Willie, caught between Kris Aquino-Korina Sanchez scuffle

HINDI NAMAN SIYA naiipit sa situwasyon, pero kahit paano, nadadamay rin si Willie Revillame sa sentimyento ngayon nina Boy Abunda at Kris Aquino tungkol sa pagge-guest nina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez sa Wowowee.

Meron palang binitiwang pangako ang magaling na news anchor kay Kris na ang unang mahabang panayam nila ni Senador Mar Roxas ay ibibigay nila sa SNN.

Ayon kay Kris, umasa sila ni Boy, tinrabaho ng kanilang staff ang mga detalye ng eksklusibong panayam na may mga kakambal na footage, pero naunsiyami ang kanilang plano dahil sa mahabang panayam ni Willie sa magkarelasyon sa Wowowee nu’ng nakaraang Sabado.

Sa madaling salita, naunahan ni Willie ang diumano’y ipinangakong panayam ni Korina sa SNN, nakaisa ang noontime show host, nawalan ng saysay ang pinaghahandaang eksklusibong panayam ng talk show kina Senador Mar at Korina.

Masama ang loob ngayon nina Boy at Kris kay Korina, hindi na raw nila tatalakayin pa uli ang isyu tungkol sa nalalapit na kasal nila ni Sen. Mar, napahiya raw si Kris kay Boy dahil ito ang nakiusap na bigyan ng puwang ang magkarelasyon sa SNN.

SA PAGKAKAALAM NAMIN, nanggaling mismo sa management ng ABS-CBN ang pagge-guest nina Sen. Mar at Korina sa Wowowee. Bago nag-Sabado, inia-announce na ni Willie na magiging co-host niya sa Willie Of Fortune si Korina.

Hindi naman panghihimasukan ni Willie ang pag-iinterbyu kina Korina at Sen. Mar kundi siya sinabihan ng pamunuan ng istasyon. Pero hindi nakakahon ang naganap na mahabang panayam sa magkarelasyon.

Hindi kinausap ni Willie ang dalawa para makapaghanda sa mga magaganap. Kumbaga, hindi ‘yun pinlano, nangyari na lang basta, dahil naturalesa naman talaga ni Willie ang pagsasalang ng kahit ano sa kanyang programa nang walang alam kahit ang kanyang staff mismo.

Dahil wala ngang alam sina Sen. Mar at Korina sa mangyayari sa Wowowee, walang sinirang pangako ang mga ito kina Boy at Kris. Kung sana’y pinlano ang kanilang pagsalang, kung sana’y may sinundang mga tanong si Willie para maibato sa magkarelasyon.

Basta ang alam lang ni Willie, ang management ng Dos ang nagdesisyong papuntahin sa Wowowee sina Sen. Mar at Korina, bilang host naman ng show, siyempre’y sinamantala na ni Willie ang pagkakataon para pasukahin sina Korina at Sen. Mar ng mga detalye tungkol sa kanilang engagement.

Hindi sina Korina at Sen. Mar ang dapat makatanggap ng sama ng loob nina Kris at Boy, lalong hindi si Willie na sumunod lang naman sa mando ng mga ehekutibo ng network, sa management dapat magtanong sina Boy at Kris kung bakit nalusutan sila ni Willie at nabantilawan ang matagal na nilang inaalagaang eksklusibong panayam sa magkarelasyon.

Sumira sa pangako si Korina kung may alam ito sa mga gagawin ni Willie sa Wowowee, kung pumayag ang news anchor na magkakaroon nga ng mahabang interview sa kanila ni Willie, kaso nga ay wala namang ganu’ng senaryo.

Nasorpresa sina Sen. Mar at Korina sa mga tanong na ibinato ni Willie. Wala rin namang alam si Willie tungkol sa usapan nina Kris at Korina, kaya malayang nagtanong nang nagtanong ang aktor-TV host sa magkarelasyon.

Sa ganu’ng kalakaran, sino ang dapat sisihin ngayon nina Boy at Kris? Si Korina ba? Si Willie ba?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

12 thoughts on “Willie, caught between Kris Aquino-Korina Sanchez scuffle

  1. alam mo cristy, masyado halatang maka willy. Kahit kelan ay balingbing ka din. Kaya ka matanggal sa pagka host ng the buzz… ikaw may kasalanan. Kelan ka kaya magsusulat ng magaganda at hindi yong puro intriga? Magbago ka na

  2. People should be knowledgeable when voting not that because Mar Roxas girlfriend is Korina you are going for Mar Roxas , like what happened during the last presidential election there was a bakla asked who he would vote , answer niya Gloria Macapagal Arroyo kasi Kris Aquino campaigned for Arroyo . Ang shallow ng answer walang depth .

  3. Mar Roxas best actor with matching tears , please Do not vote for Mar Roxas kasi excited ang out come kung talo siya tuloy ba the wedding or sorry Korina you are going to be old maid . please do not vote for Mar Roxas .

  4. Kris should know that wowowee is the show watched by the masa , and if you are a politician running for president , well kahit bata alam yan

  5. Kris Aquino meron double personality , kapag the issue is on mga show biz hala todo show off with the flipping of her hair and add niyo ang hiyain si Ruffa sa the buzz , kapag the issue is on her dying mother na todo blouse and pants with matching Tears siya weird siya

  6. pikon naman si kris. naga-alburuto na naman ata dahil nagloloko na naman si james. nakita ko blind item ni ogie diaz. si james yun sigurado. hay.

  7. bat naman si kris napahiya kala mo naman kung napahiya sa kung sinong executive ng kapamiya eh kay boy lang naman..hello?

  8. ay naku Cristy alam na namin na kay willie ka talaga kakampi, manok mo yan eh. at kalaban mo si Kris. Kung di ba naman namulitika yang si Roxas eh dapat hindi na sila umastang ganyna sa wowowee. Guest co-host lang naman pala sila bakit may sit down interview? ang sabihin mo, pinili nila ang wowowee over SNN or the buzz kasi pang masa yong wowowee. Maramaing makapanood sa kanila ang they thought those viewers will equate to votes. At ito naman si Koring akala mo,may class yon pla para maging first lady lang ng Pinas, gagawin ang lahat kahit pa nagmukha syang nag mumurang kamyas sa wowowee sige lang, susme! at ang ABS! nakow! namuhunan na naman, tulungan nyo talaga si Roxas at Kroing para kung sakaling manalo yan sa eleksyon malakas power nyo sa malacanang, ang ganid talaga ninyo. Magsama kayo!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.