Willie Revillame, binulabog na ang TV Patrol?!

THE GOINGS-ON at the ABS-CBN’s News & Current Affairs are alarming as they are suspicious.

Dalawang tulog na lang, heads will roll sa TV Patrol, and whose heads? Maugong na ang balitang Karen Davila and Julius Babao will be axed sa news program na ‘yon. Babalik sina Korina Sanchez at Noli de Castro bilang major change with the scheme of things sa naturang departamento.

Marami ang nagpapalagay na hindi lang ang pagkakatanggal kina Karen at Julius ay resulta ng pag-alis ni Maria Ressa, the reason has become even more obvious—dahil ang katapat na ngayon ng TV Patrol ay ang Willing Willie ni Willie Revillame sa TV5.

With reference to my column last Monday, one point difference lang ang inilamang ng TV Patrol sa WW (9.4% and 8.3%, respectively based on AGB ratings). Puwedeng sabihing malaking sampal ito sa news program ng Dos, that now sees the urgency to replace its news anchors like Karen and Julius na malalaking institusyon na rin sa mundo ng broadcast journalism.

Si Willie lang ba ang katapat ng TV Patrol, itself a credible news program? At bakit naman kailangang gumulong ang mga ulo nina Karen at Julius in the hope to salvage the program na kinakabog ni Willie?

Whatever, I will still stand by my assessment of Willie’s show. Nakuha na rin lang niya kasing i-resurrect ang kanyang programa via TV5 given his cult following—lumaban na siya nang pukpukan sa mga noontime programs ng GMA (Eat…Bulaga!) at ng ABS-CBN.

Willie’s show sa time slot na nakasanayan nang “news hour” may be deemed as redefining TV programming, pero mas magiging competitive kung tinatapatan na nito ang oras na nilayasan niya, na nagbura ng Wowowee.

HINDI PA UNDAS nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap na ang showbiz press ng maagang imbitasyon sa Christmas party ng ABS-CBN para sa mga manunulat sa December 3, araw ng Biyernes.

Hindi lang ito panawagan sa press na tinatanawan ng malaking utang na loob ng naturang istasyon, kundi reminder din ito sa dalawa pang network—ang GMA at ang TV5—na huwag na itong sumabay pa sa naturang petsa. Usung-uso kasi ang two-in-a-day events o tuhog na presscon na ipinatatawag ng mga network, kung saan lumalagare ang mga naiimbitahang reporter.

Events like this during Christmas time promote the network’s corporate image. Mas bongga nga naman, mas matinding publicity mileage ang naisusulat. Kung meron mang magandang idinudulot nito, not only in terms of ratings has the level of competition among the networks reached, maging sa pakabugan din sa Christmas parties to the delight of the press ang labanan.

NGAYONG ARAW, NOVEMBER 3, (kung hindi ako nagkakamali) ang 57th birthday ni Governor Vilma Santos-Recto. A self-confessed Vilmanian, naging tagahanga rin ako ni Ate Vi sa kanyang pagiging isang public servant. Binago niya ang political landscape ng Batangas sa pagpapamalas ng magagandang gawain sa lalo pa nitong ikauunlad. Happy birthday, Ate Vi!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

63 thoughts on “Willie Revillame, binulabog na ang TV Patrol?!

  1. willie sira ulo bastos huwag nyong pag aksayahan panoorin ang kabastusan at kayabangan ni sira ulo bagay clang magsama nina cristy at lolit mukhang pera yan talaga c lolit halatang halata mukhang pera

  2. O ito na ngayon, nadagdagan na naman ang alam natin dito kay Cristy Fermin kong totoo man itong write up galing kay Mr. Ledesma sa hatawtabloid.com na nakautang daw pala itong si Cristy from some people at siniraan pa at ngayon lumabas na tuloy sya na walang utang na loob. Yon kasi pag pina iral na tao ang yabang at power tripping. TOTOTO TALAGA ANG WORD NA KARMA. Sabagay hindi pa siguro sya affected ngayon dahil nakasandal pa naman sya ni Willing Willie and I’m sure willing willie nga si Willie tumulong sa kanya, di ba sabi ni Willie hanggang sa dulo walang laglagan, este walang iwanan pala. At saka mayroon pa namang ibang mga kaibigan si Cristy na si Ruffa, Bong Revilla, Jinggoy Estrada and his brother, DJ Mo, Philip Salvador at maraming pang mga influential people at most of all mayroon pa rin sya milyonaryo na kaibigan na si Villar na matalik na kaibigan ni anak anakan nyang si Willie.

