Ruffa Gutierrez, todo deny pa rin! by Ogie Diaz

AS FAR AS WE KNOW, two weeks na mawawala si Willie Revillame sa Wowowee.  Siya na ang nagkusang mag-leave pansamantala, dahil “medyo mainit” sa kanya ang publiko kaugnay ng diumano’y “statement” na idinayalog niya nu’ng Monday sa Wowowee kung saan inihahatid ang mga labi ni Pres. Cory Aquino sa Manila Cathedral.

May nag-suggest ke Willie na ‘wag na muna siyang magsasalita ngayon.  Hayaan niyang sina Mr. M (Johnny Manahan, the director of Wowowee) ang magtanggol sa kanyang ipinupunto.

Anyway, si Kris Aquino yata ay handa ring ipagtanggol si Willie, “Dahil alam ni Kris na walang intensiyon si Willie na bastusin ang nanay niya.  Si Tita Cory pa na laging binabati ni Willie sa show ang babastusin niya, di ba?”

Siguro nga ay nagkamali lang ng mga salitang gagamitin si Willie nu’ng time na ‘yon, kaya hindi rin masisisi ni Willie kung “nagalit” instantly sa kanya ang mga tao.

Pero sana nga, malampasan ni Willie ang pagsubok sa kanyang ito ni Lord.

NAKAKAALIW SI RUFFA Gutierrez.  Ilang beses na kaming nagteteyping ng Ruffa & Ai bilang guest at sobrang busy palagi si Ruffing sa kate-text.  Tinutukso na nga namin siyang si John Lloyd Cruz ang ka-text niya, pero deadma lang ang lola n’yo.

Sabi namin sa kanya, sina Ninoy Aquino at Cory Aquino talaga, true love dahil namatay si Ninoy ng Aug. 21, 1983 samantalang si Tita Cory, Aug. 1, 2009 sa ganap na 3:18 a.m.

Tanggalin daw ang dalawang “zero” at lalabas na Aug. 21, 1983 na sila pareho.  So that’s true love, di ba?  Samantalang sina Ruffa and John Lloyd, magka-birthday sila, June 24….

“Eh, bakit sina Aga Muhlach at Marian Rivera, Aug. 12 ‘yon, ba’t hindi sila nagkatuluyan?”

Ibahin ba talaga ang usapan?  Ha! Ha! Ha!

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actor, nagpasilip ng ‘notes’ sa bading here.

‘Wag n’yo palang kalimutang ugaliing makinig sa «Wow! Ang Showbiiiz!» sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Ruffa Gutierrez, todo deny pa rin! by Ogie Diaz

  1. Ruffa said ” i kn0w worth it ang pagpunta namin sa libing kc we’r part of the history”. Napaka insensitive sumag0t! Yun b ang daHilan kya w0rth it ang pagpunta? Hu watcheD d buzZ? My nkapansin din b?

  2. hindi ko nga maintindihan bakit hindi kayang magpatawad ng ibang tao kung yung aquino family nga naka-move on na sa nangyari. sa totoo lang, si willie may temper problem talaga at dapat niyang matutunan na kontrolin ito sa harap ng publiko.

    pero para sa akin, masnaiinis ako sa abs-cbn na tila hindi kayang mag let go sa kikitain nila sa mga sponsors kung kayat pinagsabay sabay ang coverage ng wake at wowowee. hello, tama ba naman yun? para sa akin, bad judgment yan sa part ng abs. ganyan pala magmahal ang kapamilya. tsk tsk.

Leave a Reply

Your email address will not be published.