Willie Revillame, balak maging campaign manager ni Manny Villar?!

Nakabalik na nitong Lunes sa Wowowee ang ika nga’y kapitan ng barko na si Willie Revillame makaraan ang halos dalawang buwan ding pagkawala in what seemed like a sea of oblivion.

Sa kanyang pagbabalik ay kasabay ‘yon ng maintrigang linya bilang sagot sa patuloy na itinatanong sa kanya: tatakbo nga ba siya sa pulitika? Bagama’t walang direktang tugon si Willie, ang kanyang matalinghagang sabi: “Kung ako’y tatakbo, hindi ako magnanakaw (sa kabang-yaman ng gobyerno), ako ang magbibigay.”

Minsan nang naiulat na sasabak ang TV host sa ilalim ng Nacionalista Party ni Senador Manny Villar, partikular sa senatorial slate nito, bagay na nu’ng Lunes ding iyon, sa programang Unang Hirit, ay mariing pinabulaanan ni Congressman Gilbert Remulla na tumatayong spokesperson ni Villar.

Pero ang totoo pala, ayon sa aking source, kinuha pala ni Villar si Willie bilang campaign manager nito. Sa katunayan, madadalas daw ang pagliliban ni Willie sa Wowowee in the coming months dahil sa pag-iikot nila ng sinusuportahang presidentiable sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pagiging sanggang-dikit ngayon nina Villar at Willie, totoo rin bang sumosyo ang mambabatas sa gusaling ipinatatayo ng TV host na malapit sa ABS-CBN? In an effort to make amends man lang, bakit si Villar at hindi si Noynoy Aquino  ang piniling suportahan ni Willie nang makabawi man lang siya sa atraso sa pamilya na nagresulta sa kanyang suspension?

Wish ko lang, pahiram, Vicky Morales, maging asset at hindi liability si Willie sa kandidatura ng manok niya, ‘no! Ayaw rin ng SALN (Statement of Assets and Liabilities and Net Worth) ni Willie ng ganyan, ‘no!

by Ronnie Carasco

loading...

4 thoughts on “Willie Revillame, balak maging campaign manager ni Manny Villar?!

  1. i’m not bashing willie here or anything.i like him.but campaigning for VILLAR?POLITICS?willie naman.aren’t you controversial enough?you enter politics they’re going to have a field day making jokes and write ups about you.you will be a laughing stalk.you will get eaten alive you WILL BE RUINED!!!!and why Villar any ways.i can tell he’s one corrupt man already.GOSH BOY WHAT ARE YOU THINKING.i swear sometimes i wanna slap you.para matauhan ka naman.grabe,sabi nga ni Boy Abunda.”you don’t need to be in Public office to serve the public”or something like that.at tama naman si Ronnie dapat si noynoy na lang kasi may atraso ka sa kanila.di ba sabi mo mahal mo si tita cory?ba’t ayaw mo kay noynoy?WILLIE you’re making yourself look soooo stupid and airheaded right now!gosh.do what is right willie please don’t fall for this corrupt BSshit!make yourself look good for once.PLEASE! you will be in such big and deep dodo if you continue this.

  2. iba talga ang nagagawa ng pera. may mga tao talaga na nabibili at nasisilaw sa salapi. kung anu makaka tulong sa kanila, yun lang ang papanigan. sana lang ang iboto natin yung kandidato na hindi magbabayad ng utang sa mga hiningnan nila ng tulong. sayang si teodoro, malamang pag nahalal sya, tatanaw din sya ng utang na loob kay gloria…hay!

  3. talaga namanng kasira sira yang punyetang wiLLIE na yan. paano naauulanan ng pera ni villar kaya dun sya susuporta nu! pinaringgan na sya ni kris kahapon na wag nya babalahurain si noynoy ni wiLIE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.