Willie, kuntento na nga ba sa buhay?

KAGABI, ISANG ENGRANDENG selebrasyon ang ginanap sa Willing-Willie para sa kaarawan ng nag-iisang hari ng primetime game show sa telebisyon na si Willie Revillame. Dumagsa ang maraming tagahanga, kaibigan at mga nagmamahal kay Willie sa studio ng kanyang show sa TV5 upang iparamdam sa kanya ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal. Masaya naman ang maraming mga kababayan natin na nakapanood ng live show sa studio dahil marami sa kanila ang nabiyayaan ng mga papremyo na sadyang ipinamigay ng matagumpay na TV host sa kanyang mga tagahanga.

Pero bago ang bonggang selebrasyon niya kahapon, nakausap namin si Willie sa set ng kanyang show noong nakaraang linggo. Bibihirang magpaunlak ng panayam si Willie dahil ang gusto niya, tahimik na buhay at magpasaya lamang ng mga tao. Pero dahil sa ang kanyang nanay-nanayan sa showbiz na si ‘Nay Cristy Fermin ang nanghihingi ng interview, hindi ito nakatanggi. Sa takbo ng panayam kay Willie, mahahalatang masayang-masaya na ito sa kanyang buhay at karera sa ngayon.

Gaano na nga ba siya kayaman sa nga-yon? “Hindi ko nararamdaman ‘yun eh, na ganon… nararamdaman mo lang ‘yan dahil una marami kang binibiling properties eh. Ano ‘yan eh, future mo ‘yan eh, future ng mga anak mong maiiwan. Hindi lang para sa akin ito eh, para sa mga anak ko na ‘to eh. Maaaring kung magkaka-pamilya pa ko, sa magiging anak ko na bago, kasama na siya d’yan, so walang feeling na mayaman.”

Masinop si Willie pagdating sa kanyang mga kinikita. Wala siyang bisyo sa buhay, kundi ang mag-isip ng mga bagay-bagay para maipundar sa kanyang kinabukasan at sa kanyang mga anak at apo. Kabilang sa mga properties ni Willie sa ngayon ay ang ilang magagarang bahay, mamahaling sasakyan, at ang itinatayong Wil Tower Mall sa may Quezon City.

Dumaan man sa maraming pagsubok, pilit na itinatayo si Willie ng tadhana upang maghatid ng saya at pag-asa sa ating mga kababayan. Matatandaang hinagupit ng unos at bagyo ng isyu at intriga si Willie noong 2010, pero hindi ito naging dahilan upang tumigil siya at magmukmok na lamang sa sulok. Kaya naman lalo siyang pinagpala, para in return ay makatulong siya sa mga taong umaasa ng kaginhawaan sa buhay. Sa tingin kaya niya sobra siyang minahal ng Diyos? “Oo, of course. Alam mo, sabi ko nga magalit sa akin ang buong mundo ‘wag lang magalit sa akin ang Panginoong Diyos. Ayawan man ako ng buong tao… buong sambayanan, ‘wag lang ang Panginoong Diyos, ‘di ba? Kakampi ko nga ang tao, galit naman sa akin ang Diyos, ‘di wala lahat.”

Pagdating naman sa kanyang mga dating mga nakarelasyon at mga anak, may pahatid namang mensahe si Willie. “Sana eh, ‘yung pagkukulang ko dati, patawarin nila ako. Siyempre surviving ka eh, survivor ka sa buhay, so ‘yung mga pinagdaanan ko sa buhay, kasama ko sila siyempre. Hindi naman perpekto eh, may mga pagkakamali, at the same time syempre nagsisimula ka, naghaha-ngad ka ng magandang buhay. Eh, marami kang tatahakin na mga pagsubok sa buhay mo, so ako lang ,alam mo naman kung sino’ng nagmahal sa akin, ako lang eh, patawarin nila ako sa aking mga nagawang kasalanan, patawarin nila ako kung ano man ‘yung pagkukulang ko nu’ng panahon na kasama nila ako. Sa mga anak ko, eh sana someday ‘wag kayong mag-alala kasi hindi ko man kayo nakakasama, si Meryll lang nakakasama ko, nakaayos na rin ang buhay n’yo, at ibig kong sabihin, marahil physically hindi ako special sa buhay n’yo, pero kung  mawala ako sa mundo, may maganda na kayong kinabukasan na maibibigay sa pamilya n’yo, nakaayos na lahat.”