  3. Chipipay Na “Paparazzi” Pinagtatawanan Sa Kanilang Super Kulelat Na Rating Na Two Point Three Percent(2.3%)
    Written by Peter Ledesma
    Friday, 12 November 2010 00:10
    May, mukha pa kayang maihaharap si Manang Cristy Fermin sa mga dating kasamahang todo-todong nagmahal sa kanya sa “The Buzz” noong time na lugmok siya sa pananalapi? Kasi, talingharap ang Nanay kunong ito sa showbiz. Kaya, noong kinuha siya ng TV 5 wala na siyang ginawa kundi tirahin si Kuya Boy Abunda, na nauutangan niya noon, Ms, Nancy Yabut na executive producer ng The Buzz, Sir Louie Andrada (business unit head ng The Buzz). Ngayon, ano’ng napala niya? Hayan at unti-unti na siyang dinadapurak ng Bad Karma! Ang lakas ng loob nilang sagupain ng bestfriend at kaplastikan niyang si DJ Mo Yabang ang The Buzz (nasaan ang delicadeza mo Manang Cristy?) Ang resulta pinagtatawanan sila ngayon ng buong showbiz, dahil last November 7 sa latest survey ng Kantar TNS National Ratings. Ang Chakarazzi este “Paparazzi”nila ay nakakuha ng pinakakulelat na rating na two point three percent(2.3%).
    Samantala waging-wagi naman ang The Buzz sa super taas na rating nila na 15.4% samantala ang isa pang katapat na Showbiz Central ay 8.5% lang. Well, tulad ng aming nasulat at uulitin namin cheap kasi ang dating ng Paparazzi samantala pang world-class naman ang undisputed number one showbiz oriented talk show na “The Buzz,” hosted by globally famous, respected and most credible Kuya Boy Abunda with beautiful and lovely ladies as co-host like KC Concepcion, Toni Gonzaga and Charlene Gonzales.
    Naku! Tiyak sa Sunday ay baka one digit na lang ang Chakarazzi! Tamaaa Gyud!

  4. Sa mga CRISTY FERMIN haters dyan, ito ang magandang balita galing sa isang reporter:

    “The Buzz, INilampaso Sa Rating Na 15.4 Ang 2.3% Rating Ng Chakarazzi Este Paparazzi
    Written by Peter Ledesma
    Wednesday, 10 November 2010 00:09

    Kung, ang Showbiz Central nga na matagal nang katapat ng world-class showbiz oriented talk show ng Dos na “The Buzz” ay nanatiling poor second lang sa The Buzz.
    Aba, ang lakas naman ng loob ng Chakarazzi este Paparazzi na mag-attempt na itapat ang super cheap nilang show sa more than one decade nang showbiz program (The Buzz) na hindi lang dito sa ating bansa namamayagpag kundi sa maraming bansa sa buong mundo na mga subcirber ng The Filipino Channel (TFC). So, anong napala nina Manang Cristy at DJ Mo Yabang and company? Hayun, last Sunday sa unang episode ng kanilang show ay super nangulelat agad sila sa rating na 2.3% at inilampaso sila nang todo-todo ng The Buzz sa mataas na rating na 15.4% at 8.5% naman ang nakuhang rating ng Showbiz Central ng GMA 7. Ito, ay base sa latest survey ng TNS National Ratings. Kasi, ba naman kung class ang dating ng The Buzz, at pawang mahuhusay at may kre-dibilidad ang hosts ng show na pinangungunahan ng haligi ng show at globally famous King of Talk Kuya Boy Abunda kasama ang mga beauty queen na co-hosts niya na sina KC Concepcion, Toni Gonzaga and ex-beauty queen Charlene Gonzales. E, sa Chakarazzi isa lang ang pretty at ‘yan ay walang iba kundi ang Ms. World 2nd Princess na si Ms. Ruffa Guttierez na pansin lang namin na mukhang hindi nag-i-enjoy sa kanilang show for obvious reasons. Well, tatagal kaya sila? at hanggang kailan magpapalugi si Mr. Manny Pangilinan sa chaka nilang programa. ‘Yun na! ”

    SI CRISTY FERMIN KASI, ang yabang last week episode sa Paparazzi ng sabihin ng mga hosts nila na itapat ang Paparazzi show nila sa The Buzz at Showbiz Central. Iyon ang NAPALA niya sa ka hambog nya at sa ka hambog ni Mo Twister at sa ka ARTEHAN at PLASTIK na Ruffang yan.

