Willie Revillame, gustong gawing sunud-sunuran si John Estrada at Randy Santiago?!

OLA CHIKKA! WELL, infairness, ang chikka natin ngayon ay nakawiwindang talaga, kasi at to the highest level na grabe ang hinanakit ni Willie Revillame kina John Estrada at Randy Santiago, dahil tinanggap ng dalawa ang alok ng Dos sa kanila. Nagulat daw si Willie kung bakit tinanggap ng dalawa, kasi inaayos daw niya ang magiging show ng dalawa sa Kapatid Network. Haller?! Ok ka lang?

Ang sinasabi ng karamihan, hindi raw plastic si Willie kaya niya nasabi ang mga hinanakit  niya, eh parang ang lumalabas ay bitter na bitter siya. Kaibigan niya ang mga ‘yun, dapat ay mauunawaan niya ang mga ganu’ng bagay, dahil pare-parehas silang nagtatrabaho. Bakit kai-langang siya ang sundin ng mga kaibigan, ‘di ba? Ano ‘yun, nagbo-boss-bossan, hahaha! Buti na lang may sariling desisyon ang dalawa.

Kaya pala nang makita ko si Randy nu’ng mga nakaraang araw, niyakap niya ako at kinumusta. Nu’ng kinumusta ko, ang sagot lang  niya sa akin, may inaasikaso siyang magandang pro-ject. Hmmm… ‘Yun na nga ‘yun! For sure magki-click ang noontime show ng dalawa, ‘di ba?

At ang advice ko lang sa dalawa, ‘wag na silang tumulad sa kanilang kaibigan na parang nanunumbat pa ang dating, ‘di ba? Ang taray!

AT KUMUSTA NAMAN itong sina Piolo Pascual at KC Concepcion nu’ng nakaraang interbyu sa kanila sa Dos? Kalerki! Inamin na nila sa publiko na sila na raw!

As if naman, hahaha! Parang hindi ako kinikilig sa sistema nilang dalawa, at bakit ngayon n’yo lang inamin, ‘di ba? Ano ba naman ‘yan? Tsk, tsk!

For sure, press release na naman nila ‘yun, kaya kahit anong gimik na lang ay papatusin na ng dalawa para mapag-usapan sila. Hmp! Hindi naman sila bagay… mas bagay kami ni Piolo! Hahaha!

Siyempre ang sagot ng madir, okey lang, dahil magiging magandang impluwensiya si Papa P kay KC. Hmmm… ano’ng ibig sabihin nu’n, may pagka-bad girl ba itey? Hahaha!

BLIND ITEM: SINO siya? Sinetch itetch? Isang dating award-winning child actor na tunay na masasabing mahusay sa kanyang bawat pagganap, mapa-pelikula man o telebisyon ang biglang nawala sa limelight.

Balita kasing umuber na kasi sa pagkapasaway ito at hindi sinisipot ang calltime ng kanyang programa, na sa murang edad ay isa nang father dear, dahil naka-juntis.

Diumano, napapabalitang nakikipaglandian ito ngayon sa isang stand-up comedian, at more and more usap nga sila sa Twitter. Ala-ngan namang hindi sila magkaroon ng personal message sa bawat isa, ‘di ba?

At ang eksena rito, nais daw perahan ng dating child actor si stand-up comedian para may panggastos ito sa kanyang junakis, dahil kakaunti pa lang ang project ni dating child actor. ‘Yun na!

Clue? Si child actor ay tunay na mahusay at walang duda, at siya ay nakapaghakot na ng mga award nu’ng bagets pa siya. Si comedian naman, ang pangalan ay puwede sa lalaki at puwede rin sa girlassshhh, pak!

At antabayanan na lang ang aking programa sa DWSS 1494 KHZ, simula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali, kasama ang aking anak na si Lady Camille, at subaybayan din tuwing Linggo sa DZRH 666 KHZ tuwing Linggo, 2:30-3:30 ng hapon. BADJAO!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

56 thoughts on “Willie Revillame, gustong gawing sunud-sunuran si John Estrada at Randy Santiago?!

