Willie Revillame, ‘di babalik sa Dos

Willie-RevillameNABASA NAMIN sa isang tabloid na si Willie Revillame ay magbabalik na sa ABS-CBN ngayong tapos na ang kontrata nito sa TV5.

Hindi namin pabubulaanan ang balitang ‘yan. Pero sa huling pagkakaalam namin, wala pang transaksiyong nagaganap sa pagitan nina Willie at ng management ng ABS-CBN.

At ang huling pagkakaalam namin (so far), walang Willie Revillame na babalik ng Dos.

Pero bilog pa rin ang bola. Malay naman natin, hindi ba?

Basta ‘yun ang alam namin.

 

HALO ANG reaksiyon ko sa balitang balak pakasalan ng 60-year old na si Freddie Aguilar ang syota niyang 16 years old ‘pag ito’y nag-18 na. At ang bata pa raw ang gustung-gustong magkaanak sila.

It must be love, huh!

Personally, bilang ama, siguro nga, hindi pa ako ready sa ganyang sitwasyon. Na ang anak kong 16 yo ay mai-inlove sa isang malayo ang agwat ng edad sa kanya.

Siguro, kung sa anak ko mapunta ang sitwasyong ito, maaaring pakiusapan ko si Lolo na hintayin munang makatapos ng pag-aaral ang anak ko sa kolehiyo. Kasi nga, bata ‘yan, eh. Usually, ‘pag ano ang naisipan ng bagets, ‘yun na ‘yon. Ayaw nang kumunsulta sa mga “seniors.”

Matino namang tao si Ka Freddie at alam din naming mahal na mahal niya ang bata. Saka pag-ibig ‘yan, eh. Walang edad-edad sa pag-ibig. Saka hindi rin natin sigurado ang buhay kung kelan tayo matitigok, ‘no! Kaya might as well enjoy life until supply lasts, ‘ika nga.

Saka for as long as me consent naman ng parents ng bata, eh nasa kanila na ‘yon. Actually, buhay naman na nila ‘yon, ba’t pa tayo makikialam.

Buti nga, nakabalita uli kami ng ganyan. Ihahanda na lang siguro namin ang kalooban namin kung sakaling maganap ‘yan sa isa sa mga anak ko.

Pero sa ngayon, batas muna namin ng mommy nila ang iiral habang sila’y bata pa at kailangan talagang makatapos sila ng pag-aaral sa kolehiyo bago sila angkinin ng iba.

 

“INGATAN MO ‘yan, sisikat ‘yang batang ‘yan.”

“Me kontrata ka ba? Baka umalis ‘yan sa ‘yo ‘pag sikat na!”

Hahahaha! Nakakatuwang malaman na sobrang naaaliw ang karamihan sa bago naming alagang si Liza Soberano na kasama sa pinipilahang pelikula ngayon, ang She’s The One, kung saan bida sina Dingdong Danntes, Bea Alonzo at Enrique Gil.

Gumanap na best friend ni Enrique si Liza na hindi alam ni Enrique na me gusto ito sa kanya. Halos lahat ng tweets na natatanggap namin ay positive sa tambalang Enrique Gil at Liza Soberano. Kelan naman daw ang teleserye nila?

Nabuo na nga actually ‘yung tambalang LizQuen, eh. Tapos, ‘yung mga fans nina Julia Montes at Enrique (JulQuen) ay nagrereak na rin. Pero sa totoo lang, mas magandang ipina-partner ang mga bagets sa ibang leading lady o leading man para hindi manawa ang mga fans.

Kahit naman ang anak-anakan naming si Julia ay naiintindihan ang showbiz. Na walang permanente rito. Basta mahusay naman ang isang artista, hindi siya dapat dumepende sa kalabtim, dahil sa bandang huli, isa sa kanila ang malalaglag.

“Idol ko po si Ate Julia, eh. Pinapanood ko na siya during Mara Clara days pa. Kami naman ni Quen, magka-partner lang naman kami. Ang mga fans lang ang gusto ng LizQuen, kaya naa-appreciate ko naman po ‘yung effort nila, Tito Ogie,” sabi ni Liza.

Sa mga nag-aabang naman kay Liza sa Mira Bella, wala na po siya sa cast, dahil ang alam namin ay ika-cast siya sa isang teleserye na dapat n’yong abangan, dahil bongga ito.

Sa ngayon, sinasabihan muna namin si Liza na mag-concentrate sa studies niya (4th yr high school) at sa kanyang career. “Bago ka magpaligaw, anak, kailangan, me sarili ka nang house and lot!”

Alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Willie Revillame, ‘di babalik sa Dos

    • who the fuck are you rin? for sure hindi mo kilala si liza kasi kapokpok ka at wala kang pampanood ng sine! kumusta yong pelikula na kung fu divas ni marian gurang, hinawaan pa ng kamalasan sa pagka flop si ai ai! basta talaga kapokpok malas buti hindi nahawaan ang shes the one ni dingdong! bwahahaha!!!

      • I’m the person who takes the blood in your fucking vagina to its boiling point! hakhakhak! Tangina, sino o ano ba talaga ang Liza Soberano? Pakisagot mo na lang. Hakhakhak!

      • where did you get that insipid remarks of yours, halatang elementary lang inabot mo! bwahahaha!!!

  1. I WATCHED THE MOVIE AT KITANG KITA SA MOVIE NA MASYADONG BATA SI LIZA. WHY DON’T LET HER PLAY HER AGE. DI BA ABUSE OF MINOR YAN?

Leave a Reply

Your email address will not be published.