Willie Revillame, handang magbenta ng ari-arian alang-alang sa kanyang show

Willie-RevillameHINDI PA matitigbak ang programang Wowowin ni Willie Revillame kaya tuloy ang ligaya ng kanyang supporters and staff. Napaganda pa nga ang pangyayari dahil ang Wowowin ay naging ka-back-to-back pa ng bagong show ng GMA 7 na PinaSaya na mapaanonood tuwing Linggo, simula Aug. 9. 12 ng tanghali hanggang 2 p.m. mapanonood ang PinaSaya at 2 p.m. hanggang 3:15 p.m. naman ang show ni Willie.

Aminado ang TV host na muntik-muntikan na talagang matsugi ang kanyang show, mabuti na lang daw at tinawagan siya ni Joey Abacan ng GMA at in-offer-an ng bagong timeslot.

Maraming handang isakripisyo si Willie alang-alang sa kanyang show. Handa raw siyang magbenta pa ng iba niyang ari-arian para lang matustusan ang programa. Marami pa raw naman siyang hindi na kakailanganing properties at ‘yon ang kanyang idi-dispose.

During the presscon, paulit-ulit namang sinasabi ni Willie ang desire niya na sana ay gawin nang daily ng GMA 7 ang kanyang Wowowin. Ang gusto raw niya kasi, mas makapagpasaya kaya babagay ang programa sa late afternoon, bago mag-24 Oras.

Sa Linggo mahuhusgahan kung malakas pa talaga sa tao si Willie. Kapag maganda ang ratings, baka pag-isipan ng Siyete na gawin na nga siyang daily. Pero kapag hindi pumik-ap, malamang na once a week na lang talaga ang programa.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

3 thoughts on “Willie Revillame, handang magbenta ng ari-arian alang-alang sa kanyang show

  1. Lalo lang pinayaman ni willie si gozon joke. Si Ang rin pinayaman si Gozon by 1 billion pesos. suwerte ni gozon ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.