Willie Revillame, idinidiin si Sen. Villar

MARAMING TUMAWAG SA amin nu’ng Martes ng hapon habang ginaganap ang SONA ni Pangulong GMA. Sa isang bahagi kasi ng SONA ay bingyan ng pagpapahalaga ang pagiging kampeon ni Manny Pacquiao, tumayo naman para yumukod-kumaway si Pacman, bilang tugon sa respetong ibinigay sa kanya.

Tawa kami nang tawa sa komento ng isang kaibigan naming tumawag, “O, nasa pundilyo na naman ni GMA si Manny, ano ba ‘yan? Noon, si Pangulong Erap ang nakasama niya sa GenSan, ano ba ito, namamangka siya sa dalawang ilog?” Tanong-opinyon ng aming kaibigan.

Ganu’n din halos ang naging komento ng iba pang nagtawagan sa amin, ano raw ba naman si Pacman, kabilaan? Saang partido raw ba siya tatakbo, manok daw ba siya nino?

Sa pagkakaalam namin ay inimbitahan si Pacman sa SONA para gawing ehemplo ng pangulo sa kanyang mga litanya. Ganu’n naman taon-taon, pinapupunta sa SONA ang mga kababayan nating umangat sa kanilang hanay, dagdag pogi points daw kasi ‘yun para sa gobyerno.

Sa pagkakatanda rin namin, nu’ng magpunta sa GenSan  ang Pangulong Erap ay may litanyang binitiwan si Pacman, “Mas maganda na ang wala tayong kaaway. ‘Yun naman talaga ang palagi kong sinasabi tuwing lumalaban ako, magkasundo-sundo na sana ang mga pulitiko.”

Pero alam naming naniniwala si Pacman sa kasabihan sa mundo ng pulitika na kapag si Pangulong Erap ang kaalyado mo, sitenta porsiyento ka nang nakasisiguro sa boto ng mga kababayan natin, treinta porsiyento na lang ang kailangan mong pagtrabahuhan.

Nasa gobyerno nga raw ang pondo, pero kapag si Pangulong GMA ang nagtaas ng mga kamay mo, kiss of death ang kahulugan nu’n.

Puwedeng namamangka nga sa dalawang ilog ngayon si Manny, matatag ang kanyang disposisyong tumakbo, kaya lahat ng paraan na nalalaman niya para madali niyang masungkit ang inaasinta niyang posisyon ay gagawin niya.

NAGIGING PABORITONG PROGRAMA ngayon ng mga pulitiko ang Wowowee. Natural, gumagana ang mga pang-amoy ng mga nakapalibot sa pulitiko, alam nila kung anong show ang malakas at tinututukan ng ating mga kababayan, kaya ‘yun ang gusto nilang mabisita ng kanilang minamanok.

Deklarado nang tatakbo sa darating na halalan sina Senador Mar Roxas at Senador Manny Villar, pinakamataas na upuan sa bansa ang kanilang pag-aagawan, wala nang urungan ang kanilang plano at matira na lang sa kanila ang matibay.

Alam ng mga pulItiko na Wowowee ang pinakamabango at pinakamalakas na programa ngayon, kung ano meron ang programa ni Willie Revillame ang kailangan tuklasin ng tropa ng Eat… Bulaga kung bakit naitaob nito ang kanilang bangka.

Nu’ng una ay si Senador Mar Roxas. Sa Wowowee nila inamin ni Korina Sanchez na malapit na silang magpakasal, nu’ng Sabado naman ay si Senador Manny Villar ang nandu’n.

Binigyan ng sariling lupa at bahay ni Senador Villar ang anim na kalahok sa Willie Of Fortune, sila ang mga kababayan nating ulilang-lubos na, sila ang tumatayong poste ng kanilang pamilya.

Umuupa lang ng bahay ang lahat ng kalahok, kaya todo-todo ang kanilang iyakan nang magdeklara si Senador Villar na reregaluhan nito ng lupa at bahay ang anim na contestants, maraming puso ang nabundol ng pagmamagandang-loob ng mambabatas.

