Willie, Ayaw Pakawalan ng Dos!

MUKHANG MAHIRAP NGA itong pinagdaraanan ngayon ni Willie Revillame sa ABS-CBN dahil nanindigan din ang network na dapat sundin nito ang napirmahang kontrata.

Kaagad silang naglabas ng statement pagkatapos magsalita ni Willie sa presscon nito nu’ng kamakalawa lang na magri-resign na siya sa ABS-CBN.

Paliwanag pa ng abogado niyang si Atty. Leonard de Vera, unilateral decision daw ‘yun. Ang ABS-CBN naman ang unang bumitaw kay Willie dahil sa tinanggal na ang pang-araw-araw na programa nito, kaya tama lang na bumitaw na rin si Willie at tuluyan nang magpaalam bilang Kapamilya talent.

Mukhang kampante naman ang mga abogado ni Willie na malulusutan nila ito kaya abangan na lang daw in two weeks dahil may ia-announce sila kung anong programa at saan lalabas si Willie.

Malaki raw ang posibilidad na sa TV5 ito, pero ayaw pa munang kumpirmahin ito ni Willie dahil inaayos pa nito ang gusot niya sa ABS-CBN.

Sana nga, maayos na ito dahil gusto na rin naman ni Willie na maipagpatuloy ang kanyang programang makapagsilbi sa taumbayan.

MATAAS ANG RATING ng Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo dahil ‘yung announcement nga nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang inabangan ng lahat.

Very emotional ang magkasintahan nang kumpirmahin nilang magpapakasal na sila bago matapos ang taong ito. Kaya hindi na rin napigilan ng karamihan na maluha dahil masaya ang lahat sa magandang balitang ito.

Ang sabi na lang ni Ogie, sana ipagpatuloy pa rin ng mga fans at supporters nila ang pagdarasal na maging okay ang lahat, dahil sa ngayon ay inaasikaso na nila ang naturang kasalan.

Wala pa naman silang sinasabing eksaktong date pero baka ito na nga ‘yung sa December 22 at baka beach wedding daw ito o sa ibang bansa.

Gusto pa rin nilang very private muna ang kasalan dahil hindi naman daw nila makayang imbitahan ang lahat. Pamilya at malalapit na kaibigan lang daw ang kasama lalo na’t mahigpit ang security niyan dahil isa sa groom’s man si Pres. Noynoy Aquino.

Ang isa pang aligaga rin pala sa pag-asikaso sa kanilang kasal ay mismong si Michelle Van Eimeren, dahil wedding coordinator ito sa Australia at siya rin daw ang magpu-provide ng mga bulaklak. Isa sa mga anak nila ay mag-aabay kaya maganda ang samahan nilang lahat.

Kuwento pa nga ni Regine, talagang gusto raw ni Michelle na ilabas ang wedding pictures niya nu’ng nagpakasal sila ito kay Mark Murrow sa Australia para maipakita sa lahat na puwede na ring magpakasal si Ogie.

Ito na nga, naayos na ang annulment kaya malaki ang pasasalamat ni Ogie sa Diyos dahil pinagbigyan ang kanilang dasal.

Pagkatapos ng kasal ay napagkasunduan na rin daw nina Ogie at Regine na magpapahinga muna ang huli at lie low muna sa trabaho dahil ang next target nila siyempre ay ang magkaroon ng baby.

Nagpatingin naman daw si Regine sa doktor at puwede pa naman daw siya. Kaya sana, patuloy pa raw sa pagdarasal na mabiyayaan sila ng supling bilang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Abangan n’yo na lang ang exclusive interview namin kina Ogie at Regine sa Startalk. Doon ikukuwento ni Ogie kung ano ang mga awiting ginawa niya na gagamitin sa kanilang kasal. Ang gusto kasi ng songwriter, pawang original songs ang gagamiting awitin sa kanilang kasal.

Bongga ito! Mala-Diva siguro ang kasalang ito na musical ang dating.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

15 thoughts on “Willie, Ayaw Pakawalan ng Dos!

  1. Ganon na nga lang gawin mo Willie magtayo ka ng sarili mong network para magawa mo kamo lahat ng gusto mo…para kung may gusto kang ipatanggal, tanggal agad dahil sayo nga ang network. Gusto mo kamo makatulong sa mga nangangailangan????eh bakit ang dami mong gustong tanggalan ng trabaho sa ABS???? yung cameraman na nagsasideline sa Showtime na cameraman sa Wowowee pinatanggal mo, si Jobert na barya barya lang ang kita gusto mo ipatanggal, ngayon naman babalik ka nga sa Wowowee pero lahat ng co host tanggalin yan ang kundisyon mo….yan ba ang gusto makatulong sa kapwa niya??????? masyado kang mayabang, hambog ka….pabagsak kana willie.

  2. naku lolit ikaw nman balimbing ka tlga! kung tirahin mo noon c willie ngaun akalain mo sabit ka pa lagi bakit magkano ba naharbat mo! isa pa halata nman na may bitter ka sa channel 2 never mo cnraan channel 7 cympre nga nman dun ka nakaka uto! mga talent ng 7 na wala nman talent puring puri mo palibhasa ns kanila ka kung san ka may mahihita dun ka db manila scam queen!!!!!!!!! tama gawin kang publiscist ni willie kayo ni cristy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. KUNG AKO KAY WILLIE IMBES GAMITIN NIYA SALAPI NIYA SA PAGBABAYAD KAY FERMIN AT MGA MUKHANG PERANG REPORTERS IPUNIN MO NA LANG DAHIL HAMBOG KANG GAGO KA HINDI KA NA MAKAKABALIK.WALA NA ANG NINGNING MO GALIT ANG MGA TAO SA TAONG MAYABANG NA PANGET PA.YUN NA!BUTI KUNG MAY TALENT KA AT MAY ITSURA.KASO MUKHA MO PALANG WILLIE NAKAKASUKA NA.