    Kasi ano ba naman itong si Cristy Fermin, ang dami ng demanda, at DJ Mo na hambog at laglag queen pa at Ruffa na maarte, sino ba naman ang maniwala sa mga hosts na ito! At maski hindi top rater ang The Buzz, mahirapan din sila makipag compete the Showbiz Central.

  5. Si Cristy Fermin lang ang nag sasabing at nag papaliwanag na sobrang husay ng WILLING WILLIE. Sos Maryusep! Cristy…tumatanda ka ng PAURONG. ANg mga comment mo sa show walang kakwenta kwenta…Nakikipag siguwan ka s mga KABATAAN na si IC…at yong babae sa show ..di ko kilalala kung ano pangalan. Si SHALALA…naman parang si BAMBER MORAN ang laki ng tyan….ang kapal2x mg blind items. HAY naku! ANyhow, speaking of WILING WILLIE…mas interesting ang mga news na ngyayari sa MUNDO kesa manood ng isang gameshow. Yon lang at TAPOS na po!
    INUULIT ko po…mga kasama kong bloggers…paki tingnan nyo sa WIKIPEDA ang profile ni Cristy Fermin napaka linis….wala man lang achievements…pano paniniwalalaan ang kanyang mga commento. Sa tagal na sa industriya, ni isa award giving bodies di man lang sya napansin.

    • Ay naku, lahat sinasabi mo totoo at sinampahan siya ng kaso kay Annabel at ang court nag order sa kanya na bayaran nya si Annabel Rama ng l million pesos ba yon?

    • May isa pang reporter na ang pangalan ay si Raymund Vargas sa Journal.com na sinabi “Say nga nila, walang nagugutom sa set basta kasama mo si Tita Cristy, huh”. All praises ito ni Cristy Fermin, magkano kaya?

  6. Mas lalong babagsak na ang TV PATROL ngayon si KOring at NOli…kaya napilitan magresign si Maria REssa dahil sa dalawang KUMAG na to.

  7. May nanonood ng Willieng-wille? WEEEEEHHH..Di nga?

    Isang malaking ilusyon ang pagsabing nauungusan ang TV Patrol..baka si willie ang kinakabahan ngayon dahil bigatin lalo ang katapat nya..hahahaha

  8. ganun?!…. bakit ang willing willie patok bah sa VISMIN?…. haahaahahhahaa…self proclaim naman kau, tingnan ninyo ung show ng wiling willie, ang chaka, sounds, dancers d games…wala nabang iba?>>> my god! kaka awa kau. makiramdam kau dahil ang pilipinas hindi lang MANILA… okey wag kaung mga TRYING HARD. mga loser! hahahhaahh…pity

  9. Kung may natutulungan man ang show, e di mabuti, at ipagpasalamat. Natural lang na piliting kumita ng show, dahils business yan. Live and let live. Wag pairalin ang inggitan, ang dapat mag-isip ng magagandang shows na entertaining at nakakatulong sa community. Ang yabang ng tao ay nasa tumitingin, remember, mas mabuti na yung maingay pero walang masamang ginagawa, kesa sa tahimik, pero di mo alam nakakapinsala na pala ng malaki.

