na siya sa kayamanan, i dont think yun pa ang hanap niya sa buhay.

    pero agree ako na nakaapekto ang pagka nega ni willie sa campaign ni senator villar. but okay na rin naman na si noynoy ang nanalo, anyway villar is still an incumbent senator.

    • buti na lang ka nyu at kumandidato si noynoy.. kundi ay erap na naman presidente ntin…tuloy ulit pagawa nya mansions sa mga babae nya….

  6. diether ocampo naman , ano ba ung sa kanila ni cristine reyes ? 22o ba un ? hanap aq ng hanap nung isang araw pa , ala nmang balita . ano ba yan ?

  7. Kasi ang walanghiya akala mo kung sino umasta. di siya kawalan sa abs cbn. walang respeto. Ilonggong bading lang pala katapat niya. Buti nga sa kanya, ang inendorse nya e natalo tapos two days before election sinama pa si mar.bwisit!!!

  8. Sold-out raw ang concert ni Vice Ganda! Naku mind conditioning na naman. Ayon, naka-report sa Philippine Star na di bumebenta ang tickets para sa concert ni Vice.

  9. naku karma twag diyan sa pagkatalo mo, ogie! akala ko dati matino ka, pero isa ka din palang bayaran na writer! hmp! madaming beses kita napapanood huh! madami kang tinitirang artista sa kalabang station…….dapat hindi ganun! kung magaling ka dapat tinitignan mo din baho ng sarili nyong bakuran!!!!

  10. OGIE! MAY NEXT TIME PA.SAYANG NAMAN KUNG HINDI KA ULIT SUSUBOK SA PULITIKA KASI HONEST TO GOODNESS KA AT HIGIT SA LAHAT MARAMI KANG MATUTULUNGAN.

    WILLIE,DI BA PINANGAKO MO NA MAG RESIGN KA PAG DI INALIS SI JOBERT.PWES,HINDI TALAGA SIYA AALISIN KASI TAMA SIYA.AT ANG ABS SISIKILIN ANG KARAPATAN NG ISANG MANUNULAT KUNG PAPANIGAN KA.

    KUNG TUNAY KANG LALAKI AT MAY PAGGALANG PA SA SARILI MO…MAG RESIGN KA NA WILLIE KASI MAWAWALA NA ANG PAGGALANG NG BUONG MUNDO SA IYO..RESIGN RESIGN RESIGN RESIGN…..BAKA HANGAAN KA PA NAMIN RESIGN

  11. Life must go on Ogie,,i like ur way of moving On!!..cheeerss to ogie..u put up a goood fight!!

  12. ogie, i salute you for accepting your defeat in politics. kung hindi para sa’yo, hindi talaga ibibigay ni Lord. mas mag excel ka sa showbiz…namimiss ko ang May Bukas Pa. ang galing mo dun. gusto ko rin ang pananaw mo sa buhay, pinahanga mo ako ogie. good things comes to those who wait. kaya, goodluck on your upcoming projects!

  13. Ogie kiparating nga kay Willie na mag resign na sya kase di naman sya magaling mag host….ipalit si Cesar Vice Edu naku maraming papalit sa kanya..kahit ikaw pwede hahahaaahhahahahaa…love you ogie

  14. hi ogie im glad na bumalik kana kase namimiss ka talaga namin…sayang di ko mapapanood an concert ni Vice kainis andito kase me sa ibang bansa sana makapunta sya dito labs na labs kase namin si vice sana ang show time na lang ang ipalit sa wowowee…yabang kase ni wilie akala mo pag aari nya ABS CBN naku Jobert good job…

  15. ABS lang naman ngtatyaga kay willie, yung mga audience ng show nya ngtatyaga kasi binibigyan nila ng pera. Layas na kasi! Nasusuka na ang mga tao sayo at sa lahat ng kayabangan, kabastusan, at ka-arogantehan mo! Walang breeding!

  16. GALIT LANG KAYO LAHAT KAY WILLIE DAHIL KUMAMPI CYA KAY VILLAR. KUNG KAY NONOY ABNOY KUMAMPI SIGURO HINDI KAYO MAGAGALIT NG GANYAN. MGA IPOKRITA…..
    BAKIT HINDI RIN NNIYO MURAHIN AT ISUMPA ANG MGA mURDERERS NA AMPTUANS NA KAKAMPI NI NOYNOY COOPER ABNOY.

    • Gabby, Lane , buhay ka pa? Stupid ka na, tanga pa. Alam na alam mong kakampi ni Villar si Arroyo at ang mga Ampatuans. Doble kara ka. Ahas na nagpapalit nang balat. Pahinga ka na. Tapos na. Talo na ang manok mo. Rest in peace.