Ibang klase si Willie Revillame, dinarayo talaga ng mga pulitiko ang kanyang noontime show, inaasahan namin na sa susunod ay si Vice-President Noli de Castro naman ang magpupunta sa Wowowee para magbigay ng kanyang plataporma sa ating mga kababayan.

Sigurado ‘yun, si VP Noli pa ba naman ang kalilimutan ni Willie, samantalang ito ang asawa ng kanyang manager na si Tita Arlene Sinsuat? Huling kabit si Ka Noli, kung ano naman ang pinaplano nitong ipamahagi sa mga kalahok ng Wowowee, wala pang nakakaalam.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

22 thoughts on “Willie Revillame, idinidiin si Sen. Villar

  1. HAHAHA!!!Si Cristy Fermin?HAHAHA!Si willie?Alam nyo bagay na bagay kayong dalawa,magkahawig pa nga kayo e!To see is to believe.Titigan nyo mabuti ang mga itsura nyo sa salamin,HAHAHA.

  2. TRES KUHOLS. HA HA HA! ! ! MAFIA ANG WOWOWEE? HA HA HA! AKALA KO, AKO LANG ANG NAKAKAPANSIN NANG MANGA KILOS NANG WILLIE AND BOBOT BABES NA SI MARIEL, RR AT POKWANG. ANO KAYA ANG GINAGAWA NILA PAG MAY REHEARSALS? MAY INSIDE SOURCE AKO PERO SAKA NA. BAKA MAHALATA. MAWALAN PA NANG TRABAHO.

  3. totoo naman na taob ang eat bulaga….

    sa manila lang malakas ang eat bulaga pero rest of the countru wowowee talaga..

    sorry i am just being true…

  4. ang kapal nman ng mukha mong sabihin na napataob ng wowowee ang eat bulaga!!!! helooo!!! asa ka pa!!!! magkano ba ang ibinayand saiyo ng mandaraya at ubod ng yabang na si willie!!!!! eat bulaga!!!! institution ma yan!!!!! kahit pag baliktarin mo ang mundo di mapapataob ang eat bulaga!!!!! bobo!!!!

  5. My goodness U cristy fermin.R u Deaf, Blind?Haven’t u realized that your so called friend willie,EXHIBITS bad manners and wrong conduct?As a public figure, willie should sets a good example, need to develop self-control in voicing out his feelings and be more responsible in his actions. He is definitely doing the opposite, right?Remember the statements that he made on his show?A statements that created insults and hurts to every Filipino. We feel that willie demonstrates unkindness and uncaring through his actions when he did that remarks.He is really irresponsible and insensitive just like U, remember the statements that u made about Nadia?the reason why you are kick-out. As the saying goes…tell me who your friends are and I will tell you who you are…Magsama kayo ni willie…We think both of U need to THINK…PAUSE…REASSESS THINGS…and for those politicians-hindi kami madadala sa ganyan…we will exercise our vote and vote wisely…willie’s endorsement of politician will definitely ruins their political career. To let you know, we in Dubai deserved a beter tv viewing and we feel DABARKDS (EB) is what we deserve.

  6. Hey Cristy, hindi ako papayag na Wowowee ang pinapanood ng mga tao. Dito sa amin walang nanonood ng Wowowee. Ayaw namin ng mga tumitiling hosts. Saka mas maganda ang EB, nakakaaliw at hindi puro paawa na obvious namang nagdadrama lang. Napanood ko nga yong praktis ng wowowee dati sa You Tube, pinapraktis ng mananalo ang magiging reaction. Nakakatawa ang mga girls na host ng wowowee, talagang super lundag sina mariel at valerie, ha ha ha!

