Willie Revillame, ‘di na shocking ang pagtatalak kay John Estrada on-air!

IPINARATING NA SA amin ng isang kaibigan sa press na sumalubong kay Charice Pempengco sa NAIA na good mood ang international star at ang YouTube sensation.

“Nakakatuwa, dahil lahat ng press na nandu’n, in-entertain ni Charice at ng nanay niya. Lahat pa ng press, binigyan nila ng tig-iisang stuffed toy with matching chocolates.”

Pagkarinig namin sa good news na ‘yon, napangiti kami.

Magandang senyales ang gesture na ‘yon ng mag-inang Raquel at Charice sa press para mabura ang impression na “nang-isnab” ng kababayang press ang singing sensation.

Maganda rin daw ang mga naging kasagutan ng mag-ina sa pagtanggap nila ng aming public apology.

Gano’n nga lang siguro ang buhay. Maliit lang ang mundo. Pasasaan ba’t magkakausap din kami ni Charice at ng mommy niya. Na ang ending, magkakatawanan na lang kami, magyayakapan at bibigyan ng chance ang isang bonggang friendship.

SA YOUTUBE NA lang din namin napanood ang on cam na “pananalak” ni kaibigang Willie Revillame sa best friend nitong si John Estrada.

Kung hindi pa nagtampo at tumalak si Willie, hindi pa namin malalaman na may niluluto na palang bagong noontime show ang ABS-CBN na pagbibidahan nina John at Randy Santiago.

Pero ayon sa talak ni Willie on air sa Willing-Willie, kausap si John sa telepono, meron na pala itong inaayos na noontime show para sa mga kaibigan sa TV5.

Pero ang nakakalokah, inere ni Willie ang kanyang saloobin at nalaman din tuloy ng mga tao na hindi na siya magbe-Best Man sa kasal ni John sa Feb. 26 kay Priscilla Meirelles at magsolian na sila ng kandila.

Ano ang opinyon n’yo rito?

KUNG KILALA NAMIN si Willie, noon pa naman, ‘yun na siya, eh. ‘Pag may saloobin, kahit sa ere, pinakakawalan niya.  Kasi, ganu’n siya ever since, eh. So, hindi na shocking.

Tinanggap din siya ng kanyang mga fans sa ganoon niyang attitude, pero sabi nga, we cannot please everybody. Me mga nakapanood na “naasiwa” sa kanyang naging gesture.

May mga nagsasabi pa na kung totoong best of friends ang dalawa, sana’y nag-usap na lang sila nang personal o kung sa telepono man, ‘wag na sanang ineere para hindi rin ma-on-the-spot ang kaibigan kung may gustong linawin.

At kung kilala namin ang magkaibi-gan na ‘yan, parehong malungkot ‘yan, dahil siyempre, super friends sila, ‘no!

Hindi bale, hindi pa huli ang lahat. Kulang lang sila sa pag-uusap.

ISANG SHOWBIZ ANALYST naman ang nakausap namin. Ang sabi nito, tama lang ang naging career move ni John na bumalik sa ABS-CBN at magkaroon ng sariling show just like Willie na may sariling show rin.

“Siyempre, ang hari ng TV5, si Willie, hindi naman si John. Saka at the end of the day, ikaw pa rin ang magde-decide kung saan ka magiging masaya, ‘di ba?

“Saka napaka-ungrateful ng business na ‘to. ‘Pag wala ka nang pakinabang, babu ka na. Pero kung may asim ka pa rin, gusto ka pa rin ng mga network.

“Saka dapat, hiwalay ang personal friendship sa business. As long as hindi sila magkatapat ng programa, I don’t think, may nasirang friendship.

“Unless, may previous talks na between Willie and John. Kaya naman itong si Willie, tinatrabaho ang noontime show sa Singko para kina Randy at John. At itong dalawa naman, lihim ding nakipag-meeting sa Dos.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

24 thoughts on “Willie Revillame, ‘di na shocking ang pagtatalak kay John Estrada on-air!

  1. tamaaaaaaa…. yang wilie na yan dos ang nagpayaman dyan.. eh nung yumaman lumaki ang ulo dahil malakas ang hatak nya sa mga MATATANDANG audience kaya iniisip nya sa kannya ang sympathy nilang lahat….. diba nangungutang ka lang nuon willie?? hirap ka pa sa pobreng daga, dahil kinuha ka at binihisan at binigyan ng projects nang abs naging hambog ka,,… pera lang meron sayo , tunay na kaibigan wala!! inaway mo nga yong long long time best friend mo dahil lng sa project…..magbago ka na…….

  2. Willie magtabi na lang kayo ni Cristy Fermin sa row 4 sa tabi ng mabahong basurahan kasi dun nababagay ang mga ugali nyo.

  3. Ewan ko kung bakit ang mga tao eh sampalataya ke Willie eh nuno ng bastos. Asta mo hari na lahat ng kanyang gusto eh masusunod. Porke nahihiga siya sa pera eh akala niya madidiktahan niya ang buhay ng lahat ng tao pati kaibigan niya. Willie, balang araw liliit ang mundo mo at makikita mo na lang ang sarili mo na nag-iisa. Hindi mo kasundo kahit sino kahit mga anak mo kungdi mo bigyan ng pera eh di ka mamahalin dahil pangit ang ugali mo. Di ka na natuto laging galit ang nasa puso mo. Ang lahat ng bagay pati buhay eh hiram lang sa Diyos, isang iglap puwedeng bawiin sa iyo so tandaan mo iyan. Maigsi lang ang buhay, gawin mong makabuluhan Willie.

