Willie Revillame, inirereklamo na dahil sa show?!

More Luck
by Morly Alinio

HINDI NA NATUTUWA ang mga taga-Novaliches dahil mas lalo ngayong nagiging mabigat ang daloy ng trapiko sa kanilang main road (Quirino Ave.) matapos na magpakalat-kalat ang ilang mga tao na nagbabakasakaling makasali sa programang Willing Willie ni Willie Revillame, bukod pa sa bagong tayong SM sa nasabing lugar.
Maging ang mga security guard ng Channel 5 na dati-rating tahimik ang kanilang buhay ay nabulabog nang dumating sa nasabing TV station ang Willing Willie.

“Kailangang maisaayos ng Channel 5 ang mga taong nagpupuntahan sa kanila dahil nagiging dahilan nga sila ng pagta-trapik sa bahaging lugar na iyan ng Quirino.”

Ayon pa rin sa aming nakausap na ayaw ipasulat ang kanyang pangalan, patuloy na dumarami raw ang nagrereklamo. “Hindi naman kami galit kay Willie or sa Channel 5, ang sa amin lang ay isaayos sana nila ang situwasyon dahil sa dami ng mga taong nasa harapan ng kanilang building, hindi malayong may masagasaan diyan at iyon ang iniiwasan natin.”

Mas malala ang mga audience ngayon ng Willing Willie kumpara sa Wowowee dahil ngayon ang mga taong gustong makapasok sa nasabing show ay nagbababad talaga nang kung ilang araw, kung saan ay nakita naming personal na meron nang nagsasaing sa gilid ng isang bakanteng lote.

“Tatlong araw na kami rito pero okey lang kasi alam naming makakapasok din kami,” pahayag iyon ng isang matandang babae na galing pa raw sa Batangas.

Dinagdagan din ng Channel 5 ang bilang ng kanilang mga guwardiya dahil sa dami talaga ng mga taong nagnanais makapasok sa nasabing TV Network.

FOUR SHOOTING DAYS na lang ay tapos na ang pelikulang Tanging Ina Part 3, kung saan ay hindi na kasama si Heart Evangelista sa nasabing final episode ng historic movie ni Ai-Ai delas Alas. “Kung galit ako kay Heart? Hindi. Bakit naman ako magagalit sa kanya, wala naman kaming relasyon. “Tumatawang sabi ni Ai-Ai nang puntahan namin siya sa location ng nasabing pelikula.

Ayon kay Ai-Ai, hindi raw siya nanghihinayang kung hindi man nakasama si Heart sa part 3 ng kanyang pelikula, dahil una at higit sa lahat, natapos at maganda naman daw ang kinalabasan ng kanilang movie kahit wala si Heart.
Samantala, mariing itinanggi ni Direk Wenn Deramas ang balitang galit siya kay heart.”No, hindi ako galit. Kaya lang nu’ng una, ang sabi niya may problema sa schedule, kaya ang Tanging Ina mismo ang nag-adjust ng oras at araw ng shooting para sa kanya. Pero last minute, hindi siya dumating sa shooting, kaya nag-decide na akong huwag na lang siyang isama, at the same time, nasa kabilang station na siya, ‘di ba? Actually noong una kinokontak ko pa nga si Tita Annabelle para sa schedule niya, kaya medyo nagulat ako nang wala na pala sa kanya si Heart.”
Hindi naman daw galit si Direk Wenn at si Ai-Ai kay Heart, at hindi raw kawalan ng kanilang pelikula kung walang Heart na mapapa-nood. “Ang ginawa ko na lang, nag-revise kami ng konti sa script at pinalabas naming hindi makauuwi ng Pilipinas ang role ni Heart, kaya nabuo ang story kahit wala siya sa mga eksena,” sey pa ni Direk Wenn.

loading...

31 thoughts on “Willie Revillame, inirereklamo na dahil sa show?!

  1. There are some fascinating time limits on this post: Pinoyparazzi.com | Willie Revillame, inirereklamo na dahil sa show?!, but I don’t know if I see all of them heart to heart. There is some validity however I’ll take hold opinion until I look into it further. Good article , thanks and we want extra! Added to FeedBurner as nicely.

  2. maganda naman ang wiling wilie masaya. dito sa zamboanga city marami rin ang nanonood. ibang klase ang hatak niya kasi kahit news pinapalampas na makapanood lng ng show niya.

  3. hey mary ann, bawal ba mag c0mment,, et0 paninwala namin eh, at tlgang nd kami nanunu0d ng willing wili nd naman nakakwili n0′ bawat ta0 may knya knyang opiny0n,.huh

  4. Hey, you people…just mind your own business. Leave Willie alone. If you don’t want him, then go watch your favorite network station!

    • bulag ka ba? Kaya nga nag comment ang mga readers dito dahil it is encouraged sa article dito to leave a reply or comment sa nabasa dito!!! Yon alam mo na!!!!! May kanya kanya tayong opinion, ang opinion ko hindi mo opinion at ang opinion mo hindi ko opinion.

  5. wow willie.. congrats. buong barangay namin nakatutuok sa show mo pag 6:30 na.. grabe pala talga hatak mo sa tao..pag sumasakay ako ng tricycle ikaw padin ang topic nila.. hahah congrats!!!!!

  6. so true, isang malaking perwisyo sa aming mga taga novaliches ang willing willy na yan.. super traffic na d2 grabe,, sana nilipat na lang ng studio yan.. kainis nadagdag pa sm nova hay nako!!!! mga bwct na gumwa ng trafficcccccccccccc!!!

