Willie Revilame, ginawang biro lang ang panliligaw kay Lorna Tolentino! – Lolit Solis

Mag-iisang buwan na palang break sina Jolo Revilla at Lovi Poe at kumpirmado na talaga ito ngayon, hindi na iyung dating parang gimmick lang naman na laging sinisimulan ni Lovi.

Hindi naman ito gimmick sa loveteam nina Jolo at Mellisa Ricks dahil nagkataon naman magsisimula na ang Pepeng Agimat ni Jolo sa ABS- CBN.

Hindi ko naman nakakausap nang madalas si Jolo pero nakararating sa akin ang kuwentong madalas na raw ang pag-aaway nila kahit maliit lang na bagay.

Sabi ni Lovi, mas mabuting break na muna sila dahil gusto na raw nitong mag-concentrate sa career niya at pag-aaral,

[ad#post-ad-box]

Si Jolo naman ay ganu’n din dahil may bago nga siyang project sa ABS-CBN at tuloy rin ang kanyang pag-aral. At least, mas may panahon na raw siya ngayon sa kanyang anak na si Gab.

Ewan ko lang kung totoo dahil ayaw naman mag-comment ni Jolo rito. Pero meron na raw kasing ibang ka-date si Lovi na isang  maimpluwensyang tao.

Mismong mga kaibigan nitong taong ito ang nagpatotoo na madalas na lumalabas ang dalawa kaya tinabangan na rin si Jolo at okay na rin sa kanyang mag-break na sila.

Mas focused na lang ngayon si Jolo sa Pepeng Agimat at mukhang okay naman sila ni Melissa dahil mabait daw ito. Pero ewan ko lang kung totong boyfriend nito si Jake Cuenca kaya nakikipagkaibigan lang naman si Jolo.

Siyanga pala, mabuti na lang at pinayagan ng GMA-7 si Sen. Bong Revilla na mag-guest dito sa Pepeng Agimat ni Jolo para makatulong din sa kanyang anak.

NAPILITAN SI LORNA Tolentino na sagutin ang isyung nililigawan siya ni Willie Revillame nang makorner ito ng mga reporters sa fashion show ng Dickies nu’ng nakaraang Sabado.

Feeling nga ng mga reporters, parang nairita si LT nang tinanong ito sa kanya dahil ang sabi nga naman ni Willie, nagbibiro lang ito.

Kaya iyun din ang sagot ni LT, sabi ni Willie nagbibiro lang daw ito, eh, ‘di nagbibiro.

Hindi naman naniniwala si LT na tototohanin ni Willie iyun kaya tapos na ang isyu.

Sabi pa ni Ruffa Gutierrez, dapat ako raw muna ang unang ligawan ni Willie para kay LT. Hindi naman ako ang magde-decide diyan, ‘no!

Kahit sa akin naman idaan iyan, hindi pa rin siya papasa kay LT kaya tigilan na! Tapusin na nating sa kuwentong nagbibiro lang pala ito. ‘Yun na!

Bukod sa Dahil May Isang Ikaw, gusto namang pagkaabalahan ngayon ni LT ang nalalapit na Undas dahil tapos na tapos na ang mausuleo ni Daboy at doon sila titigil sa araw na iyun.

Ayos na ayos na nga ito at masaya naman si LT dahil nakikita na niya ang pinaghirapan niya para mabuo lang ang mausuleong ito ng dyowa niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Willie Revilame, ginawang biro lang ang panliligaw kay Lorna Tolentino! – Lolit Solis

  1. OKEY ANG EMOTE DITO SA PIYKTYUR NI PAPA WILLIE..PARANG MAY…PERO STILL HOT PARIN.. I LIKE U WILLIE.. GIV ME CHANCE TO TASTE UUUU

  2. udy fernandez anak ni merle fernandez at tatay nya ang nakabuntis incest ito

    lorna..nagmamalinis eh prosti din yan ni rading carlos.

    rudy at nanette medved..nagka affair

    lt at maricel s ganun din…

    anu ba yan lolit ??? puro prostitute alaga mo…bugaw ka kasi kayo ni annabel at cristy

Leave a Reply

Your email address will not be published.