  7. ano na ba ang nangyayari sa show na ito?

    puro dayaan ang daming kapamilya na nagrereklamo halatang ayaw magbigay ng pa premyo ni willie
    naibulsa na yata ang pera tsk tsk tsk

  8. Pakawala siguro ni Willie iyong itim na kumanta nang Ikaw Na Nga. Nakakasuya na. Pero ang alam namin dito, may isang pulitiko na gustong gawin ang Ikaw na Nga sa kanyang campaign. Hintayin ninyo. Magkakaroon nang jingle ang pulitikong ito to the sound of this song. Paulit ulit si Willie para ma memorya nang taong bayan. Malaki ang bayad dito.

  9. Salamat sa mga salitang nakakataba ng puso… Lolit, Jobert, Brad Pwét! Ang mga salitang namumutawi’t lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso. Ang maririkit ninyong salita’y pahiwatig ng pagiging maganda’t malinis ng inyong puso. Maraming salamat. :oops: :P

  10. ganda ng laman ng comments
    lolit the scandal girl..gumawa ng scandal dati ngayun nakikisawsaw sa scandal ng iba

    jober the pipino! nauouan daw kaya pumasok ang 5inches sa wetpaks

    and for the final! tong demonyong cristy fermin na to! good thing you dont have any TV appearances! hmft!

    • cristy, baka makinig si willie kung ikaw ang magsasabi. pakisabi tigilan na niya ang pagkanta niya. paborito ko ang wowowee kesa sa eat bulaga pero ngayon nakikita ko na malaking kaibhan ng eat bulaga. marami itong portion na nakakatuwa plus mas malaki pa ang papremyo. alam mo kung bakit ko ito na-realize kasi pag kumanta na si willie inililipat ko na. araw-araw ka ba namang kantahan ng parehong song. bakit pinababayaan ng abs ito. kahit mga dancers at staff naghihikab na at mukhang suya. di ba sensitive si willie. o talagang may ego trip. pakisabi, cristy.

  11. hoy cristy, without offense, i used to watch wowowee when i’m dubai, and it so bulok! it just happen na wala mapaglibangan ang mga pilipino sa ibang bansa that’s why, and in terms of bango, isa lang masasabi ko, a very good reputation in part of eat bulaga that they do not use their show to cater those bullshit politician. hindi sila mukhang pera na nagpapabayad just to give publicity. ang maganda mong gawin cristy, get lost, isa ka sa taong dapat tanggalin sa pilipinas na nagiging sanhi ng hindi pag unlad, in short CORRUPT PEOPLE! buti na lang hindi mo pa naiisipan kumandidato hahahahahaha

  12. Oissttt… Cristinnelli! Hwág mo na lang iintindihin yúng mga kanegahang pinagsasasabi ng ilan mong avid readers! :idea: :mrgreen:

  13. KOREK ka dyán, Náy Cristy!!! For sure ay aalyado na ngayon sa Oposisyon si Manny Pacquiao. Kayà nga siya natalo núng nakaraan dahil sa pagiging maka–Gloria, deváh?! Your credibility remains in its all time high, Náy! 8) :wink:

  14. itong cristy na toh impakta tlga.
    ah si willie mandaraya nga pla tumutulong sa panget na toh.

    nako cristy, wla ka nang kredibilidad!!

    eat bulaga napataob ng wowowee??
    ASA KA!!

    30 years na eat bulaga and still counting

    eh ang wowowee? 6 months to go!! hahah

    cheap!!
    kadiri ka cristy

      • kitang-kita nga, tamo oh, ikaw lang ata ang nanunuod ng pagka-ganda-ganda nyong wowowee… pati pamangkin ko pag naririnig ang wowowee sa kapitbahay ngtatago, natatakot sa mga sigawan ng hosts.. hosts nga ba ang mga yun?? ang mga dancers talo pa mga pokpok sa mga itsura.. wahahaha!!!

  15. Naisip ko lang…pag me bibitawang hindi balanseng salita tong malignong cristy fermin na to…laging me tumawag na kaibigan, me nakapagsabi, narinig…hindi ba pwedeng magsulat diretsahan???

    kakasuklam!
    Yun yun!

Leave a Reply

Your email address will not be published.