  7. wah,nagpipilit parin ang ibang ta0 d2 na malakas ang willie nila’ tignan ny0 ang ratings ng agb at kantar,.kulelat willie ny0h’ sabi niny0 tama na ang mga balita, pero kau pagkatpus ng willie nyu o b4 willie nyu pur0 balìta plabas sa iny0, 24oras at tv patr0l parin ang sin0s0p0rtahan ng maraming tao, kaysa sa willie nyuh’ pera lang tinatapat sa ta0, sus…

    • AGB Nielsen Ratings:
      10/26 Tuesday Eat Bulaga 9.5% WW – 8.1%
      10/27 Weds. Eat Bulaga 11.9% WW – 8.3%
      10/28 Thurs. Eat Bulaga 10.0% WW – 9.1%
      10/29 Friday Eat Bulaga 11.2% WW – 8.0%
      10/30 Sat. Eat Bulaga 11.3% WW – 8.2%
      11/1 Mon. Eat Bulaga 9.8% WW – 8.2%

      Ang Eat Bulaga kaya nag rate dahil mga humble ang mga hosts at hindi trying hard, you can tell that they are sincere and having fun in their show and walang sabi sabi about ratings, e si Willie, ratings lang kaagad ang lumabas sa bibig, pati mga mahirap ginagamit pa para lang sa personal agenda, hindi galing sa bulsa ni Willie ang ipinamigay nya sa mga tao , galing yan sa mga advertisers/product endorsers at ang mga ipinamigay na pera ni Willie ay maliit lang na porsyento yan sa total na mga na receive nya galing sa advertisers. Willie is all about business for his own agenda. Palaging sinasabi na ang show nya para sa mga pulubi, of course front act lang yong mga pagtulong nya sa mga mahirap kasi mas malaki ang binabayad sa kanya ng mga advertisers at ang mga ipinamigay nya is only a small percentage ika nga. Well tulong na kong tulong. Kaya kayo mga pulubi, magsikap kayo, huwag anak ng anak kong pulubi kayo, problema pa kayo sa goberno at hindi aangat ang Pinas kong anak kayo ng anak, dinagdagan lang nyo ang mga hindi edokado at dinagdagan pa ninyo ang mga nagugutom. Gumamit kayo nga condom.

      • klarong binayaran at sinilawan lang ni
        Willie ng pera ang mga pulubi para magka rate ang show nya. Parang tulong na may bayad.

  8. swanget naman ni Willie,,,,, thunders na yan,.. parang ako 54 years old na at 5’3″ ang height hehehe

  9. SA TOTOO LANG NAKAKAINIS ANG WILLING WILLIE.LAGI SYA OVERTIME,DELAY TULOY ANG IBANG SHOWS NG TV5…di na tuloy mapanood ang MY DRIVER SWEET LOVER..

  10. unti unti na ulit bumabalik ang hatak ni willie sa mga tao…kaya pala papalitan na sina karen davila at julius babao sa tv patrol nina korina at noli….hahaha

  11. hahahaha..ang writer na 2 c morly…bayarang reporter ng tv5…sino pa ang maniniwala sayo??hahaha…hindi na kami TANGA…bagsak na c willie at talo pa rin ang tv5 forever!!!!hahahah

  12. eh syempre naman gagawin nyang misleading para maka-attract ng mambabasa, regardless kung ano talaga ang content ng kwento nya.. kayo naman, parang bago ng bago… nag-gagamitan lang naman itong showbiz na ito…

  13. hinde na daw matutuloy ang Dwarfina ni heart sa GMA.. postpone daw muna pero ang totoo talagang hinde na gagawin.

  14. ang pangit ng title mo. misleading!!! hindi naman si willie ang nirereklamo eh. yung fact na magulo yung pila sa labas!!! tsk tsk

    • tama k akala ko c willie n mismo ang nirereklamo, magagawan din ng paraan yan bago palang kc ang show ng willing willie. halata talagang maraming galit (o ingit) k willie tuwang tuwa cilang makitang bumagsak c willie kaso habang ganon ang gusto nl lalo nman umaangat. god bless willie

      • haha! umaangat raw o! Subukan nyang wag maglabas ng pera, tingnan ko lang kung may pipila pa sa show niya. Pinakamalakas na MAGNET ang pera noh! Karamihan sa mga pinoy sa pinas ay batugan at gusto ay quick money at ayaw ng maghirap. At kung sino pa ung homeless na nakatira lang sa kalye ay sila pa ung sunod-sunod ang mga anak. Kung minsan natatanong ko sa sarili ko, papano pa sila nakagagawa ng bata kung sa kalye lang sila natutulog at sama-sama sila sa higaan. :-)

      • korek….mahilig umasa, mahilig sa madaliang pera, nagbibigay si willie ng false hope sa madla at makikita na talagang pinaglaruan lang ang damdamin ng mga tao same concept sa wowowee….

      • tama k. sk tinuturuan lng maging tamad tao dhil s ganyang sistema nila d nman c willie malakas s tao n pinipilahan kundi un pinamimigay nya….

      • Tama kayong lahat , ginawa lang ni Willie na mas maging tamad ang mga tao dahil sa pinalabas nya. Well kong sabagay, parang ang kalabasan ay parang front act lang naman ang mga mahirap kasi kong may show siya, mas marami siyang matanggap na pera or bayad galing sa mga advertisers at kaya niyang ibigay ang kaunting amount para sa mga pulubing tao and he can keep the most of it, IT’S ALL ABOUT BUSINESS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.