Willie Revillame, huli na sa pagtulong sa promo ng serye ni Nora Aunor

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday to the maximum authority of chikka ng bonggang-bongga yours truly! At s’yempre lahat naman ng ichini-chika ko ay pawang katotohanan lamang, hahaha! At maloloka ka talaga sa Earth!

Kumustahin naman kaya natin si Maricel Soriano dahil may nakapag-chikka sa ‘king isang parazzi girl na wala naman talaga sa ibang bansa itong si Maricel at hindi pala totoo ang bali-balitang naghihirap na ito.

Maloloka ka talaga sa Earth, dahil nasa tabi-tabi lang pala siya sa Mandaluyong daw at hilig nga raw nitong magpa-parlor, take note. At lagi niyang ginagawa ‘yun at gusto niya pa yata ay araw-araw siyang nakaayos, dahil akala niya, may ginagawa siyang project. At ang bonggang eksena d’yan, kahit ultimo nagwawalis ng mga buhok sa parlor ay bibigyan niya ng tip.

Akalain mo ‘yun! Kaya sino ba naman ang makakapagsasabing naghihirap na siya? At ang bonggang chikka naman, kahit ‘yung dalawang katulong ay suportado pa raw. Kaya lang, may nakapag-chikka sa atin na kaya pala ganyan ang Diamond Star ay suportado din daw ng TV5 at ang katulong ay suportado naman ni Tulfo. Hmmm…

Bongga naman pala, eh! Hindi pala talaga totoo ang bali-balitang nasa ibang bansa siya. Ang hindi naman natin maitanong sa kanya, bakit hindi na lang siya magbalik sa showbiz? Bakit kaya?

AT HETO PA ang maloloka ka talaga Earth. Mukhang may nakapagsabi na yata sa naisulat ko noong nakaraan, at may nakapag-chikka sa atin, dahil hindi ko naman pinapanood ang show niya.

At take note, pino-promote na raw ni Willie Revillame ang teleserye ni Nora aunor, ang Sa Ngalan ng Ina. Kaya lang, ang masasabi ko ay huli na ang lahat. Bakit sa tinagal-tagal ay ngayon lang niya naisipang i-promote ‘yan.

At talaga namang mapapansin ng mga Kaparazzi natin na pagkatapos na pagkatapos ng Step No, Step Yes ay nagpa-flysung na siya agad. Nu’ng isang araw raw, prinomote na niya agad. Hindi kaya sinusulsulan ito ni Lucy Fermin? Hahaha! Dahil alam mo naman, mukhang may something talaga siya diyan.

Pero heto lang, isi-share ko lang sa inyo ang naalala ko lang noong may TV show pa kami ni Willie sa Channel 9 noon. Talaga namang ang paninira niyang si Lucy Fermin ay bonggang-bongga. Ngayon, akala mo kung sinong mabait. Kulang na lang santuhin si Willie. Wala pa ring pagbabago… hahaha!

Sa bagay, lagi ko namang sinasabi sa inyo, if money talks, everybody listen! Bongga, ‘di ba?

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMalamang na single pa rin kundi nakilala si Shalani Soledad Cong. Roman Romulo, sinagot ang ‘bading’ isyu!
Next articleNang malamang bagsak sa ratings ang serye ni Nora Aunor Sharon Cuneta, ayaw nang lumipat sa TV5?!

No posts to display