    • Anong tulong sa community ang pinagsasabihan mo? Walang sinuman ang makatulong sa mga tao dito sa Pinas kasi, pabigat sila sa goberno, anak ng anak isang dosena pa maski walang trabaho, it is a crime to give birth to children at hindi mo mapakain at mapa eskuwela, it is another form of abuse. Tulungan muna nila ang sarili nila para hindi na sila magpila pa at maging tamad na asa lang nang asa sa ipamigay sa kanila, Tulungan muna nila ang sarili nila. Tayong nagtratrabaho, nagbayad tayo ng igsagtong buhis at pagkatapos mapunta lang sa may mga maraming anak, gumamit sana sila ng condom para yong ibang pera magagamit sa ibang bagay. At walang naiingit sa Willing Willie, ang mga tao nag komento dito base sa kanilang pananaw ni Willie, sa kabastosan nya, hambog, at scam artist, (nakita mo ba yong sa pag cheat nya sa audience yong pera ang bayong noong Wowowee? Kahiyaan yon! Kung hindi mo nakita pupunta ka sa youtube, klarong klaro ang pandaya nya, bakit hindi sya nakasohan noon, pandaraya yon sa public, kung nasa Amerika pa siya na ginawa nya yon, nakasuhan na sya sa goberno. At saka I beg to disagree sa sinabi mo na ang yabang ng tao ay nasa tumitingin. Ang tao kong mayabang, makikita yon sa ibang tao kasi lalabas iyan sa pananalita at pagkilos ng tao, Si Willie yabang yabang sa ratings, laging ipagmamalaki, palaging pinaringgan ang kapuso at kapamilya na kesyo ganito ganuun at ipinahiya pa niya ang kanyang mga staff sa show nya kong magkamali, live show pa naman, marami pang bagay, kaya maraming tao na mga intelligent na makakita sa yabang, pakitang tao, kaya nga maraming nagagalit sa kanya kasi ginagamit lang ang mga pulubing tao para lang sa kanyang personal agenda., kaya maraming nagagalit dahil sa ka selfish nya. AT MASKI PA TULUNGAN PA NI WILLIE ANG MGA PULUBE THRU HIS SHOW, HINDI PA RIN MA IMPROVE ANG MGA TAONG YON KASI MAGING TAMAD LANG SILA AT SASABIHIN SA SARILI, PUNTA TAYO SA WILLING WILLIE KASI MARAMING BIGAY NA PERA AT YON PILA NG PILA DOON NG MARAMING ARAW PARA LANG MAKAPASOK. NAGING TAMAD TULOY! AT HINDI NA SILA MAGTRABAHO KASI ALAM NILA NA MERON NANG FREE MONEY NA NAGHINTAY, ALL THEY HAVE TO DO IS GO THERE AND SLEEP OUTSIDE FOR DAYS PARA MAGA GET IN SA SHOW!
      And another thing” in my opinion ha? Kaya si Villar hindi nanalo sa election kasi dahil kay Willie dahil sa bad reputation ni Willie, tingnan mo, namigay sila Willie at Villar ng maraming pera during the election, mga house and lot, pero ang mga tao ngayon are already intelligent, kinagat ba si Villar? Hindi! at ang habol lang ng mga tao sa kanila during the election was just the money and house and lot!. Kaya yon, maraming nagagalit kay willie dahil sa pagpapa eral na naman ng pera dahil lang sa kanyang personal na pangangailangan. Yon na!

      • At isa pa, tingnan mo ang Eat Bulaga, tumutulong din sila sa mga tao at namigay din ng malaking pera at ibat iba pang tulong pero may nakita ka bang mga tao dito na nag comment ng mga masama against sa mga hosts ng Eat Bulaga sa pagtulong nila? WALA! kasi makikita dito sa intelligent readers na kusang kalooban ginawa nila at sincere sila at walang personal agenda ang mga hosts ng Eat Bulaga at never silang nagyabang ng kanila ratings, kaya mataas palagi ang ratings nila dahil hindi hambog ang mga hosts at they get the respect from people from all walks of life. Yon na!

      • At tingnan mo rin yong The Hitmakers sa PWNW, maski hindi mataas ang ratings pero very pleasant panoorin ang mga hosts kasi walang kayabangan at hindi hambog maski nga malalaki na ang mga pangalan nila.

      • At tama yong sinabi ng isang reader dito na noon na wala pa si Willie trabaho, palagi lang sa yate at travel travel, pero ngayon na may show na sya, it’s all about tulong sa mga pulubi kasi may camera na. Bat hindi nya pinakunan ng camera ang tinulungan nya noong wala siyang trabaho before the Willing Willei show? Kasi hindi siya tumutulong dahil walang camera.

