Willie Revillame, babalik na sa Wowowee – Ogie Diaz

SA SEPTEMBER 21 na ang balik ni Willie Revillame mula sa “engrandeng bakasyon” na ibinigay niya sa kanyang sarili at ibinigay din sa kanya bilang “parusa.”

Pero baka isipin n’yo, deadma ang ABS-CBN, ha?  Aware naman sila na ang dami pa ring galit kay Willie sa naging attitude niya on air nu’ng nag-video insert ng paghahatid kay Tita Cory sa Manila Cathedral.

Heto nga lang na balitang babalik na si Willie, parang nagkaroon na naman ng himagsikan sa mga forums sa internet, eh.

Ewan kung okay na kay Willie ang bumalik sa September 21 o ipagpapaliban muna niya uli.

Baka magkaroon naman ng “martial law,” ‘wag naman.

Kung meron naman kayong Signal TV Channel 35 (lalo na sa bandang South–Pasig, Pateros, Bicutan, Paranaque, Las Pinas, Alabang, Muntinlupa, Laguna, etc) ay watch n’yo naman ang talk show namin nina Maui Taylor at Dolly Anne Carvajal, ang Stop, Talk & Listen seven days a week, 6 a.m., 6 p.m. at 12 mn.

Ang dami nang nagpe-facebook sa amin na napapanood kami at aliw na aliw sila, dahil ang gaan-gaan lang ng programa.  Walang isyung tinatalakay, pero “makabuluhan” daw.  Gano’n?

Ang tanong, me Paranaque Cable ba kayo?  Hahaha!

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actor, sabog sa marijuana nang magpahagip sa bading

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12n.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Willie Revillame, babalik na sa Wowowee – Ogie Diaz

  1. hay nko wanang ibalik c wellie galit kami sa kanya!!!!and ang pangit ng ugali nya no?ang tanga nyo kung ibabalik nyo c wellie….wellie manggamt,gnamt ang show para mahalin ng tao na karma tuloy sa kaplastikan ng ugali!!!!

  2. Sa totoo lang kahit mali ung ginawa ni Willie mahal pa din sya ng tao kung iisipin mo why ang daming tao pumunta sa Davao na umabot sa 120,000 ayon sa PNP at sa Cagayan De Oro na umabot ng 150,000 naman. Lahat ito kasama si Manny Villar.

    Ung hate campaign issues, kung iisipin mo karamihan dun Kapuso na ever since galit sa talents ng Dos. Pero ang tanong close pa din until now si Kris Aquino at Willie. Si Kris at family nya ay close kay Willie. So sino ba tayo para mag-react about dun kay Cory na kung iisipin eh ang anak nya ay close ngayon kay Willie after that incident. Kung manonood kayo ng SNN at The Buzz last sunday very clear na close si Kris at Willie. Na pag bumili na ng Jet si Willie eh dadalhin ang 2 anak nya sa Hongkong dahil favorite kasi sya nito.

    My point here, mas madaming may gusto syang bumalik keysa sa ayaw. Kung ibabase natin sa mga pumupunta sa mga shows nya. Ung nagsasabi ng ayaw, karamihan kapuso followers na active online. Mas madaming tao ang hindi nag i-internet di ba? At yung mga writers na nagsusulat ng negative sa kanya for sure kapuos din un. pero at the end, may nangyari ba? indi nilangaw ang shows nya at sobrang dami ang pumunta. Paano nyo ito mapapaliwanag? Matalino si Manny Villar dahil ginamit nya si Willie sa pangangampanya

    • wow, isa ka rin ata sa naaambunan netong si evillame.. at least kaming nagpepetition sa kanya eh may ginagawa. hindi naman to para lang sa may ayaw sa idol mo, para din to sa mga binibiktima ng kabastusan, kaangasan at kaarogantehan nya. for sure isa ka rin sa mga tumatawa at tuwang-tuwang audience everytime na may binabastos si evillame, staff man o contestants. at si kris? siempre gusto yang idol mo kasi ginagamit ni evillame ang mga anak nya (nagagawa nga naman ng pera, kahit hated na ng sambayanan basta may magawa sa kanilang pabor eh nagbubulag-bulagan na.. hayz.. mapera kasi idol mo, eh kung walang datung yan, papansinin ba yan ni kris?? i very much doubt it dear!). siguro nga yung mga nag-iinternet ang mas napapansin at mas nakakasigaw ng kamuhian sa idol mo kasi sila yung may way, what do u expect sa mga nakatira sa ilalim ng tulay? ‘day, bigyan mo lang yan ng konting datung at pagkain eh ok na yan. gets mo???

      • Willie Revillame, Joey de Leon, isa lang ang style nila sa pagho-host at pagpatawa, sabihin natin lamang sa talino si Joey, dead even naman sila kung paano makuha ang kiliti at damdamin ng masa. Pareho ko silang gusto bilang komedyante at host. Lamang siguro si Joey sa character, hindi dahil mas mabait siya kay Willie, kung hindi dahil may kadikit siyang tito sen at Vic na wholesome ang mga dating bukod pa kay Mel Tianco na para bang nahahatak siya. Dapat PG parehas ang mga show nila. Disagree lang na ako na tawagin na pinakabastos sa dilang bastos si Willie na halos isumpa, tapos si Joey ay okey lang. About Cory incidents wala akong nakikitang pambabastos Si Willie kay tita Cory na napakataas ang paggalang niya rito. Pero sa mga batang nasaktan ni Willie ang damdamin dapat lang siyang mapagsabihan at ang mahigit na isang buwan na bakasyon o suspensiyon ay higit nang disiplina para sa kanya. Kung tatanggalin si Willie,(dito ko nakikita ang partisan ng mga galit kay Willie na kung sila ay talagang masa o taongbayan kaya ko pinagduduhan ang kanilang petisyon sa internet) dahil sa kanyang mga kabastusan

    • BOBO bakit hindi mo sabihin sa GMA na patalsikin si Wilma Galvante sa kapangitan ng ugali niya sinisiraan pati talent nila ….

    • ahahaha pno mo nlaman di kya alam ng abs yun pkisabi sa mga lopez,,patawa nman kyo pambata yang mga comments nyo pti stocks lam ang partihan..

  3. Charo Santos earns commission from Willie. Sino ba naman ang tangang papayag sa ganyang arrangement na ang kita na dapat pumunta sa stockholders ng ABS_CBN ay napunta sa host? Dapat suwelduhan lang o talent fee lang si Willie . Bakit palagay niyo pumayag si Charo kung wala siyang cut dito? DAPAT ANG MGA STOCKHOLDERS NG ABS-CBN MAG UNITE PARA PATALSIKIN ANG GUMWA NG DESISYON NA ITO. They are ROBBED of the income they are supposed to get

Leave a Reply

Your email address will not be published.