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

Related Post

loading...

27 thoughts on “Willie, kuntento na nga ba sa buhay?

  1. Maraming palasyo si Willie, pero ang nakatira kuwago. Hindi kinaiinggitan iyan, kinaaawaan. Sana nga huwag na siya bumagsak ulit. Masyado na mataas ang lipad ng kuwagong ito. Magiging napakasakit kung siya ay babagsak.

  2. moving on napo,,abscbn,..move on,,wilie ,,move on,,mag worrk nalang,,,

    tutal di naman ganun kalakas ang wiling wilie compare sa wowowee oon,,ok lang,,

  3. WAG puro salita lang wilie,,makikita dapat sa gawa,,,,but i love wen he sed FORGIVE ME SA MGA ANAK NYA,,wow sya dun,,ang pagiging humble nya sa mga anak nya,,make sure lahat iyon pantay pantay pag nawala sya,,wahahaha..para walang isyu,,,..

    YES NA YES,,ALISIN NA SI SHALANI SA SHOW NILA,,ILAGAY SI VALERIE CONCEPCION AT VANESA DEL BIANCO,,pls,,

  4. KALA KO BA WALA NA SI SHALANI SA SHOW NILA,,INALIS NA KASE DI BAGAY AT WALA DIN,,SA PUBLIC SERVICE SHOW NA LANG DAW SYA ILALAGAY,,SOON,,BALE SI VALERIE CONCEPCION AT VANESA DEL BIANCO ANG GUSTO ILAGAY NG TV5 JAN,,SOON,,NAINIS DIN ANG TV5 MGMT KAY WILIE SA PASHOWBIZ NYANG LIGAWAN NI SHALANI,,NA NAKAKASIRA DAW SA SHOW,,MADMAI NA DAW ISYU ANG SHOW,,WAG NG DAGDAGAN SABI NG TV5,,KAYA AALISIN SI SHALANI DITO,,KALA MO NAMAN,,PAPATULAN SYA NI SHALANI,,E SI SHALANAI,,PA,,MAPILI SA GUY,,SHE LIKES,DECENT,EDUKADO,PROFFESIONAL NA MAAYOS,NA TAO,,,,GAYA NI PNOY,,.

  5. ASUS,,JAN MAGALING SI WILIE SA PAGSASALITA NG GANYAN,,OK SANA YANG GANYANG ADVICE SA IBANG TAO KUNG NAKIKITA MO MISMO S ATAONG NAGSASALITA NA MAAYOS SA AT ROLE MODEL SA GAWA AT HINDI SA BIBIG LANG,HEHEH..KULANG SA GAWA SI WILIE,,AS IN!!.
    PERO TAMA SYA,,GALIT MAN ANG BUONG TAO,,BASTA OK ANG RELASYON MO SA DYOS ,,OK LANG,,,,MAHALAGA KASE BILANG TAO ,ANG DYOS ANG PINIPLEASE MO,,AND YUNG TAO SUSUNOD NALANG IYON,,,

    SANA NAMAN MAGING MAAYOS ANG RELASYON NYA SA MGA ANAK NYA,,DIBA,,AT WAG NA SYANG MAG ASAWA,,AS IN,,TUTKAN NALANG NYA MGA ANAK NYA,,DIBA,,WAG NA,,

  6. Idol ko si Wil sa mga ginagawa nyang kabutihan sa kapwa nya daming tunutulungan. at ang pinaka importante sa akin ang dami dami nyang napapasayang mga pilipino saan man sa mundo. sa mga galit kay Wil normal lang yan sa mga pilipino ugali na yan natin na minsan kahit gumawa kapa ng kabutihan sa kapwa mo meron tlgang tao na iba ang kahulugan sa kanila minsan masama. pero kung malinis ang intention sa tao at sa bayan aangat at aangat kapa din.

    • Rhoks sina Tito Vic and Joey, tumutulong din sila sa mga pulubi pero wala namang nagagalit sa kanila, walang mga negative comments sa kanila. Bakit kaya! Is it because of Humbleness, Sincerity and Integrity? Just asking! Marami pang ibang tumutulong sa mga pulubi, hindi lang televised at maski alam ng madla na tumulong nga sila sa pulubi, hindi rin sila minamaliit ng Pinoy. Bakit kaya?

