William Martinez at pamilya, ginagabayan pa rin ni Douglas!

NAMATAAN NAMIN SI William Martinez kasama ang mga anak at ang misis na si Yayo Aguila sa studio ng TV5 noong Linggo habang naghahanda para sa Shall We Dance? competition kung saan kasali siya at ang isa niyang anak. Si William ang siyang pinakauna sa maraming talents na opisyal na na-handle ng yumaong manager na si Douglas Quijano.
‘Yung panganay na anak ni William ay inaanak pa ni Tito Dougs. Napamura na lang ang mag-asawang William at Yayo nang malaman nila ang nangyari kay Tito Dougs. Yayo pa naman is from Lucban, Quezon na talagang minahal ni Tito Dougs at balak na nga nitong doon na mamalagi kapag nag-retire siya.

Pero, ang suma-tutal ng lahat, ang sabi pa ni William, “It’s really bound to happen. Pero, naisahan talaga kami ni Douglas. Lagi siyang ganoon. Tinatakasan kami.  Wala man lang siyang sinabing kahit na ano.”
At sa pamamalagi ni William sa lamay ng kanyang manager, nilapitan sila ni Wyngard Tracy at nang mamataan ang anak niyang si Dana na mahusay palang umawit at pangarap maging singer, nabuo roon ang isang promising business deal.
Naniniwala si William na hanggang ngayon, ginagabayan pa rin ni Tito Dougs ang kanyang pamilya, at ang feeling nga niya, binulungan si Wyngard ng kanyang manager para ito na ang gumawa ng paraan para maisakatuparan ang pangarap ng kanyang anak.

USAP-USAPAN ANG MISTERYOSANG babaeng nakikita sa teasers ng mga programang May Bukas Pa at Your Song Presents… Gaano Kita Kamahal?. She’s the same girl na pinagpistahan ng maraming bosero sa sex video scandal na kumalat involving Dr. Hayden Kho.
Nangangahulugan lang na hindi pababayaan ng ABS-CBN si Maricar Reyes mula sa lusak na kinasadlakan nito. Hanggang ngayon, traumatic para kay Maricar ang pagkalat ng video, pero wala rin siyang magawa.

Marami kaming kakilala na kung makapag-comment, para bang may halong pandidiri pa sa natunghayan kay Maricar sa nabanggit na sex video. Hindi namin magawang husgahan siya dahil masasabi namin sa aming sarili, mas masahol pa nga ang ginagawa namin sa kama, at hindi nga lang naibi-video. O, baka na-video na rin kami pero walang nagkainteres na ikalat, ‘di ba?
‘Yun ang point namin. Hindi naiiba si Maricar sa marami sa atin at sa pangyayaring ‘yun, walang ibang totoong naging biktima kung hindi siya. Tigilan ang pagmamalinis, huh! Ginawa niya ang pakikipag-sex with Dr. Hayden Kho noong panahong may relasyon pa sila, considering ‘yung mga hitsura nila na halatang shot many years ago.
Kaya tama rin na huwag na siyang magpaliwanag pa tungkol doon. As mature people, we guess, hindi na ito dapat pang hingan ng paliwanag. Hindi madali para kay Maricar ang humarap sa press, pero ang maganda sa kanya, tuloy siya sa pagtatrabaho, and life has to go on.
After all, mas genuine ang support ng ABS-CBN sa kanya dahil hindi lang siya basta binibigyan ng trabaho. Ang roles na pinapaganap sa kanya ay sympathetic at mas lalong inilalapit siya puso ng mga manonood para mahalin sa mas nararapat na paraan.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “William Martinez at pamilya, ginagabayan pa rin ni Douglas!

  1. Maricar needs to move on and ignore all these malicious individuals. After all, it hapened when she and Hayden are still in college and before Hayden met Vicki Belo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.