  1. sa palagay ko sarili lang iniintindi nya, dapat iniisip muna kung anung dapat isabi sa karamihan para maiwasan ang mga ganitong problima. kung totoong may isip at totoong tao dapat hindi na sinabi live show kung myroon mang hinanakit….taray…taray!!! parang hindi lalaki daming salita….

  2. yepee..bbalik na c willie bukas! ang saya saya na naman..yung ayaw ni willie mamatay sana.mga gagu lalu na si swarding..tinitira nya kc c willie.ang bait nga nya eh

  3. willie, magaling ka humawak ng show at , pag ho host, pero financially, di mo matutulungan lahat ng iyong kaibigan. Kung ikaw mismo ang may ari ng tv 5 station, pwede pang mabigyan mo sila lahat ng trabaho dahil sa iyo yung tv station, , kaya hwag mo naman tirahin yung mga kaibigan mo dahil kinontrata sila ng channel 2,makipagsabayan ka kung ikaw ang may ari ng tv5 o meron kang abs cbn network.Humble pa nga ang abs-cbn sa ginawa mo, talaga lang talented ka when it comes to hosting.

  4. oo nga naman mga sipsip kyo sa dos kya kung ano ano ang cnasabi ninyo mga gago dapat nood na lang kyo showtime hahaahaha para ndi kyo magalit at manira ng tao…

      • Oo nga, hindi humble si willie, makita mo talaga na hindi sincere sa pagtulong, namimigay naman pero dahil lang para tumaas ang ratings. Tingnan nga natin kong walang camera na present, di ba? Kung galit sya ni John & Randy, sana behind the scene na lang nya itong tinawagan kung totoo man itong mga kaibigan nya. Hindi na lang sana niya ito pinahiya sa live show pa. Nakakalurka talaga itong si Willie. At wala syang karapatan na diktahan sino mang tao kung saan sila magtrabaho. Bakit hindi nya sinama noon sa Wowowee sina John at Randy at bakit hindi rin nya ito inilagay sa Willing Willie kung totoong mga kaibigan nya ito, instead, isinama nya si Mo twister na twisted naman talaga.

  5. gus2 lang ng mga tao d2 ay kaawaan c john at randy para maraming manood sa kanila hahahaha style ninyo bulok wla laosyan deep na iyang dalawa maniwla kyo ndi magraratings iyan cguro sa una mataas gya ng win na win pero after2 weeks la na bago mag3 buwan tsugi na naman ayaw pa kcng aminin na ndi na cla mabenta sa tao kya lagi nilang dinidimanda c wil pero talo pa rin cla kc nga laging katotohanan ang lumalabas ndi pa rin nila maamin kahit magaling ang abogado mo kung ndi naman 22o sayang lang ang panahon at pera kya tanggapin na!!kahit cnong ilagay ninyo dyan sa noontime talo pa rin cla ng eat bulaga wowowee lang ang nakaktalo dyan kya nga dumami ang pera ng dos dahil nagnunumber1 cla,,,

    • rhona, correction please, kung natalo man ng Wowowee noon ang Eat Bulaga, ilang beses lang hoy, bumalik ka sa past ratings, mabilang lang ang pagkatalo ng Eat Bulaga sa Wowowee noon. Kaya nga hindi nilagay ni Willie ang Willing Willie nya sa noontime kasi alam nya na hindi nya mapataob ang Eat Bulaga and nobody and no one can beat Eat Bulaga. The 3 hosts (Tito, Vic and Joey) have sincerity, humbleness and integrity that Willing Willy Boy does not have!!!!