  7. Talagang walang pagbabago yan si Willie, arogante at bastos pa rin.
    Gusto niyang dictahan ang lahat ng tao gusto nya pag kaaway niya kaaway din ng kaibigan niya. Hinid tama yon dapat irespeto mo and decisyon mg ibang tao at one more puede na mang off the cam pero wala talagang pinagaralan at walang pakialam kahit makasakit ng loob ng ibang tao….. please itigil mo na ang pagamit mo mga mahihirap hindi kana nagbago……Willie darating din ang araw mo and babagsak karin dahil hindi ka marunong lumingon sa pinaggalingan mo.

    • Yaw, ang tamang tao hindi hinuhusgahan kung nagkamali ito ng isang beses lang at tinama yong pagkamali nya para hindi na maulit yon, pero kung ang tao ginawa ulit na ulit na ulit na ulit ang kamalian, of course mahusgahan sya ng ibang mga tao. Oo nagkamali rin kami pero i learned from my mistakes at I am proud to say that i take constructive criticism well. Kung paulit ulit na ginawa ang kamalian, siyempre mahusgahan ka kasi alam mong mali, ginawa mo pa rin. Di ba yon ang root ng pagka away ni Willie sa ABS kasi he threatened them for wanting to oust, sino yon, kalimutan ko ang pangalan. At yon ginawa na naman nya yong outburst of emotion nya. He needs to control himself, yon ang point ng mga kaparazzi dito.

    • At tingnan mo ang comment sa itaas by Marion, sinabi nya si Willie gusto diktahan ang lahat. Pumunta ka doon sa stir.ph at the mb.com.ph at basahin mo ang article at tingnan mo ang birthday nya sa WW show at maski sino mahusgahan sya dahil sa ipinakita nya. You are who you are if you constantly show that side of you. Pero kung ang side na yan isang beses lang lumabas, hindi ka mahusgahan. Lahat ng tao nagkakamali, you are right pero kong uulitin palagi ang pagkamali na yan, hindi na yan pagkamali, intentional na yon. Peace. :)

      • …maria,hindi naman ako makapaniwa sa sinabi ni willie….pati ba naman yung kasal e kasama dun,labo naman nya.may solian pa ng kandila…parang bata,50ba talaga yan?masahol pa sya sa ABnormal…tnx ulit…

      • Napaghahalata kung anong klaseng mentality meron si willie hambog. kahit ano pang sabihin ng mga kampo ni willie, hindi maitatatwa na kung anong meron siya ngayon ay dahil sa ABS-CBN yun. Sana wag niyang idamay ang ibang tao dahil lang sa galit siya sa ABS-CBN. Eh sa gustong bumalik nina john at randy sa Dos, anong magagawa niya.

      • Tama, huwag nyang idamay ang ibang tao sa personal fight nya. Noon na nasa ABS pa sya, palaging pasaring nya sa Eat Bulaga, ngayon na nagkadeprensya na siya sa mga kaibigan nya, gagamitin na naman niya ang Eat Bulaga para lang makaganti sa ABS, what a joke and a big insult to Eat Bulaga :)

    • And of course mahusgahan sya dahil sa bibig na rin nya lumabas na ipo-promote daw nya ang Eat Bulaga araw araw. That was so bad of him to do that. Gamitin lang nya ang Eat Bulaga dahil lang sa galit sya sa ABS at kanyang mga kaibigan. THAT WAS BY THE WAY A HUGE INSULT TO TITO VIC AND JOEY!!!! Kung tunay syang kaibigan nina John at Randy, he should have accepted their decision and wished them well instead of threatening them to side with their rival network. It showed the kind of person that he is. Matulungin nga sya pero hindi dahil sa Mother Teresa sya but because of his own personal agenda. Bakit ang hosts ng EB na si Tito Vic and Joey na tumulong din sila sa mga mahihirap, (kagaya sa pagtulong ni Willie sa mga mahirap) wala kang makita na negative sa kanilang tatlo compared sa kay Willie? What do you think is the reason?