      • Maski anong gawing tulong ng ibang tao kung tamad at anak ng anak ng isang dosena kahit walang mga trabaho at naghihintay lang sa mga ipamimigay at hindi tinutulongan ang sarili nila, wala pa rin mangyayari sa Pinas, palubog pa rin sa pagka pulubi.

  10. ang paraan dyan pra mas umabante na ang willing willie ay more body exposures sa mga dancers..mejo labas na kaluluwa nila sana mejo dagdagan pa..hehe..ewan ko lang kung dipa tlga aakyat sa ratings ang WW..lalo na kung c aiko climaco laging nakaexpose dyan..

  11. I think in my opinion, basihan sa mga nababasa ko dito, the most hated personalities are:

    1) Willie Revillame
    2) Kris Aquino
    3) Cristy Fermin
    4) Annabel Rama
    5) Ruffa Gutierrez
    6) Lolit Solis
    7) Raymond Gutierrez
    8) Mo Twister

    At kong mayroon pang iba, idagdag nyo pa sa listahan. Salamat!

  12. mag tigil ka nga diyang Ronnie aminin man ni Willie o hindi pa bagsak na ang career niya kulelat nga sa rating yung show niya di tulad non nasa ABS cy na mataas ang rating pati ads kokonte na rin hindi naman ng hahabol ang ABS sa kanya gusto lang cyang turuan ng leksyon .. wala talaga kayong pinag ka iba kina cristy at lolit mga bayaran

    • clap! clap! clap! korek na korek!…….mga mukhang datung at harbat……if willie’s balls were gold for sure they’ll lick it….

  13. Happy birthday to the greatest filipina actress of all
    time, Vilma Santos, also the longest reigning box-office
    queen in Philippine movie history. I am a fan of Vilma
    since the 70’s. No actress past present and maybe
    in the future can match Vilma’s success.

  14. BAKIT BA NAPAKADAMI PA RING PILIPINO ANG BILIB NA BILIB KAY WILLIE REVILLAME NA YAN? KAYA YAN SAL DIYOS AY DAHIL SA MGA TAONG HALOS SAMBAHIN SYA DAHIL SA PERA NYA.

    MAKITA SANA NG MGA TAO ANG KAITIMAN NG BUDHI NG WILLIE NA YAN. GINAGAMIT NYA ANG MGA MAHIHIRAP PARA SA MGA PANSARILI NYANG INTERES.

    AGREE AKO SA MGA COMMENT DITO. SI LOLIT SOLIS AT CRISTY FERMIN AY MGA BAYARANG REPORTER NG WILLIE NA YAN.

    • Tamang tama, yon si Cristy Fermin hindi tinitira ang mga alaga nya maski may mga issue, that is what you call a bias reporter. Kailangan pantay pantay lahat, kaya kayo nandiyan as a reporter para maghatid ng katotohanan. Even sa juicy, sinisiraan lang niya mostly ang hindi malalaking artista. At pa nice palagi kong ang mga artista may mga pangalan at sikat, gusto kasi makisawsaw sa pera at popularity.

  15. nauuso talaga ang mga doble kara sa showbiz ano. kung noon eh halos kasuklaman nyo si willie ngayon naman eh all praises kayo…

    mula nung naregaluhan ni willie si lolit biglang buddy-buddy na sila at all praises na naman ang lolah sa kanya….

    mahigpit ba talaga pangangailangan nyo, o talagang dinadaan na lang sa pambabayad ang mga pinagsusulat nyo. kung si annabel rama na halos kayong lahat eh binabayaran niya tikom mga bibig nyo, kayang -kaya nyo pang siraan ang mga artistang ayaw ni bisaya dahil me mga bayad kayo.. pare-pareho lang kayo nila cristy fermin na mukhang gorilla.