    • ay isa ka pa ikaw ang ipokrita si cristy fermin ka ba o si lolit solis na nababayaran magsulat lang ng mabuti tungkol kay willienghiya. mag sama kayong dalawa ay kayong tatlo pala mga buwisit…..

    • Hindi ka lang siguro MALANDI, SWANGIT ka pa…Ikaw siguro ang may kulang kulang sa pag iisip. Di ba nga si Gilbert (Magaling) Remulla ang nag ako na nakipag usap siya kay Ampatuan…at sino ba ang tagapagsalita ni Villar, di ba si Mr. Remulla. Sino ngayon ang tatanga tanga?

    • Hindi kami nagagalit dahil kumampi si willie ke villar.
      Nagagalit kami dahil hindi maganda ang ipinapakita niyang
      asal sa nationwide tv.
      eh kung ikaw kung saka-sakali lang na me kumpanya at ganyan ang tao na nagdedemand sa yo, ano kaya ang gagawin mo?
      puro yabang yan si willie at kahit kapamilya ako, never kong nagustuhan ang ugali ng mokong na yan!

      at yang pinagsusulat mo tungkol sa ampatuan, wala namang basehan kaya kung ako sa yo, maghanap ka muna ng ebidensya bago dumakdak ok!

  17. tagain na lang kasi pati Wowowee at palitan ng bagong show, bagong format at bagong host.

    lets start anew nang walang bahid ng kayabangan at anino ni Willie

  18. nakikiramay ako sa iyong pagkatalo. Alam ko masakit sa loobo pero la tayo magagawa kung ayaw sa yo ng tao.

    wag mo nang isama ang plano ni Lord sa, pautot kapa.

  19. ano na namn pautot mo ogie..tsk tsk di ka bitter..dyos ko day kahit mga bading dun sa lugar nyo ayaw sa yo dahil may kayabangan ka at feeling willie revillame ka rin…tapos magaadvice ka pa kay willie pareho kayo ni jobert LOSER….

    • I dont think mayabang si OGIE. May puso din siya. He cant please lang everybody. Nakakabilib nga ang sinabi niya, at least nagsisi siya, kahit papano ay may natutunan din siya. Kung nag- advice man siya, tama din naman siya di ba?

  20. sus daming palusot karma yan syo sama kasi ugali mo ginamit pa si Lord, nakakahiya ka. kung si villar ang nanalo baka PINURI mo pa ang demonyong willie.

  21. tama ka ogie about kay willie. di nya alam na sa mga outburst na yan, e ang management ang binabastos nya. pinamukha pa nya na malaking pera ang dinadala nya sa istasyon. sana nga wag na syang bumalik sa wowowee para mag-sorry na naman. bobolahin na naman nya ang mga matatandang manood… malaking aral kay villar etong pagkatalo nya, it proves na willie can not really persuade people. so yung ikinagagalit nya na bakit di kinukunan ng camera yung dami ng tao sa proved to be irrelevant. puro yabang lang si willie, and abs-cbn seems to be very passive about it? why? takot ba sila kay willie? sad, it seemed fame has created a monster out of willie!

    • NO INCOME CGURO IF PAG-WALA SI WILIE SA AVS-ZVN..KAYA AYAW NILA TANGGALIN….

    • LALO NA SA OFW’S NA NAGSU-SUBCRIBE NG TFC…WOOWOWEEILIE IS THE FLAGSHIP OF AVS-CVN SA ABROAD….

  22. i am sure nagpra-practice pa si willie magsabi ng I AM SORRY with matching crocodile tears, tapos sasabayan din ng iyak kunwari nina mariel, pokwang & valerie, pero deep inside mas gusto nilang mawala si willie

    • KAYA NGA SA SHOWBIZ CLA…SHOWBIZ ALMOST SYNONYMOUS TO “PLASTICS”…..

  23. dapat lang na wag na mag dalawang isip ang ABS na tanggalin si willie di nila kawalan si willie..marami mas magaling ng di hamak kay willie si EDU MANZANO OR CESAR MONTANO NALANG..

    • DI NGA LANG NAGDADALAWANG ISIP….MAYBE NAGKAKA-DALAWAMPUNG ISIP PA KUNG TUTULUYAN NA TANGGALIN…

  24. naku naman ogie parang hindi ka naman namin kilala, i’m sure kung nanalo ka super yabang ka naman, ganyan ka din naman tulad ng iba eh. magsama kayo ni willie

  25. si cesar or edu ang pwede ipalit kay willie…

    tama ka ogie, may dahilan si bro kung bakit hindi ka nanalo bilang konsehal ng qc.

    baka talagang gusto ni bro na maging successful ka sa larangan ng pagsusulat at pagma manage ng mga talents.

