Willie Revillame, ayaw RAW ng may nawawalan ng trabaho!

Siguro, hindi pa alam ng corporate communications department ng ABS-CBN na nakapag-usap na nga no’ng kasagsagan ng bagyong Basyang sina Willie Revillame at ang top executive ng Kapamilya Network na si Charo Santos Concio, kaya may stament mula rito na mere speculations lang ang napapabalitang pagbabalik sa Wowowee ng TV host.

Actually, hindi rin naman kinumpirma ni Willie sa maikling interview ng Paparazzi na umere last Sunday. Pahayag lang nito: “Pinag-usapan nga namin kung ano ang mga dapat ayusin. ‘Yong mga… itutuwid mo ‘yong mga nagkamali ka.  Parang isang nanay at anak na nag-uusap. Basta ako, kapag gusto pa nila akong bumalik, nandito pa naman ako. Pero kapag ayaw na, hindi na ako babalik. Ang magdedesisyon naman, tao pa rin, eh.”

Pero nang matanong nga namin ang nanay-nanayan ni Willie na si Cristy Fermin na halos araw-araw nga nitong nakakausap, kumpirmado na nga ang pagbabalik ni Willie sa Wowowee. Hindi pa lang nga raw tiyak kung sa July 31 na kagaya ng napapabalita nga.

“Tinanong nga ako ni Willie, ‘Nay, babalik pa ba ako?’” kuwento ng batikang kolumnista at TV host. “Sabi ko naman, vindication iyon, na kung saan ka bumagsak, doon ka bumangon.”

Kung nagtanong sa kanya si Willie kung dapat pa itong bumalik, ibig sabihin ay ang ABS-CBN marahil ang unang nagbigay ng paramdam na magbalik na siya, hindi kaya? Kasi may balita pa ngang hinakot na nito ang mga gamit niya sa nasabing network.

“Palagay ko nga. Dahil si Willie, nagpapa-release na nga, eh. The mere fact na nagpapa-release, he has no more interest of going back.

“Pero hindi totoo na ibinibenta niya ang kanyang kontrata. Nagpapa-release lang siya. Talagang ayaw na niya.

“At sa pagkaaalam ko, may gustong mag-buy out ng contract. At hindi pumayag ang ABS,” hindi man binanggit ni Tita Cristy kung sino ang nagka-interes na mag-buy out ng kontrata ni Willie, hinala namin ay ang TV5 ito.

“Nag-12 na lang kasi ang rating ng Wowowee from 24. Kaya sabi ko nga, ‘ano ‘yong sinasabing si Pokwang ang nagpapataas ng ratings ng show? Uminom nga sila ng kape!”

Nahirapan ba si Willie sa desisyong bumalik?

“Sa punto ng emosyon, parang may mga dapat pang ayusin. Kasi nakatikim siya ng mga salita na, ‘Ipinagdarasal namin ang pagbabalik ni Robin (Padilla)!’” (Si Pokwang ang tinutukoy ni Tita Cristy na nagkandaiyak nang matapos ang 2 weeks na pagku-co-host sa Wowowee nang mawala si Willie na tumanggi na nang alukin ng ABS na maging permanente nang host ng show).

May naging emote pa nga si Pokwang na si Robin lang daw ang tunay na nagbigay ng respeto sa kanila (sa show) bilang mga babae. Na siyempre, ikinasakit daw ng kalooban nitong si Willie.

Posible kayang mangyari na sa pagbabalik ng TV host sa kanyang programa, may hinging kundisyon na tanggalin ang kung sinuman sa mga kasama  sa show na nakapagdulot ng sama ng loob nga ni Willie?

“Wala sa bokabularyo ni Willie ang magtanggal ng kasama. Kaya ang sabi ko, killing them with kindness. Iyon ang gagawin niya. Kasi may sinabi nga siya sa interview ko sa kanya na… forgiveness.”

Siguradong sa pagbabalik ni Willie sa Wowowee, may lamat na ang dating magandang samahan at pagkakaibigan nito at ni Pokwang.

“Oo. Meron na ‘yon. Knowing Willie, siyempre hindi lang mambabastos ng babae iyan. At ayaw rin niyang may mawalan ng trabaho, gano’n,” panghuling nasabi ni Tita Cristy.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleMark Herras, ang laki ng ‘notes’
Next articlePokwang, tsugi na rin sa Wowowee?

No posts to display