Willie Revillame, bibili ng airplane?!

MARAMI ANG NALOKA sa tsikang pag-uwi raw ng mayabang na TV host na si Willie Revillame ay bibili raw ito ng airplane! Heller! Hindi ba kayo naloka na bibili siya ng airplane? Hmmmm…Hindi ko minamaliit ang kayabangan ng TV host na ito dahil nasa ugat nga niya ito lalo na’t may datung na siya. Pero ang kanyang kadatungan naman ay hindi naman diumano niya pagmamay-ari.

‘Yan nga ang nakarating sa akin, na pag-uwi nga raw niya galing sa Amerika ay bibili siya ng eroplano. Natawa na lang ako baka laruan ang kanyang bibilhin. Sa kayabangan nga ikaw ang nangunguna.

Marami ang ayaw na kay Willie at marami ang nagpetisyon na tanggalin ito sa show dahil sa insulto ang inaabot ng mga Kapamilya ng ng mga audience at hindi lang audience kundi pati mga staff ng show ay hindi pinalalagpas ni Willie. Insultuhan daw ang labanan ng show na ‘yan. Kung hindi ka sanay sa insultuhan at pahiyaan ay talo ka. Susmaryosep! Lumakas raw ang petisyon na tanggalin ang mayabang na host nang maglathala ang isang 12 year old kid sa isang blog na galit na galit ito sa TV host. Tsk! Tsk! Tsk! Dahil pinahiya nga raw ang pamilya nito sa show ni Willie nambabae ang kanyang tatay. Ayon ang bagets, hindi na siya pumasok sa school dahil nilalait siya ng kapwa niya mag-aaral.

Bago magsalita si Willie nang ikakasakit ng kapwa, dapat tingnan niya muna ang sarili niya kung hindi ba siya kakutya-kutya. ‘Yun na!

By Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Willie Revillame, bibili ng airplane?!

  1. Go to hell Wilie Boy – the playboy…etc etc etc…Willie is coming back to wowowee – to continue his crop – bullying, insulting and intimidating people around him…GOSH why is it that ABS-CBN still numb about Willie??? well well well…goodluck to ABS CBN for welcoming Willie again??? time for us to boycott everything that is connected to them. and to you Wilie – karma is coming your way!

  2. hahaha……tama!

    azz in sobra na talaga ang pang-iinsulto na ginagawa ni willie….sana tiningnan nya muna ang sarili nya bago mgsabi ng masasakit na salaita sa iba…

    kaya para saken…kailangan na talagang alisin yang si Willie sa show..marami pa namang artista jan na mas magaling pa sa kanya mg host!!

  3. Well, what do we expect? Na magbunga ng Mangga ang Santol!!!?
    Go and trace, kung ano bang klaseng pamilya meron ang willie revillame na iyan?
    At parang naghahanap ng damay sa pagiging mesirable ng buhay niya…..!!!
    Showbiz nga naman, parang di ninyo alam kung ano ang mga “baho” niya, o mas pinili na lang ng iba na manahimik, kasi nga naman, nakinabang o nakikinabang sila sa pero nito?!!
    At isa pa, di naman showbiz ang sinira niyang pamilya, care ba ng mga taga-showbiz, di nga ba?!!
    Ika nga eh, wala naman silang mahu-huthot mula sa sinirang pamilya, pero sa willie revillame na iyon, meron…!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.