  4. manay lolit, mga abogado lalo na pag alam na kikita sila ng malaki sa kliyente eh sasabihing me pag-asang manalo kasi wala namang talo ang abogado!

    matalo o manalo, sige pa rin ang bayad nila un nga lang ke me kasamang damages sa kaso nila eh me parte din ang abogado.

    alam ko manay lolit eh kayo nila willie, cristy eh magkakaibigan. siyempre naman at malaki-laki rin ang inaabot ni willie sa inyo para pabanguhin ang pangalan niya pero sa mga matatalino, ang baho ni willie eh siya mismo ang gumagawa!

    wala sanang gulo kundi masyadong ma-ere yang kumpare mong yan! akala eh sa kanya na ang abs-cbn!

    ULOL KA WILLIE!!!!!!!!!!!
    mawala na sana sa mundo ang mga kagaya mong “HUWAD”

  5. alam nyo ba na tlgang smart itong c kris? xa sa sarili nya alam nya na noon pa man null and void na ung kasal nla ni james yap!!!ganun ang ginawa nyang plan wid boy abunda pra pag naghiwalay nga naman cla ay madali mapawalng-bisa ang kasal nla…smart ka nga kris!!!noon pa man niloloko mo na c james about sa marriage nyo!!!cgurista ka tlga noh!!!tpos d p ayos ung problem nyo nagpaparamdam kana kay mayor junjun binay!!!malandi ka tlga!!!dont blame james,blame yourself stupid girl!!!buti nga pinatulan kapa ni james…tpos magttweet ka na masakit ang “No matter how brave u try to be, a breakup is painful. Quoting again from my love iphone app- when u break up, your whole identity is shattered. It’s like death. True, it’s hard to get to know myself all over again as just me & no longer part of a couple.” cnong niloko mo!!!ikaw ang sumisira ng sarili mo at ng pamilya mo…kung ako sayo tumogil ka na magartista dahil ikaw ang pinaka wlang kwentang artista na nakilala sa mundo ng showbiz……………..no body’s perfect im sure my pagkukulang din c james pero un ay dahil sa yo dahil d ka makuntento kung anong meron kana… poor baby james dahil meron xang ina na kagaya mo…

  6. Formality na lang ang kasal na yan. Di ba nagsasama na naman sila at nagagawa nila ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa?

  7. Willie did this to himself! If he’s got a problem with jobert then they should settle it personally at dapat malayo sa mata ng kamera. But what did he do? He lashed out at dinamay nya pa at nilagay sa alanganin mga taong nagbigay sa kanya kung ano meron siya ngayon.

  8. kung gusto talaga makatulong ni pareng willie sa mahihirap hindi na nya kailangan magwowowee. magcharity work na lang sya mas madami sya matutulungan ang wowowee 2 hours lang. tsaka dapat yung pera nya gamitin nya para mas ma-appreciate ng mga tao :-)

  9. dapat kasuhan n willie yong baklang c jobert kc cy ang punot dulo ng lahat kong hindi ny binabatikos lagi c willie hindi cguro magagalit c willie cino nga nman ang matutuwa biro mo babatikos saiyo kapamilya mo imbis magtulungan cy p ang maninira saiyo. GUJSTO ko lang mag tanong ANO KAYANG ACTION ang ginawa ng abs-cbn s jobert n iyon? ano p man ang sabihin nila k willie MAS OKEY pdin c willie kong s iba lang jan. wala nman taon perpekto lahat nagkakamali, ang mahalaga marunong kang umamin ng kasalanan mo at huminge ng tawad s napagkasalahan mo, god bless you willie. mahal k namen malungkot ang ibang taga saudi buhat ng mawala ang wowowee.

  10. SUSMARYOSEP AT MAY BALAK PA PALANG BUMALIK SA ABS CBN SA LAGAY NA YON?
    MAY KONTRATA SIYA SA ABS, HINDI PARTIKULAR NA WOWOWEE, KUNDI IN GENERAL NA PROGRAMA, MEANS KAHIT ANO.
    KAYA BINDING PA KONTRATA NIYA KAHIT WALA NA ANG WOWOWEE.
    SINUSPENDE SIYA NG ABS DAHIL SA KAPALPAKAN NIYA.
    AND WATCH TV5, SI WILLY AY JINX,, HUAG SANANG BUMAGSAK ANG TV5 DAHIL SA KANYA. JINX ALSO TO NAME MANNY, INCIDENTALLY OWNERS NAME IS MANNY PANGILINAN.
    SABI NGA NI JOEY, PAG SA GMA7 SI WILLIE LUMIPAT, MAG AALSA BALUTAN SIYA, PERO HINDI NIYA SINABI KUNG SAAN NETWORK PUPUNTA, PERO SABI NG SPY KO, SA ABS CBN DAW. AT MARAMING UMANGAL MGA TROPA DIN JOEY. SEE? LOOKS LIKE WILLIE GOT HIGHLY INFECTIOUS DISEASE.

  11. akala ko ba cum laude ek ek graduate ang writer n ito. bkt kung magsalita eh parang walang pinag aralan… masyadong personal pag sinabihan mo ang isang tao na Tigilan mo na ang kaipokritahan mo, Kris!….

    it just only shows what your peabrain contains… bayarang writer. tasteless.. cheap.. hinde ka papatulan ni kris…. panget ka na nga chak pa ugali mo….. poor gay

    ewww…

  12. bayarang writer.. walang credibility. ang tanda mo na wala kng pinagkatandaan…

    pangit na ang face.. chaka pa ang ugali..

Leave a Reply

Your email address will not be published.