Willie Revillame, asset at liability ni Shalani Soledad

LAST SATURDAY, NAG-BLUSH at speechless si Shalani Soledad habang tila inaalaska ni Willie Revillame. Wala pa kasing nababanggit na date kung kailan ba talaga ang napapabalitang planong pagpapa-kasal na ng konsehala ng Valenzuela City kay Pasig Congressman Roman Romulo.

Pangiti-ngiti lang si Shalani. Wari’y hindi nga alam kung paano siya magri-react. Nakabibingi naman ang sigawan ng audience sa loob ng studio kung saan umeere nang live ang Wil Time Bigtime.

“Hindi na kayo mga teenager!” ani Willie kay Shalani. “Pakakasalan na agad kita kung ako.

“Kung ako… ha?” ang boyfriend ni Shalani ang gustong sabihin ni Willie. “Gano’n… halika na, hahawakan ko ang kamay mo at after ng show natin… eight o clock o eight thirty, yayayain na kita.

“Naka-ready na ang pari, naka-ready na ang singsing, at naka-ready na rin ang pamilya ko.”

“Ano? Bakit hindi ka makapagsalita?” sabi pa ni Willie sa ngumingiti lang at wala pa ring masabing si Shalani.

“Magsalita ka. Porke mag-aasawa ka na, ginaganyan mo na ako,” pabirong sumbat pa ng TV host sa dalaga habang patuloy na nagsisigawan naman ang audience.

“Binabale-wala mo na kami rito. Wow… Shalani! Tandaan mo, no’ng nagdurugo ang puso mo, sino ang sumalo sa ‘yo?  Sino ang tumahi ng sugat sa puso mo? Sino ang naggamot niyan? Sino? Ako… ‘di ba? Alam mo kung bakit? Iyan ang trabaho ko… gumagamot ng sugat ng puso. Pero kapag gumaling na, lumalayo ako. Dahil hindi ako karapat-dapat sa puso mo. Ayokong matanggal ang tahi na ‘yan sa puso mo at gusto kong maghilom na ‘yan panghabambuhay. Ano?  Bakit hindi ka makasagot?” tanong ulit ni Willie kay Shalani.

Sa puntong ‘yon, may nasabi na ang Konsehala.

“Para sa akin… asset and liabi-lity ka,” aniya kay Willie.

Tanong nga namin kay Shalani nang makapanayam na naming, bakit niya sinabihan si Willie na… both asset and liability ito para sa kanya?

“Lokohan lang po namin ‘yon dito sa show. Huwag n’yo pong seseryosohin!” natawa ulit ang konsehala.

Pero nagamot talaga ni Willie ang sugatang puso niya no’ng panahon ngang kabi-break lang nila ni President Noynoy Aquino?

“Ah… sabi ko nga, the show has given me so much. No’ng pumasok ako sa programa, hindi lang nila ako binigyan ng trabaho. Hindi lang nila ako binigyan ng bagong bahay. Ibinalik nila ‘yong bilib ko ulit sa sarili ko.”

So it’s not only Willie pala but the show and its staff also?

“Malaking factor po si Willie at lahat ng kasama natin dito sa show. Dahil mararamdaman mo naman talaga rito kung gaano ka nila winelcome. Kung gaano ka nila trinato bilang isa sa kanila.”

Talaga bang ang mga type of man niya ay ‘yong mga nasa politika?

“Ah… ‘yong ganyang tanong, I”ve always answered na… sabi ko, uhm… as much as you want to set standards ano?  Kapag nagmahal ka naman, hindi mo naman masasabi kung kailan at kung sino. Mararamdaman mo na lang ‘yon.

For the record, gaano na sila katagal since naging mag-on sila ni Congressman Romulo?

“Ah… naku! Huwag n’yo nang itanong ‘yan,” masuyo niyang pakiusap.

May tendency ba siyang umalis bilang co-host ni Willie sa Wil Time Big Time kapag nag-asawa na siya?

“Ay naku, super-mahal ko po itong show na ito. So hanggang sa gusto ako ng management at ng mga manonood, nandito pa rin ako.”

Okey lang ‘yon sa future husband niya?

“Ah, si Congressman Roman naman, he has always been very supportive of what I do both sa Wil Time Bigtime pati ‘yong sa pagiging konsehala ko.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Willie Revillame, asset at liability ni Shalani Soledad

  1. Out of topic ito, pero may connection din sa bagong host nila. Mariel Rodriguez, napanood mo ba ang No Other Woman ? Blockbuster. . . Hindi ka ba naiinggit kay Christine Reyes na noong nasa Wowowee, lagi mong iniinsulto ? Kayo ni RR, halatang naiinis kayo kay Christine. Bakit kaya ? Dahil siguro sa selos kasi may crush si Willie sa kanya. Ano ngayon. Wala kayong career while Christine is really blooming.

Leave a Reply

Your email address will not be published.