Willie Revillame admits he planned the Mar-Korina appearance on Wowowee

PINATUNAYAN NI WILLIE Revillame na walang kinalaman sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez sa ginawa niyang sit-down interview at pag-amin na tuloy sa unang pagkakataon ng kanilang engagement sa mismong program ng TV host na Wowowee. Matatandaang ipinagtampo ni Kris ang ginawa nina Sen. Mar at Korina, dahil matagal na raw itong ipinangako ng dalawa sa host ng The Buzz at Showbiz News Ngayon (SNN).

“In fairness kina Korina at Mar, wala silang  alam. It’s all my idea. To be honest with you, sana maintindihan ni Kris. S’yemrpe nag-guest sa amin, alangan namang balewalain namin ‘yan. Binigyan ko ng importansiya…. ‘yung dapat  para sa kanila. Nag-co-host si Korina. Nandyan daw si  Sen. Mar. If you will notice hindi ko ipinakita ‘yung padyak-padyak niya, papasok sa studio. Ayoko ‘yan. Dapat ganu’n ang gusto, papasok ng naka-padyak. Sabi ko, ‘No, pulitika na ‘yan. Hindi, pumasok siya may dala siyang bulaklak para kay Korina,” lahad ni Willie.

Dagdag pa ni Willie, hindi raw dapat magtampo si Kris lalo na’t iisa lang daw ang bubong nila.

“Si Kris naman, alam mo naman ‘yan, brilliant,  intelligent woman ‘yan. Siguro lang, sobrang love niya ‘yung sila Korina. But you know what? Mas maganda ‘yan, mas maiintebryu ni Kris ‘yan ng lahat-lahat from the start. Ano lang ito, spice lang itong sa Wowowe. ‘Yung detalyado like sapatos pati susuotin ni Korina sa kasal, lahat ng susuotin ni Korina. ‘Yun ang magandang interview lahat for the whole show of SNN or ng The Buzz, doon lang nakatutok.”

Sana raw maintindihan ni Kris ang situwasyon at inako ni Willie na siya ang nag-isip ng lahat.

“You know, I think we should give compliment to each other kasi isang bubong lang tayo, e. ‘Tsaka matatanda na tayo para sa tampu-tampuhan. Sa hirap ng buhay ngayon alam mo, dapat ngayon, lahat nagtutulungan, nagmamahalan,” diin pa ni Willie.

Winner ang opening day ng Heavenly Touch sa mga sinehan na pinaglabasan nito last May 13 and still showing. Ayon sa text ng producer nito na si Manny Valera, “Mas malakas sa takilya ang ‘Heavenly Touch’ kaysa ‘Walang Kawala’ sa openigh day based on  box-office reports as of  9 pm (May 13). Tunay ngang heavenly ang haplos sa box-office nina Paolo Serrano, Marco Morales,  Joash Balejado, Gwen arci at Direk Joel  Lamangan. Satisfied ang audeince sa ganda ng pelikula at pagiging super-daring ng movie.”

Palabas pa rin hanggang ngayon ang Heavenly Touch sa Robinson’s Galleria,  Robinson’s Ermita,  Roben, Remar, Isetann Cinerama, Gotesco Grand Central, ABC Guadalupe at Ultra Vista Rama Cinema sa Cebu. Kasama rin sa cast sina Jeffrey Santos, Paolo Rivero,  Jim Pebengco,  Alchris Galura at si Irma Adlawan.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.