    • mukhang isa ka sa mga ww dancers ah, o baka naman isa sa ka naambunan niya ng pera! bakit, anong tingin mo kay willie, hindi nanghuhusga? Mawawala lang ang pagka HAMBOG ni willie pag muli siyang bumalik sa kangkungan. Wag ka ngang magbulag-bulagan o magpakamanhid. Harap-harapan na nga kung magpahiya siya ng mga staffs niya on national tv, todo2 pa ang pagtatanggol mo sa kanya. Dalawa lang naman ang pagpipilian dyan eh, it's either you're so oblivious to your surroundings or you're just one of his parasites, hehehe!

  8. …. :) :) :) ….malas mo at pilipino ka…. :) :) :) edi ,siksik mo sarili mo dun!…kaya nga dumarami mga inchik sa pinas dahil pagnagka pamilya ka dun kailangan isa lang anak mo at pag marami kang anak, isang ulo may penalty, may bahay ka nga, hindi mo naman pwedeng ariin ang lupa mo dun noh! sa gobyerno lang nila yun… mag re-search ka…at dahil baka bukas makalawa pag-aari na ng china ang pinas…at magiging korekorekok yang utak mo TANGA,BOBA,MANHID…. :( :( :( ….nakakalerki ka!!!

  9. tama iyong iniisip ni wil basta kahit maraming galit o naninira sa kanya basta ang mahalaga ay nakakatulong cya sa mga tao na kapus palad at cyempre sa diyos,lahat naman tyo ay may mga ugali na nega at positive kya lang talagang umiiral sa ibang tao ay inggit,selos,manghusga sa kapwa at higit sa lahat ang magtanim ng galit,kaya nga mas bilib ako sa mga chinese kahit ndi cla magkakakilala pilit itinataas ang kapwa nila intsik korekorekok dba?

    • Carrie, isa na doon si Willie na inggetero, tingnan mo yong feed ng stir.ph ngayon, parang inggit sa galit daw itong si Willie sa kaibigan nyang si John Estrada at Randy Santiago kasi nag switch daw itong dalawa sa ABS from TV5 to host noontime show with Mariel and Toni at hindi daw itong dalawa nakarating sa birthday celebration nya sa WW at panay patutsada daw ni Willie sa WW about John and Randy's switch to ABS. Ang tawag din doon kainggitan di ba? At siguro hindi nainggit ang mga tao kay Willie, galit lang ang mga tao kay Willie dahil sa kaplastikan at kahambugan nya. Tingnan mo sina Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga, bakit walang galit sa kanila at ginawa din naman nila ang ginawa ni Willie na tumutulong sa masa pero wala kang isang bad comment about Tito Vic and Joey and you know the reason why? It is because of HUMBLENESS, SINCERITY AND INTEGRITY!

    • At kita mo talaga sa mga hosts ng Eat Bulaga na mga respetado sila sa mga kasamahan nila sa show at walang laglagan at hindi nila sinisigawan ang kanilang mga staff at kasamahan kung nagkamali ito, tinatawanan lang nila at ang kinalabasan tuloy ay hindi na tetense ang mga kasamahan nila sa Eat Bulaga at kita mo rin na hindi sila nanggagamit. Kaya tuloy walang makapataob sa Eat Bulaga dahil ang mga tao ngayon matalino na as evidenced by the the high ratings of their show sa Kantar and AGB.

    • At Carrie punta ka doon sa mb.com.ph at basahin mo ang feed nila about Willie's outburst again in WW about Randy and John. Dahil lang sa galit nya sa dalawang ito at sa ABS, ipo promote daw nya araw araw ang Eat Bulaga. How childish could that be! Gagamitin pa nya ang Eat Bulaga dahil lang sa galit nya sa ABS at sa dalawang ito. That is a big insult on Eat Bulaga. If he wants to promote a show, he should do it because he believes in that show and he likes the show pero sana niya gamitin lang ang Eat Bulaga just to satisfy his personal agenda. Iyon ang sinasabi kong sina Tito Vic and Joey hindi manggagamit at hindi sila unprofessional to do a public outburst of emotion.

      • di mo talaga alam kung anong ugali meron ang taong yan.parang cya na ang pinakamakapangyarihan sa showbiz imagine pati mga kaibigan ginanon nya ewan lang kung hindi na offend ang randy at john.tama din ang desisyon ng asawa nya na hiwalayan yan cguro napakahirap pakisamahan lalo na loob ng bahay. aanhin mo ng sangkatutak na pera kung ang ugali ay di mo maexplain ok na ang simple wag lang ganyan na parang binubusabos ka na

Leave a Reply

Your email address will not be published.