    • pera pera lang yan.. taka nga ako kay lolita na kamping kampi kay joey pag may away ang dalawa, pero ngayon al praises ang bruha, pati si jojo gabinete na hindi bayaran sa pagkakaalam ko ay isa na rin sa mga alipores niya

      • KOREK NA KOREK! UN DIN ANG PANSIN KO KAY LOLIT SOLIS A.K.A HARBATERA. KAMPING-KAMPI SIYA KAY JDL NUON NA KASAGSAGAN NG AWAY NILA NI WILLIE, NGAYON AY ALL PRAISES SIYA SA KANYA. LOLIT, MAGKANO ANG NAISUPALPAL NI WILLIE SA YO, MILYONES BA? MAG-QUIT KA NA KAYA SA STARTALK AT SUMAMA KA NA RIN KAY WILLIE HAMBOG, TUTAL MAGKAHAWI NAMAN KAYO NA KULANG NA LANG AY WHISKERS AT PWEDE NA KAYONG MAKASALI SA CATS FAMILY. .

      • Lolit Solis ang scam? Napaka plastic ang mukha, walang kaibahan kay Cristy Fermin. Parehong walang mga backbone. Kita mo naman si Cristy Fermin, tinitira si Annabel (na kagaya naman ni Cristy), pero ngayon tingnan mo, nice na nice na sya ni Annabel kasi alam nya hindi pala nya ito mapataob, di ba may court order na magbayad si Cristy ni Annabel na l million ba yon? Ngayon nice na sya kay Annabel kasi kasama sila ni Ruffing palagi, IYAN ANG REPORTERS NA MGA TINATAWAG NA WALANG ISANG SALITA, WALANG BACKBONE AT HINDI PANTAY.

      • I’m sure Joey de Leon can see the true Lolit Solis because hindi naman bobo si Joey, intelihenteng tao yan pero sinasakyan lang siguro si Lolit kasi kasama sila sa trabaho at isa pa, ano pang magagawa ni Joey, mayroon talagang mga taong user, money hungry, maitim ang budhi, walang isang salita, walang backbone at bias.
        Di ba si LOLIT SOLIS na involved sa scam sa filmfest ba yon? Kung ang tao gumawa ng ganoon kung totoo man ang news, ay walang credibility whatsoever, para na ring magnanakaw.

  16. willie: BOO!!!

    nawindang ang ABS at gumawa ng paraan at niresurrect ang mga patay na career nina Noli at Korina.

  17. HAYYY! yesterday night i try to watch WW and im so shocked to what iive seen and heared STILL same arrogant and BASTOS na host ang nakita ko at napanood,,,puwede paki review yung Nov 2 episode ng WILING WILLIE,makikita nyo doon na on air binastos nya na naman yung isang dancer nya,Parang ganto pagkasabi nya sa dancer “HOY TUMABI KA NGA DIYAN KAILANGAN pa SASABIHAN KA at may bad gesture din sya parang halos sikuhin nya yung babae, so tama pala si pokwang,na kay Robin nya na ramdaman na papaano sila tratuhin na babae unlike ni WILIE BASTOS EH on air yun ha,tsk tsk wala parin pagbabago ang KAYABANGAN mo idol!hahahaha

      • Huwag na lang. Boring at walang ginawa kung hindi ibandila ang kanyang pagkalalake. Nang hindi niya magawang maging STAR nang PWNW, nagpadala siya nang mensahe kay Willie na kung gusto ni Willie, silang dalawa ang pupunta sa ABS-CBN executives at makiusap. Talagang pangarap pa rin niyang siyang pumalit kay Willie sa Wowowee.

    • Ay Kyle tama ka, nakita ko rin ang isang episode sa WW na pinahiya na naman ni Willie yong isang dancer din, sumasayaw at may dalang board or sign ba yon, at she did a split yata sa end of her dance or naka sit down ba yon, at dahil may dalang sign, hindi kaagad nakatayo at sinabihan kaagad ni Willie “Hoy alis ka na dyan, gusto mo pa yata ng habang exposure” That was kabastusan and very ungentleman. At ngayon lang, si Congratulations, yong isang dancer sa WW na higanti na babae at yong isa ring dancer na si Monique PAK yata ang ibang pangalan, ay nagsabunutan dahil lang sa lipstick, yon tuloy na suspended ng ilang araw, mga tao ni Willie, parang nahawa na yata kay Willie ang ugali. Mga bastos!!!!

  18. Maria korek ka diyan si cristy lagi gumagawa ng issue kampon kasi ni willie yan mag kano kaya binabayad ni willie kay cristy. Actially si cristy trouble maker yan diba? walang credibity parehas sila ni willie kakapal ng mga mukha nag tataka din ako but nila claim na nangunguna ang show ni willie baka naman sila sila lang ang gumagawa ng survey kasi sila lang ang nakakaalam na may nanonood sa kanila diba?