  6. kya iyong mga galit kay willie baka kyo ang dapuan ng masama dahil wla kyong gnawa kundi manghusga ng tao sabagay taga dos kyong nagkokomento ng mga masasama aminin ninyo kc na nalugi kyo ng mawala c willie kya nga kung cno cno ang tinatapat ninyo sa show niya na halos lahat malapit kat willie gya ni korina c kabayan pagdating naman sa noon time show cna rico j.puno ngayon naman c john estrada at c randy balak pa ninyong itapat c kris hahahahahha mayron akong kamag-anak galit na galit kay wil kung ano2 ang cnasabi gaya ninyo pero gustong gusto niyang manood ng show ni willie or magbasa ng mga magazine dba pag ayaw wag kang manood or magkomento doon ka sa stasyon mo para maging hapi ka ndi iyong kyo ang apektado hahahahahha tumulong na lang kyo sa kapwa ninyo k echoserong mga palaka hahahaha plastik kyo ndi c wil dahil kung plastik c wil palag ko ndi na cya magsasalita sa harapan ng tv,,nagpaka22o lang cya…

    • carrie,este dory,…nagpaka totoo lang cya???siguro nga,tamang tama ang sinabi mo,ayun at yung ibang bulag sa fan ni willie e nagising!at sinasabing salbahe nga talaga si willie.sabihin mo sa amo mong idol mo pa,mabuti pang tinawagan nya sina john kesa lantaran nyang sinumbatan on air,kakahiya….buti nalang at may sumabat ng"NAN DITO NAMAN KAMI"…dahil kung hindi sumabat yung isang lalaki dun siguro hindi lang yun ang nasabi nya on air …masyadong kumapal ang mukha nya huh!!!

  7. hahaha jhon ayaw nilang maniwla na mabait c willie galit cla kc inggit baka iyan ang gabay ng channel 2 sipsip..marami pang ndi cnsabi c willie sa pagtulong,tungkol naman kay john at kay randy cguro maski ako iyon magagalit or sasama ang loob ko talagang marami pa rin sa pinoy ang mga traydor ang alam ko kapag bestfriend mo kahit ano pa iyan mapaway o pera ndi kyo mag-iiwanan mas naunang niluluto ng channel5 sa dalawang kaibigan,pero tinanggap nila sa kabila sana cnabi nila kay willie kc nga tinutulungan clang magka-show tapos iyak-iyak c john ang arte dahil kung tlagang kaibigan cya dapat sa tv5 cya magnonoon time show wlang kuwentang kaibigan kapamilya ako pero ayaw ko na lalo na iyong magigigng palabas nila tapos kasama pa nila c mariel na plastik!!!!pare-pareho na cla maliban lang kay toni sana isang linggo lang c toni sosyal cya at sikat malamang malalaosyan deep din cya gya niyang tatlong iyan ay apat pala c melai din!!!wawa naman c toni?

  8. haay tita swarding

    sana mag click nga ang show ni randy and john, may god bless them both and their show

    the 2 poor guys, mga kawawawang nilalang, tumangap lang sila ng trabaho para mabuhay ang pamilya nila

    inaalipusta pa sila nang sarili nilang kaibigan

    this is all about randy and john
    may we all support randy and john show
    kawawa silang dalawa
    hindi naman sila kasama sa galit ni willie sa abs cbn
    inaapi pa sila ni revillame

    CHEERS AND LETS ALL SUPPORT RANDY AND JOHN NEW SHOW
    PARA MAWALA ANG CURSE NI REVILLAME SA KANILANG DALAWA

    MAY GOD FORGIVE WILLIE, AMEN

  9. isa lang ang masasabi ko, lahat may hangganan willie, maybe d mo pa panahon…pero maghintay ka lang dahil nasa tabi tabi lang ang karma..malapit n yan…walang masamang budhi ang nakakaligtas sa ating Maykapal….Just thank God meron ka pang kaibigan, but better give your friends dignity..and they will also do to u.

  10. ikaw swarding wla ka nmang naggawang maganda sa publiko, dapat yang srili mo ang isulat mo dhil hndi ka nkakagawa ng mganda sa mamamayan. dapat ang mga katulad mo nawawala na sa mundo, puro ka paniniri bakit hindi ka na lang sumuporta sa mga taong nagkakawang gawa sa kawpa tao. ang laki mong basura sa lipunan!!!!

