Willie Revillame, ginagamit ang anak ni Villar sa pulitika?!

OLA CHIKA! MARAMI ang naloka sa sex video ni Vicki Belo at Hayden Kho na naglipana na ngayon sa mga bangketa sa Metro Manila, at maging sa buong Pilipinas na! Pilit nga kasi itong ibinebenta sa mga tao, at halos ipagdukdukan na sa mga mukha nila para lang mabenta ang nasbaing video. Binabaan na nga ang presyo, wala pa ring bumibili.

Ang isa kong kasamahan sa radyo, binentahan din ng nasabing video. Kamukat-mukat mo, nu’ng una’y akala nila si Belo na nga ang nasa video, ngunit ang matindi, kakaiba ang galaw at parang medyo may kakaiba sa mukha na mapapansin mong idinugtong lang pati ang nota ni Hayden, huh!

Nakakalerke nga naman! Kaya pala hindi ito kumita, fake pala ang video na ibinebenta sa mga bangketa. Kalerke, ha?!

Kung hindi ka marunong kumilatis, aakalain mo nga naman na sila na nga ito. Hindi mo mapapansin, dahil ang katawan at mukha ay pareho, ngunti kahit gaano man nila niretoke, mapapansin din.

Ang matindi pa nito, ang kipay ng doktora ay parang nilagyan ng silicon, huh! Masyado raw itong umbok na akala mo ay namaga na. Yak! Nakakaloka, ha?!

Hehe! Dapat puspusan ang pag-raid sa mga ganyang CD na ibinebenta. Dahil pati pata sa mga bata, ibinebenta rin ang mga ito, lalo na sa mga high school students. Dahil nga sa mainit ang isyu ng scandal, tila ang mga manonood ay nag-iinit na rin. Hahaha! Nakakaloka! Dapat hulihin, ikulong at bigyan ng leksiyon ang mga nagbebenta ng mga pirated CD. ‘Yun na!

SA AKING BLIND item o pitik-bulag na naisulat ko rito sa Pinoy Parazzi, nabasa ko ulit sa isang blog ang isa ko pang blind item, kung saan kinuha lang din sa Pinoy parazzi. Ang nakakalungkot, tinanggal ang picture ko at pinalitan ng iba. Hindi lang nilang nabura ang name ko at ang logo ng Pinoy Parazzi, huh!

Nakakaloka, dahil marami ang nag-comment. Hindi ko na mabilang dahil sa sobrang dami ng message nila, at ang iba, nag-aaway na sa paghula kung sino ‘yung character actor. Hahaha! ‘Yung iba tama, pero marami ang mali. Hahaha! Nakakaloka. ‘Yun na!

ANG PAG-IBIG NGA naman, hahamakin ang lahat, masunod lamang. ‘Yan ang isa sa mga kasabihang hindi ko malilimutan. Pero sa ngayon, tila hindi na uubra ang mga ganyan, dahil matindi na ang panahon ngayon.

Ang pag-ibig kasi nitong si Precious Lara Quigaman sa TV host na si Willie Revillame, hanggang sa TV nga lang at trabaho lang, huh! Sa tinik nga ni Willie sa babae, hundi siya umubra sa beauty queen. Hahaha!

Kaya biglang humirit at sumulpot ang isang Nadine Ignacio na nauugnay kay Willie, at marami ang nagtatanong na pagkatapos ng pagkaka-link nila ni Lara, ano na ang real score nila ni ni Nadine? Hahaha! Kaloka!

Ngayon naman, nauugnay ang pangalan ng TV host sa anak ni Sen. Manny Villar na si Camille, huh! Ang tanong, nililigawan ba talaga ni Willie? Nakakaloka, ha?

Pero marami ang ingay na nagsasabing oo at positibo ang tingin ng TV host sa anak ni Sen. Villar. Hmmm… parehas silang mayaman at milyonaryo.

May nakapagsabi sa akin na kaya pala pumutok ang isyung ito, dahil sa magagamit daw ang anak ni Sen. Villar sa balak na pagtakbo ni Willie sa pagka-Senador. Huh?! Kaloka! May isyu bang gamitan? Nagtatanong lang po, ha?

Ngunit ang matindi, ayaw ng kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na si Manay Lolit Solis sa TV host, dahil sa matanda na ito, marami ang anak at babaero. ‘Yun nga ang nakakaloka, d’yan!

Sabagay, alam na ng marami at buklat na sa mga mata ng publiko ang buhay ni Willie. Hmmm… kahit buklat na, may lihim pa rin naman ‘yan, ‘di ba? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.