  4. obviously, despite willie's so called riches, he is a lonely person kasi kung happy kang tao at contented ka sa buhay, wala kang bitterness sa kapwa at kung isa kang dakilang kaibigan, hindi mo ipapahiya on air ang iyong best friend na pati ang pagiging best man mo eh di mo na tutuparin. john, you are fortunate na nakilala mo na at wag mo panghinayangan ang isang tulad ng hambog at palalo na kaibigan tulad ni willie revillame

  5. as usual lumabas ang kagaspangan ng ugali ni willie, sobrang kabastusan ang ginawa nya kay john at di un gawain ng isang matinong kaibigan. john and randy are artists at may individual choices, mas mainam ung magshine sila sa sarili nila kesa manatili sila sa anino ng isang tulad ni willie. good luck na lng sa TV5 at sana di kayo madamay sa kamalasan ni willie.

  6. Tanong ito sa karamihan please, sa tingin nyo ba sa picture dito ni Willie, mukha ba siyang, Chinese, Japanese, Korean? Parang sa tingin ko intsik sya tingnan, parang hindi pure Pinoy tingnan. Opinion ko lang naman . Peace :)

  7. Ungas ka talaga Willie! And you call yourself John's friend!!! You should be happy for and supportive of your friend for whatever decision he makes. You should learn to separate personal and business issues. Ang yabang, to humiliate your friend on national TV to get the people's sympathy, para magmukha kang api or kawawa. SO CHEAP!

  8. alam na alam nyang di mag re rate hahahhahhaha kasi dumaan din sya dun ….meron bang naka talo sa eat bulaga???? WALAAaaaa!!!
    ang YABANG YABANG MONG WILIEKUPAL KA!!!!…sana lahat ng nabanggit sa naturang video eh wag magpatapak sa hambog na yan
    ano porket ba di sila kasing yaman at maraming koneksyon tulad nyang KUPAL na yan eh pwede na silang ipahiya sa madalang pipol…abah kung ako eh may ganyang kaibigan at ipahiya ako hahamunin ko yan ng sapakan!!!!! ;P

  9. well well what do you expect from willie. he is sooo selfish not really hindi na sya tao. pugitong to walang magawa sa buhay. gumagawa lang sya ng eksena sa show nya dahil alam naman nating lahat na hindi na nagrarate ung willing willie. and we all know that 6:30 pm slot is really reserved for news. dati i dont watch news pero ngayon id rather watch and listen to news than watch and listen to willie's words of wisdom.

    mawawala din yang willing willie. charot lang na #1 DAW ang show nya eh hindi naman credible kung san man lupalop nanggaling ang ratings na yon. bwisit!

  10. bat ngayon lng cya nag offer kla john?bat nung nasa wowowe cya hindi?ingit ba cya?cnabihan p nya ng hindi mag rate yan!pano pag nag rate?yung wiling wiling ba nya na ra-rate ba yun guys?

    • BAka hindi totoo na may niluluto na sya na noontime show for Randy and John sa TV5! Baka nagsinungaling lang si Willie dahil sa galit at inggit na ang mga kaibigan niya nag ober the bakod papunta sa rival network nya. Baka sinabi lang yon ni Willie parang pang guilty effect nina John at Randy. Kasi I'm sure ang naramdaman ngayon ni Willing Willie ay naisahan sya. Yon lang naman ang showbiz, "THERE IS NO PERMANENT FRIENDS IN SHOWBIZ BUT PERMANENT INTERESTS LANG DAW".

  11. hay naku bago ba yan?dapat masay ka wi;;ie dahil mga kaibigan mo may bagong show.smagbago ka na may sarili naman silang pag iisip.saka baka pag binigyan mo sila ng show sa tv5 baka isumbat mo pa sa kanila on air na kungdi dahil sa yo walang show yong 2.kaya magbago ka na wag pairalin ang kayabangan………………….

  12. well well well .. wat more do u expect kay willie.. ganyan na yan at wala ng pagbabago yang kumag na yan.. lamunin nya ang pera nya.. kiver kung nsa knya na ang lahat.. pero hndi lang sya ang taong may karapatang maglabas ng sama ng loob on air.. akala mo kung sinong hari.. may pera ka lang ngayon willie.. ang tanong magagawa mo ba yan kung wla kang pera??

  13. …anu pa bang bago kay willie?sumbatero,masahul pa sa Bakla…nakakaloka yung napanood ko sa youtube,on air pa yata yun…cheap mo willie, masahol pa sa bata….50kana noh!magbago kana ,malapit kanang ma Tgok…

  14. Wag na kayong umasa na magbabago pa si willie hambog at walang utang na loob. Ang nagpayaman at nagpasikat sa kanya ay walang iba kundi ABS-CBN at busabos pa rin siya hanggang ngayon kundi sa Dos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.