  19. Dios mio, parang karnabal o perya ang willing Willie pala, see yong mga circles na inihahagis, hay naku.And too much focus on 2 piece dancers, e on that time daming kids nanonood, kaya tuloy dumarami rape cases, dahil kay willie Hambog.Ang dami palang dancers, kasya ba sa yatch ni Willie mga yan pag week end? Dami niyang “alaga”.

  20. halatang bayaran kang bakla kah! at anong sinasabi mong si wiLLie lng ang katapat ng TV Patrol? Excuse me lang huh?!!! Alam mo ba ang pinagsasabi mong bakla kah?!!! bayarang baklah!!!

  21. bobo ka pala carrasco weh.. kala ko matalino ka… if itatapat nia WW sa PWNW.. in 36 hours mbbgay gad TRO!!! d ka marunong magisip….praise releases lang kaya mo ibgay 4 WW/TV5 wala ka nman alam!! mabayaran ka lang sulat ka gad!!! d2 sa pep k boy na column lang matino though boring!

  22. baket matatakot abs kay willie eh may pangalan na sila….hay naku pakana ulit ni cristy fermin na dalahera itong tsismis na ito.magkano kaya binigay sa kanya…….hay naku in fact dito sa cebu abs ang nasa harapan nila ayaw na nila kay willie…

    • Pakisingit ho, bakit ba sa bawat magsalita si Cristy Fermin sa Juicy, palagi nilang sasabihin na Juicy the number 1 show. Pero ang pinalabas sa AGB Nielsen ratings (see below) ng Juicy, talagang napakababa ng ratings nila? Bakit ba palaging sabihin ni Cristy yon?
      AGB Nielsen Ratings for Juicy:
      10/26/2010 – Tuesday – 1.9%
      10/27/2010 – Wednesday – 1.5%
      10/28/2010 – Thursday – 1.9%
      10/29/2010 – Friday – 1.7%
      11/01/2010 – Monday – 2.2%

      Di ba based sa above ratings, mababa? Bakit ba si Cristy Fermin sasabihin palaging number one sila ? Hindi ko pa rin gets. Ewan!!!

      • bat ba kasi pinapansin nyo pa ang mga sinansabi nyang fermin na yan. nakakaloka eh puro kasinungalingan ang pinagsasabi nyan. masyadong mapapel parehas lang sila ni willie na hambog hahahhahahhaha. maraming shows na katapat ng willie na yan dun na lang tayo manood.

  23. ronnia carrasco kundi ka pa nman isang shonga… nauna pa sayo makaalam mga tao.. Monday, Nov. 8: ABS-CBN and GMA-7 will join TV5 in having their primetime newscast at 6 pm. Noli de Castro, Korina Sanchez and Ted Failon will head Channel 2’s “TV Patrol.” Mike Enriquez and Mel Tiangco, will join forces for Channel 7’s “24 Oras.” Both will follow the timeslot posted by Paolo Bediones, Cheryl Cosim, and Erwin Tulfo of “Aksyon” on TV5. ang willing willie na nagbayad sayo ay naiiwan sa ratings!!!!!

    • Per PR Director of ABS-CBN, in today’s issue of PEP, hindi totoo ang balitang they will join GMA7 and TV5 in having their primetime newscast at 6pm.

  24. KAHIT KELAN, TALAGANG BASTOS YANG SI WILLIE HAMBOG. PATI TV PATROL AT 24 ORAS TINAPATAN NIYA. EH TRADITIONAL NEWS HOUR YON SINCE THE TIME IMMEMORIAL. DAPAT KASING TIMESLOT NIYA AROUND 11 PM OR 1AM, FOR ADULTS KASI TEMA NG SHOW NIYA, KAWAWA MGA BATA, WALANG MAKUKUHANG WISDOM THOUGHT KAY WILLIE.

  25. Bagay si Willie at Angel Locin hahaha! Parehong walang utang na loob sa mother network nila

  26. Ay nako! Ayoko sa Willie na yan napakainggrato! Pinayaman sya ng kapamilya network tapos ganyan ang igaganti nya?!? palibhasa lumaki nang walang nanay at tatay kaya ganyan! kung umasta parang walang pinagaralan… di ko irerespeto yan… makarma sana yan bwiset!

