Willie Revillame, 2 linggong pahinga ang game show

Willie-RevillameBALITANG HULING episode ng Wowowin last Sunday, July 26, dahil magkakaroon daw ng malaking pagbabago sa TV show ni Willie Revillame pagdating sa timeslot.

Matatandaan sa mga nagdaang episode kasi ng show ni Willie, kitang-kita at damang-dama ng mga tagahanga na kulang ang isang oras na ibinigay ng management sa show.

Pero wala raw dapat ipagamba ang mga tagahanga ni Willie Boy, dahil balitang dalawang linggo lang ito mamamahinga. Muling eere nang live ang Wowowin sa August 9 (kung walang magiging pagbabago at problema) sa bagong timeslot na mas pinahaba na siguradong ikatutuwa ng mga loyal fans ni Willie Boy.

So, walang katotohanan ang balitang babalik si Willie Boy sa ABS-CBN, dahil nakitang lumapit at lumuhod daw ang controversial TV host/ comedian kay Ms. Charo Santos nang magkita sa isang okasyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleJennylyn Mercado, wala raw diet secret, dinadaan lang sa workout ‘pag napaparami ng pagkain
Next articleDingdong Dantes, natupad ang pangarap na makasama si Nora Aunor sa serye

No posts to display