    • WAG NA LANG UNG MGA HOST NA SOBRANG ATTACHED S APALITIKS NG PILIPINAS….MATUTO NA TAYO KAY PAPY WYLIE…

  26. i admire you ogie, move on na agad kasi tiyak me mas malaking plan sa iyo si God. and yes, congrats ke vice ganda, i’m a big fan of him. tiyak sold out ang ticket ng first ever concert niya sa araneta. sana maraming-marami pang concerts si vice and sana makanood ako pag nagbakasyon ako sa pinas. and yes willie is so pathetic, para siyang walang balls pag hindi niya tinutuo ang banta niya na magre-resign siya. bigla siyang natakot kasi natalo na si villar, wala na siyang mahuhut-hutang villar and then magre-resing pa siya! hay naku, kawawang villar, nag-pauto ke willie. i hope abs-cbn network will soon realize what kind of person willie is.

    • MERON NAMAN CYA “”BALLS”…NAGKA-ANAK NGA EH

    • OO NGA..SAYANG NG BILLIONS PESOSES….DAMI NA SANA NATULUNGAN NOON…..

  27. hahaha, dapat silang pagsamahin ni kris na sabi lilipad siya sa ibang bansa pag nanalo si noy. the only difference is that when kris opens her mouth meron pa ring wit, as far as willie is concerned when he opens his mouth para siyang pu-“wit” hehehe! si willie kasi akala nya untouchable na siya now that he has all these money and of course the power that comes with it. nakalimutan nya na lahat ng ito temporary lang, anytime pwedeng mawala sa yo. if he meant what he said na mag-reresign siya kung di aalis si jobert, di resign na sana siya by now dahil nandyan pa rin si jobert eh. ang nakakainis pa nun di pala nya narinig ang sinabi ni jobert sa radio show. me nakapagsabi lang daw sa kanya. so sinong nakakatawa ngayon? sasabihin nyang stressed out lang siya kaya nya nagawa yun? lagi na lang nyang dinadahilan yun di ba? sino bang di na si-stressout? kailangan mo ngang pagtrabahuan ang mga natatamasa mo ngayon di ba? i hope na di na talaga siya tanggapin ng abs para magtanda na talaga siya.

    • E2 ang eksaktong cnabi ni Kris….

      “On a last note, I promised Noy that if he does WIN, and I’m a cause of distress for him & his presidency, I’ll gladly take my 2 boys to live anywhere there is TFC [The Filipino Channel] so that I can continue to work but w/ our overseas Filipino brothers & sisters. Of course Noy said—dinner daw yun—hindi teleserye ko.

      • sa totoo lang matagal na siyang distress kay ninoy and the whole family. the only thing is just like willie she knows her way around to get away with things and make it seem na wala lang nangyari. she gave away millions for noynoy, dahil alam nya there are better things thats coming along pag nagpresidente si noynoy that can even triple the amount of what she gave. plus she needed this much attention noon pa. sometimes greedy na nga coz she is in three shows sa abs where she can be seen twice a day tapos meron pang linggo. di ba sobra sobrang blessings na yon?

      • Paki send yan…kay Garapal na mukhang PERA na si LOLIT SOLIS. Kasi pag si LOLIT ang nag kwento it is either sobra may kulang.

  28. sisihin ninyo ang abs-cbn. kung talagang gusto nilang taggalin si willie wala naman magagawa si willie. talagang sakim din sa pera ang abs-cnn.

  29. ogre talunan sa kanyang distrito sa qc bwahahahhahahahah!

    sinusuka sya ng mga kapitbahay nga bwahahahhahhaha

  30. ogie, pakisabi sa abs-cbn management na si cesar montano ang ilagay na kapalit ni yabang.
    mas magaling pa si cesar na maging host kesa jan ke revillame.

    • Cesar Montano? Isa pang mayabang at pikon iyon. Kahit sa mga sports feast ng showbiz kapag natatalo or natamaan nanghahamon na ng away ewwwwww! Mas mabuti pa yata si Bentong at Dagul na lang ipalit kay Willie hahahaha!

      • OO NGA..NOT LIKE KO RIN BUBOY FOR HOST…SI SWAK SAKIN SA TANGHALI IS VHONG NAVARRO / VICE GANDA…MAWAWALA TALAGA LUNGKOT . TSAKA TALENTED PA…DI MAPAGMAYABANG..