  27. nung maghamon si willie sa abs-cbn ay tumigil ako ng panonood ng wowowee. masiado akong nayabangan sa kaniya.ngayon gustong gusto ko ang mga hit makers na sina rico,rey marco at nonoy dahil sa magagandang kanta nila sa show. nakakaaliw!!! at di sila mayabang na katulad ni revillame, God bless the hit makers and abs-cbn. isa akong masugid na TFC viewer.

    • Ako rin, gusto ko rin panoorin ang mga Hitmakers kasi humble sila lahat at walang sapawan sa kanila at ang husay ng mga kanta nila, at live pa ang performance hindi lipsynch. I love their show, sana tumagal pa at gusto ko rin sila Janelle at Gee, very funny sila. Ang mga hosts maganda ang tandem kagaya nina Tito Vic and Joey.

  28. ako po at taga san diego, ca. at ako po ay isang masugid na taga-panood ng TV PATROL, hindi buo ang araw ko kung hindi ko ito napapanood. marami akong natutututunan sa panonood ng news. di ko lang maintindihan sa mga kababayan natin kung ano ang mapapala nila sa panonood kay revillame. wla naman ipinagbago ang show niya, puro kayabangan pa rin at nakakasawa na rin ang pagkanta niya. masakit sa tenga. tingin ko sa mga kababayan nating mahihirap ay gamit na gamit ni revillame para sa kanyang pansariling kapakanan. nagpapapakatanga ba sila??????? gumising naman po kayo!!!!!!!

  29. DAPAT BAGUHIN N WILLIE ANG ORAS NG WILLING WILLIE TULAD NG ORAS NG WOWOWEE MAS OK YON KC hindi masyado gagabihin ang mga nanonood ng willing willie delikado kc pag labas nl gabi n lalo p kong nanalo k baka yon pinanalo mo holdaper ang makinabang, isa p s tanghali patay n oras yon s mga motorista, s gabi kc lalong magtatatraffic s quirino hway kc masikip jan eh. tama lang willie lumaban k n ng pokpukan total nanjan kn eh. wag mong intindihin mga galit saiyo ganyan talaga mga tao ang mahalaga kahit hindi saiyo ang pera may mga tao kang natutolungan. good luck willie, sana din magkaroon agad ng tv5 s abroad ng mapanood k nmin hirap s internet kakahilo mas ok kong ns tv. god bless you willie.

  30. sinu ba si willie? sya ba yung sinasabing walang utang na loob sa network nya,sabi kc ng kapit bahay ko sya daw yung mayabang, sabi naman ng katrabaho ko sya daw yung mainitin ang ulo,meron din nagsabi na marami kontrabesyang at kahihiyang ginawa yan sa network nya,yan ba yun,,nuod nalang kayo ng 24oras, o kaya eatbulaga,dun talagang bukas sa luob nila ang tumulung

  31. tama ka kikay agrèe aq sau’ sus wed, lng yan cnsbi nla 1percent lng lamang ng t.v patr0l,atlist lamang parin, at excuse me,nd nbubulab0g tv patr0l,.lal0 lng nila pinagaganda’, hello sa kayabangan nya marami nagalit sa willie nyuh,,nd lahat s0s0p0rtahan xa,aq mahal q dati yan per0 tlgang maraming nainis sa knya’.sus nagpapatawa ata kau, binulabog.,huh

  32. sus, ano bang pinagsasasabi nitong si carrasco, isa sa mga alipores ni willie, syempre puro magaganda lang ang sasabihin, hindi naman reliable ang people meter na yan.. nationwide ang kunin niyo, dahil mas nakakaraming pilipinong nanonood dapat ang batayan, hindi yung isang iskinita lang kukunin niyong survey..wala naman masyadong ads ang show ni willie kahit yung mga dati niyang sponsors sa wowowee, ayaw sumugal sa bago niyang show, kaya ang init daw ng ulo niyan noon eh, hahahahahah..kung gusto niyang tumulong magtayo na lang siya ng foundation, kung ano-ano pa kasi ang idinadahilan

Leave a Reply

Your email address will not be published.