Willie Revillame, ‘di nagtanim ng sama ng loob kay Sharon Cuneta

AT LAST, NAGKAAYOS na sina Willie Revillame at Sharon Cuneta sa birthday party ni Aga Muhlach na kaibigang matalik ng singer/TV host. Mismong si WR ang lumapit sa Megastar para tuluyang magkabati na ang dating magkaibigan. Buong ningning namang niyakap ni Sharon si Willie bilang tugon sa pagkukumbaba ng controversial TV host, ayon sa malalapit na kaibigan ng dalawa.

Naging malaking issue ang pagbibiro noon ni Willie kay Sharon na minsan itong mag-guest sa kanyang noontime show sa ABS-CBN. Binigyang-kulay agad at inintriga ang dalawa kaya naapektuhan ang kanilang friendship. Never nagbitiw ng masamang salita si Willie laban sa Megastar. Palibhasa dating magkaibigan at may pinagsamahan kaya madali para sa kanilang mawala ang tampo sa isa’t isa. Kung tutuusin mababaw lang ang naging ugat ng hindi nila pagkakaunawaan.

Hindi malilimutan ni Willie ang suportang ibinigay sa kanya ni Sharon noong time na nawalan siya ng trabaho. Nakatatak sa isipan niya ang pangyaya-ring ‘yun. Tinatanaw niyang malaking utang na loob sa aktres ang importansiya at pagmamalasakit ng isang kaibigan. Binibigyang-halaga ni Willie ang mga taong taos-pusong nagmamahal sa kanya sa mga panahong kailangan niya ng suporta at pang-unawa.

Ang magandang pag-uugali ni Willie, tumatanggap siya ng pagkakamali at nagpapakumbaba sa taong nasaktan niya. Hindi nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa kahit nakagawa na ito nang kasalanan sa kanya. Ang tinitingnan niya, ‘yung magagandang bagay na inyong pinagsamahan.

Bilang tao, hindi maramot si Willie sa mga nangangailangan kaya nga naging idolo siya ng masang Pilipino. Sa pamamagitan ng kanyang noontime show noon at ngayon ang WilTime, Big Time sa TV5, binibigyang-halaga niya ang mahihirap. Bukas ang kanyang palad tumulong at ibahagi ang blessing na natatanggap niya mula sa Panginoon. Kaya nga itinatag ang Will Foundation (50 million pondo) para tumulong sa mga matatandang may sakit, walang pambayad sa hospital, etc.

Mapagmahal din si Willie sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa WTBT. Kailan lang, nabiyayaan ang buong staff, dan-cers, crew, cameramen, audiomen at utility. Nag-donate din ng P100,000 ang TV host sa fund-raising campaign ng mga pari para makabili ng mga sasakyan. Ikinatuwa nang labis ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang ginawang ito ni WR sa tulong ng dating Manila Mayor Lito Atienza.

Hindi rin nagpatalbog si Sen. Tito Sotto kay Willie, nag-donate din ito ng P200,000. Pati si Sen. Francis Escudero, nagbigay ng P100,00, Mikey Arroyo give ng P50,000.00 at sina Sen. Bong Revilla at Bacoor Rep. Lani Mercado, buong puso nagbigay ng P200,000 thousand pesos bilang suporta sa CBCP. Taos-pusong ipinaaabot nila ang pasasalamat sa lahat ng suportang financial na ibinigay sa kanila.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

13 thoughts on “Willie Revillame, ‘di nagtanim ng sama ng loob kay Sharon Cuneta

  1. willie revillame is my most favorite tv host . hoping that he is really a good man in heart since i dont know him personally. b4 he is so sweet with shalani ,bakit ngaun parang hind na nya masyadong linalambing c shalani ?

  2. Hoy UFO, maski off cam marami ang natutulungan ni WR, marami din ang pinagaaral, hindi siya politico kaya malinis ang pagkita niya ng pera.

  3. nagin debate tong thread na ‘to ahhh…mayabang naman talaga yang si willie..sya yung klase ng tao na kapag may ginawang tulong ehh pinagkakalandakan niya talaga sa show niya…maraming may ala niyan lalo na sa WTBT niya noh

  4. KHIT ANONG SIPAG GAWIN NG MGA PILIPINO KUNG ANG NMAMAHALA AT NAG PAPATUPAD NG BATAS ANG CY RIN ANG SUMASALUNGAT N2 WLNG MANGYAYARI TLG IKAW NGA MAGTINDA S BANGKETA NG BUONG ARAL S TIGIN MO MAKAKAKAIN K NG MSARAP TULAD NG PAGKAIN NG MGA MYAYAMAN….GUMISING NGA KAU KUNG TAMA ANG MGA NILULUKLOK NTIN S POLITAKA EH D SAN KHIT PAPANO ALAM NY ANG TLGNG UGAT NG KAHIRAP KULANG TAU S EDUKASYON AT AYUNG IBA FEELING MAY ALAM YUN PL BOPOL NMAN……………….

  5. hindi dapat sa sasakyan ng pare sila nagbigay kundi sa mga ospital na gumagamot ng libre sa may dengue!!!!  kabwisit na gawa iyan. Si Hesus ay naglalakad lamang at bihira sumakay sa camel kasi simple lang. itong mga hinayupak na obispo na nanghihingi pa ng sasakyan e napakakapal ng mga mukha. kaya madami naalis sa katoliko dahil sa mga bulastog na pari.

  6. bakit lagi nating sinasabing kaya di tayo umasenso ay dahil sa mga pulitikang yan, alam natin na wla na nga silang maitutulong sa tin,,, magaanantay paba tayo nay may ibigay sila …bat di tayo mag trabaho ng husto, magsipag para nalang sa familya natin, hindi pulitiko nagpapahirap sa inyo koyo di mismo,

  7. ang hirap nga kase sa mga pilipino tumutuong kana ikaw pa minsan ang napapasama at yung crab mentality nyo laging naandun parin. oh boy!

  8. pwede b tigilan ninyo ang magpasiklab s mga tv show ninyo bat d kau lumabas s totoong mundo s mga probinsiya ang dming dpat tulungan dun  ibigay  ninyo ang mga pera ninyo o d ky magpagawa kau ng mga school ng makapag aral nman ang mga bt s kalsada at magkaroon ng disenteng classrum lumabas kau s aircon ninyong kotse mga plastic…

  9. hellllllllllllllllllloooooooooo ky nga naghihirap ang pinas dhil may mga politiko at artistang nagpapagamit upang gawin mas mahirap ang ordinaryong mamayanang pilipino …wake up kung tutulong lng naman yung bukal s puso hindi may hidden agenda….kaya d tayo umaasenso ….IBANGON ANG PILIPINAS

  10. hahahaah hayan na naman ang mga haters wla sa politika si wil baka naman kyo ang magnanakaw hahahahaha utak biya tlaga kyo kahit anong tulong masama pa rin ang tao sa inyo…

  11. KHIT NMAN MAGBIGAY PA CLA NG MILYONES EH ANO NMAN NGAYON?! TYAK NMAN NA GALING SA NAKAW YUN! MGA MAGNANAKAW! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.