  11. si jhon balimbing,bkit pa sya lumipat sa 2 samantalang may show naman sya sa t.v5…wlang utang na loob sa t.v5.. bsta ako kay willie parin ang simpatiya ko.tama lang yung gnawa nya

    • masyadong malaki ang ulo nyan si willie..tama si tita swarding. anu yun? sya magdidikta sa mga kaibigan nya? haha. kalokohan! yan ang type nya mag ego trip,ngayon type nya ang tv5..bat nya igagaya sa kanya mga frends nya eh sila john may sasalo sa kaila na kapamilya network..eh sya? kundi pa tv5 wla na sya,isa pa global exposure courtesy of TFC yun! bitter lang sya at feeling nya lahat sya susundin nakupo! kayabangan nga naman..

    • ano naman malay mo kung mas maganda ang offer ng Dos kesa tv5, di ba kahit ikaw susunggaban mo kung alin ang mas magandang offer? Pera-pera lang yan at isa ka rin plastic kung idi-deny mo yan. May kanya-kanyang rason kung bakit nila ginawa yun. Pwede rin na alam nilang maghahari-harian si willie dahil alam niyang malakas siya may MVP at gagawin lang silang tagasunod sa kanya. Lawakan naman ninyo ang isip ninyo. Sa trabaho lang, bakit tayo lumilipat ng ibang dept o kumpanya, di ba dahil sa mas magandang offer at benefits? Paganahin naman ninyo ang makikitid nyong utak paminsan-minsan.

      • di nya pera pinamimigay nya haller???!!! marami natulungan? oo courtesy of his sponsors at abs cbn.. maryosep, kahit kailan di dpat hangaan ang taong ubod ng hambog pati kamay nagpapalamon sa kanya kinagat nya! lol!

    • jhon, bulag ka ba? palagay na nating maraming natulungan ang idol mong plastik,
      sa kanya ba nanggaling ang pangtulong?
      nagbigay nga sa mga pamilya na namatay dun sa bombing pero kailangan pa bang
      ibroadcast ang pagbibigay ng abuloy?
      kung gusto niya kamong tumulong, sabihan mo ang idol mong ipamahagi ang kalahati
      ng kanyang kayamanan sa mahihirap at baka pag nagkaganoon eh baka sumampalataya
      na rin ako sa kanya!

      • AGREED! Mas titingalain siya ng mga tao kung magki-create siya ng trabaho para sa mga kababayan nating mahihirap. Ano ba naman ung magtayo siya ng pabrika ng pagkain o kahit na anong mapagkakakitaan ng mga mahihirap para hindi sila umaasa na lang sa awa ng ibang tao. Sigurado akong ung mga tagapagtanggol ni willie ay sila yung mga nakikinabang sa kanya.

      • Oh so idol mo c willie, yan ba gusto mo napanood ng mga bata araw araw para gayahin. Wake up people! lantaran na yang kabastusan nito piringan nyo pa mata nyo. Ang totoong matulungin hindi kailangan ipagsigawan ang tulong na ibinigay sa tao. HINDI nya pera ang ibinibigay, pera yon ng mga sponsors.

  12. WILLIE: NAGLEAVE KUNYARI AKO KASI NGA NEGA AKO DAHIL SA SINABI KO NUNG JAN 26.. KUNYARI MAY SAKIT PRA MAY AWA EFFECT DBA? :d

  13. willie is outrageous

    he has no right at all to curse and destroy randy, john and abs cbn

    god bless randy and john new show

    willie has no right at all to destroy the 2 guy dahil hindi naman nila kaaway ang dos

    BAKIT NAGAGALIT SI WILLIE MAPUNTA YUN 2 GUYS SA DOS
    HINDI BA TOTOO ANG PARATANG NI WILLIE SA DOS
    NA AYAW NIYA MAY MALAMAN SILA

