Willie Revillame, kinaiinisan na!

Kalat na kalat ngayon sa mga babasahin, talk shows, blogs at forums sa internet ang nakagugulat na paghamon ni Willie Revillame kay Jobert Sucaldito kamakailan lang sa programang Wowowee. Hindi na napigilan ni Papi ang kanyang pagkadismaya sa nasabing radio personality/TV host sa pagtira nito laban sa kanya. Partikular na itinuro ni Willie ang mga batikos laban sa Willie of Fortune, kung saan pinalaro nila ang mga estudyanteng ‘pasang-awa’ lang sa klase.

Hindi kami nakikinig sa radio program ni Jobert Sucaldito kaya hindi namin alam kung talagang ‘below the belt’ na ang tira nito sa noontime show ng Dos. Ikinabigla ng maraming fans at detractors ang bigla-bigla na namang pagsabi ni Willie Revillame ng mga bagay na hindi naman talaga dapat isapubliko pa tulad na nga nitong nangyari. Nadismaya ang mga tao sa inasal ni Willie lalo na nang hamunin pa nito ang pamunuan ng ABS-CBN na kung hindi tatanggalin si Jobert Sucaldito sa Kapamilya network, siya na raw mismo ang magre-resign.

Imbes na maalarma, tila hinayaan na lang ng Dos ang pangyayaring ito. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na umakting na para bang siya na ang pinakaimportanteng star sa telebisiyon. Oo, maraming naiakyat na pera ang Wowowee sa kumpanya, pero hindi lang naman si Willie ang nagtrabaho para roon. Hindi rin masyadong nagustuhan ng mga manonood ang mga bagong saltang host na wala naman talagang kakuwenta-kuwenta. Bakit naman kasi mga Ingliserang hirap mag-Tagalog ang ilalagay sa isang noontime show na pangmasa?! Kering-keri naman na nina Mariel, Valerie, RR at Pokwang ang Wowowee. Bakit pilit pang isinasama ang apat na magaganda pero hindi naman deserving na host sa show na wala rin naman talagang appeal? Dahil ba kay Papi?

Sa Facebook, marami nang mga grupong ayaw kay Willie at dini-dare pa ito na mag-resign. Sana raw ay ‘wag na itong bumalik sa Wowowee.

Sa ABS-CBN, sana naman ay matuto na kayo. Hindi dapat kinukunsinti ang mga kasong ganito. Last year naman ay nakayanan ng programang mag-survive nang panandaliang nawala si Willie sa programa. Hindi siya malaking kawalan at tulad nga ng sabi niya, marami pa siyang istasyong p’wedeng lipatan. Ang tanong: Meron bang interesadong kumuha sa kanya? Naku, turuan ng leksiyon iyan!

Comments? Suggestions? Questions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

13 thoughts on “Willie Revillame, kinaiinisan na!

  1. stupid, stupid stupid fool” walang modo at walang utang na loob ” ganyan c willie….sana bumalik cya sa pagiging por pra bigyan nya ng pagpapahalaga ang mga taong bumubuhay sa kanya….

  2. akala mo kung sino magsalita…akala mo kung san nanggaling…hindi ba nya alam na ang ngbigay sa kanya ng break ang abs-cbn o baka naglimot limotan sya… ang isang tulad na eto ay hindi dapat tularan…hinahamon ang mga boss…ano sya isang lopez??????ano sya CEO?????? sa dami ng mga kilalang artista na nasa abs-cbn never ka pa nakarinig na binabastos ang management….na tlgang down to earth pa rin … sina sharon, vilma, dolphy, kris, at kung ung nasa news and current affairs wla kang marinig na kabastusan….WELL IBA TLGA ANG SINASABI NILA NA MAY PINAG ARALAN….ISANG PROFESSIONAL…. ewan ko ba sa willie na yan…sobrang yabang…sobra ang hangin…

  3. punyeta kang willie..demonyo ka na nagkatawang tao….asal hayop..walang lunas sa sakit mo..hayop ka.sa laki ng ulo mo..di kana makilalang hayop at gago ka..kayabnagn mo..sarap mong tadyakan..ulol

  4. never malulugi ang ABS if wala ng willie revillame!!! bka nga mas mahalin pa ng tao ang ABS-CBN kapag tinanggal nila si willie..

  5. I’m a true blood KAPAMILYA ever since…but what willie did is spudest things ever done by a star..POWER TRIPPER!!! and willie i guess is so good of being stupid asshol…outburst of emotion alwasys get the best of him

  6. hindi magreresign si willie kasi sabi nya hihintayin daw nya ang decision ng management, so ibig sabihin wait lang sya, hindi sya magkukusang magresign gaya ng sinabi nya, kaloka

  7. Magkano kaya binayad ni Villar sa kanya. Hindi kaya nag sisi si Villar na sya kinuha.

    Hay Million pa naman nagasto sa kampanya.

  8. Looks like Willie has to eat his own words. Ang layo nang lamang ni Noynoy. Paano na ang investments ni Willie at Manny Villar? Manonood ako. I can’t wait to see Willie’s next step.

  9. PAG WALA SI WILLIE, MAGSASARA NA ANG AVS-CVN KC MALULUGI NA….SA SYETE NA LANG SIYA KASAMA NI PAPA JOEY DELION…MLLL

    • MAY GANUN? I’M A KAPAMILYA BUT I DON’T CONDONE WILLIE’S STUPID REMARKS. HE IN THE FIRST PLACE SHOULDN’T FORGET WHAT WAS HE BEFORE AND AFTER ABS-CBN GAVE HIM ANOTHER CHANCE. ANG UTANG NA LOOB AY HINDI NABABAYARAN KAILAN MAN. SA ABS-CBN, NAPAPANOOD SIYA NG MILYON-MILYON TAO FROM ALL WALKS OF LIFE, EH KUNG LUMIPAT KAYA SIYA SA TV5, SINONG MANONOOD SA KANYA KUNDI MGA LOKAL NA TAO LANG. :-(

  10. DAMING GALIT KAY WILLIE PERO KAY SI PANGULONG ARROYO WALANG ANTI-ARROYO

    OH MGA KABABAYAN KO NABALOT NA BA ANG MGA TAO SA SHOWBIZ NA TO..

Leave a Reply

Your email address will not be published.