Willie and Joey still fighting for ratings

MUKHANG NAGKAKASUNOD-SUNOD DIN ang mga isyu ngayon kay Kuya Boy Abunda. Halos kailan lang ito nagparamdam tungkol sa mga pinagsasabi ni John Lapus, then ‘eto at sila naman ni Dra. Vicky Belo ang tila magiging laman ng mga showbiz items?

Nagulat na lang kami last Monday night (sa SNN show) nang mapanood namin itong maluha-luha habang nagsasalita hinggil sa lumabas na pahayag ni Dra. Belo tungkol sa pagsabi nitong, “If you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo.”

Ang nasabing statement ay bahagi ng panayam kay Dra. Belo sa portion ng Gimme Mo sa Showbiz Central last Sunday.

Para sa amin, masyado ‘yung ‘uncalled for’ lalo na sa isang nagsasabing propesyonal siya. Hindi namin gustong banggitin dito ang isang news item about a balikbayan nurse na diumano’y nagrereklamo sa clinic niya, but hearing her said those words, tsk, tsk… simply made her ‘katawa-tawa.’

Kung noon sa isyu nila ni Dr. Hayden Kho, tila nakuha niya ang aming simpatiya. Pero sa isyung ito nila ngayon ni Kuya Boy, sa kanya napunta ang burden of proof to show us na hindi nga siya mapanglait na tao at isa siyang huwaran sa siyensa ng pagpapaganda nang totoo.
Sa simpleng naging pahayag ni Kuya Boy na “mas nanaisin kong panatilihin ang pagkakaroon ng magandang loob kesa sa panlabas na anyo,” biglang nag-boomerang kay Dra. Belo ang lahat ng mga pangit na kontrobersiyang kanyang kinasangkutan, dahil nagmistula siyang klasikong halimbawa nang ‘isang nagmamagandang anyo na panlabas lang” o baka naman sadyang nagpapansin lang siya sa ngayon? balitang mababa na ang “ratings” kumbaga ng mga klinika niya. Napakapangit na gimik naman!!!

“GIMIK” DIN ANG pagkakabasa ng ilan sa napabalita namang pagbaril sa SUV (Ford Expedition) ni Jake Cuenca also last Monday sa bahay nito sa Mandaluyong City.

Grabe pero hindi naman yata tamang tingnan ‘yun nang ganu’n lalo pa’t may posibleng buhay na nadisgrasya o nadamay dahil lang sa matatawag na iresponsableng paggamit ng baril? Nagkataon lang na sasakyan ni Jake ang nadale kaya’t parang lumabas na big news, pero ang mas dapat talagang tingnan dito, ‘yung patuloy na pagdami ng mga irresponsible gun owners.

Mabuti na lamang at walang nadamay sa mga kasama ni Jake sa bahay, pero mas papanigan na namin ang plano niyang paghingi ng kaukulang proteksiyon para sa seguridad ng mga mahal niya sa buhay.

“Wala akong kaaway at ayokong isipin na mayroon. Mas worried ako sa security ng pamilya ko kaya marahil mas magiging maingat kami at hihingi ng dapat na proteksiyon,” ang nasabi nito sa mga naunang nagrespondeng awtoridad sa lugar nila.

Nagpasalamat din si Jake sa Kapamilya co-workers niya at mga bosses dahil agaran din naman siyang dinaluhan at binigyan ng kailangang moral support at physical presence.

TOTOO KAYA ANG balitang nagparunggit na naman kamakailan si Papi Willie Revillame sa katapat nitong programa?

Diumano, na-phone patch ito habang nasa ospital at sinabi nitong nanonood nga siya ng katapat ng Wowowee, at sinabi nitong, “in fairness, mas maganda pa rin ang show natin,” or to that effect na pahayag.

Kaya nang hingan naman daw ng pahayag si Joey de Leon sa isang presscon kamakailan, nakapagbitaw tuloy ito ng matindi ring statement na “nasa ospital na nga, walanghiya pa rin.”
Pero klinaro rin daw nitong sinagot lang niya ang tanong at hindi sa kanya nagmula ang isyu, lalo pa’t ang nagtatanong diumano ay napanood din ang nasabing Wowowee episode.
The fact is nakiusap pa raw si Joey na ang bagong programa na lang niya sa GMA 7 na Joey’s Quirky World ang pag-usapan.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.