    YUN BIBIG NI WILLLIE PARANG PATALIM
    AKALA NIYA HE IS GOD THAT EVERYONE BELIEVE WHAT HE SAID

    YUN MGA KAILANGAN NG PERA ANG NAKIKINIG SA KANYA
    PERO HINDI YUN MGA MAY PINAG ARALAN

    HINDI SIYA TUMITIGIL

    KUN SI JOBERT GUSTO NIYA MAWALAN NG TRABAHO
    SA TINGIN NIYO BA SINCERE ANG TULONG NIYA KE RANDY AND JOHN

    PWEDE RIN NARINIG NI WILLIE MAY OFFER ANG 2 SA DOS KAYA NIYA BIBIGYAN DIN NG SHOW SA TV5
    AT HINDI DAHIL KUSA NIYA TUTUTLUNGAN

    YUN NA

    • tama! Ang taray mo teh! Kakasuka na rin ang pag uugali nyan…palagi nyang front kuno ang mahihirap…pera pera na lang talaga ngayon…

      • king kong tama ka, walang masama kung mas malaki man offer ng 2, nasa decision ng 2 naman yun eh

        pero yun icurse ni willie silang 2 parang napakamali

        ke kumita ang show nang 2 o hindi nasa calibre na nang 2, bahala ang tao at diyos sa kanila
        IT IS NOT FOR HIM TO JUDGE?

        huwag naman ganyan si willie

        revillame is a parent himself , he is not a good example sa tv viewers especially sa kids at sa kaparehong niyang artists

  14. wala na talagang pag-asa na magbago si revillame.kapal ng mukha na manumbat sa 2 na gusto lang magtrabaho. ang yabang pa rin hanggang ngayon. malaos na sana iton kumag na ito at si fermin na wlang binatbat na journalist kuno. bagsak naman ang mga ratings ng lahat ng show niya.makarma sana kayong dalawa.

  15. Kung pinangakuan ni Willie na bubuhayin niya sina John, Randy at lahat ng miyembro ng pamilya nila siguro may konting karapatan siyang magtampo…ngunit kung wala, tumigil na siya kada-drama, napaka-OA niya! Kailangang kumayod si Randy at John para sa kani kanilang pamilya, at dapat matauhan itong baboy na ito na hindi lahat ng pagkakataon ay siya ang prioridad!

  16. sana lang bilang magkakaibigan,igalang na lang ni WILLIE ang desisyon ng dalawa,may sarili silang pag iisip kung saan sila lulugar at kung saan sa palagay nila na magogrow sila,NAKAKALOKA ang second topic…bwahaha! yun na…si jiro at eugene ba yung pangatlo? I guess…

    • HARI ng BASTOS tlga itong mayabang na toh. D na kailangan pang sabihin ang pangalan nya dahil pag sinabing mayabang at bastos sya at sya na yun. D mo na dapat itaas pa ang mikropono upang ipagsigawan sa lahat ng taong nanonood ang iyong nararamdaman sa iyong kaibigan. Nagagalit ka dahil inaayos mo na ang show ng iyong mga kaibigan at bigla silang lumipat sa channel 2 ngunit d mo ba naisip na mas grabe pa ang ginawa mo dahil may kontrata ka pa sa channel 2 eh d ka na nagpakita at sa huli ay nakipag-usap ka na rin sa iba't-ibang channel? Eh d na karma ka ngayon. Bumalik yung ginawa mo sa channel 2. Kaawa awa ka tlga feeling mo ang dami dami mong kaibigan. Ano kaya mawala ang lahat ng iyong kayamanan sa tingin mo ba ganon pa rin karami ang sisipot sa birthday party mo? D ka ba nagtataka kung bakit walang babaeng nagtatagal sayo? Si Cristy "sipsip" Fermin lang ang babagay sayo dahil sambang samba sya sayo kulang na lang na gawan ka ng rebulto ng "sipsip" na yan. Mukhang bibiktimahin mo pa ang walang kabuhay buhay na si Shalani ha. Ang galing galing nga nyang host eh kala ko "Kapwa Ko Mahal Ko" yung palabas para kasi syang may sakit walang reaction. Nakakawalang ganang panoorin ang show dahil NAKAKASAWA na wala naman pinagkaiba sa dati niyang show. :(

Leave a Reply

Your email address will not be published.