Willie Revillame, babanggain ang 24 Oras at TV Patrol?!

SO, ‘WAG NA tayong ma-shock kung by October ay merong gustung-gustong baguhin ang time slot ng mga news program.

Kung sa Channel 7 ay 24 Oras at sa Channel 2 ay TV Patrol World ang magkatapat, this time, sa TV5, ang makakatapat na ng news program nila ay Willing-Willie.

That’s what we heard, ha? 6-8 pm ang time slot. Aba, isang maituturing na eksperimento ito sa mundo ng programming.

Tingnan natin kung alin ang mas type ng mga manonood. Kung type ba nilang manood ng balita sa kapaligiran (maganda man o pangit) o mangangarap silang yumaman dahil sa Willing-Willie?

O, ‘di ba, parang pinamimili lang tulad sa commercial? Alin diyan ang bago at ‘yung laba sa Ariel?

Gano’n na gano’n ang level, eh!

MAY NAGTSIKA SA amin, pumirma na si Willie Revillame kasama mismo ang may-ari ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan o kilala sa tawag na “MVP.”

Bitbit ni Willie ang more than 60 staff niya sa dating Wowowee na sabi nga ni Willie sa amin, “Kahit siguro wala silang gagawin, may suweldo sila sa akin, three (3) years ang kontrata nila sa akin kahit walang work!”

O, ‘di ba, spoiled ang mga potah kay Willie?

Hintayin natin kung ano naman ang magiging move ng Kapamilya network.

SANA, MAGSALITA NA si Marian Rivera para ipagtanggol ang kanyang pangalang binuo niya, kung sa tingin niya ay “sinisira” ito ng ibang tao.

“Hindi na kami magsasalita, dahil nagagamit lang si Marian,” sey ng manager ni Marian na si Popoy Caritativo bilang tugon sa mga gustong uminterbyu kay Marian.

Lumalabas tuloy na totoo lahat ang bintang o kuwento ni Bela Padilla na pananakot at pangha-harras sa kanya ni Marian.

Si Marian ay hindi parang si Gloria Romero na kung may isyung “Nagtaray si Gloria Romero!” ay hindi ka pa maniniwala o kaya, iisipin mong sinisiraan lang si Tita Glo.

Ang isyung ito kay Marian ay maaaring paniwalaan, dahil merong history na mataray talaga siya sa personal at mainitin ang ulo sa set.

Kaya kung hindi totoo, come out and speak up.

Sabi nga ni Mommy Eva Padilla, “Hindi bagay sa kanya ‘yung nagsasalita ng gano’n, dahil role model siya ng mga kabataan!”

KAHIT PINABULAANAN NA ang isyung ni-rush sa St. Luke’s Hospital sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao dahil sa “vaginismus” o sa jologs term ay “hinigop ng keps ang notes at na-lock” ay wala pa ring patid ang mga nagtu-tweet sa amin at nagte-text na totoo raw talaga.

Narinig natin ang isyu, pati ang panig nina John Lloyd at Shaina, so ang third side, alam na natin ‘yan: the truth.

“The truth shall set yours free!” sey naman ng aming friend na ka-tweet namin (@ogiediaz).

Ewan ko, til now, ‘di pa rin kami makapaniwala sa isyung ‘yan.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMarian Rivera, sinisira ang career ni Dingdong Dantes?!
Next articleSexbomb Jackie Rivas, bugbog-sarado sa BF!

No posts to display