Will Vic Sotto run for senator?

 

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Nakakalokang chikahan na naman tayo at mga nakaka-HB na chismisan na naman ang nakakalokang mga echusera!

Dahil nga sa chikkang ito na si Manny Pacquiao ay talaga naman, noong nakaraan Sabado ay talagang kahit talo ang 1st contestant niya ay talagang ibinigay pa rin niya. Ano naman kaya talaga ang gustong palabasin ni Manny, dahil nagtatanong ang mga kaparazzi natin, kung saan ba nanggagaling ang perang ipinamamahagi niya sa show niya? Na kung sa kanya ba oh sa production?

Naku ‘te! Nakakaloka! Ano kaya ang mga balak ng mga network at pare-parehas silang namamahagi ng kayamanan. Pero ang mas nakakawindang na isyu, kahit ayokong ma-high blood, kailangan talagang pagtuunan ng pansin. Bukod sa kumikita araw-araw, mas mayaman daw si Willie Revillame kesa kay Manny. Naku, huh! Dahil nga mas marami raw properties itong si Willie.

Naku ‘te! ‘Eto lang ang mase-sey ko, sa kanya ba talaga ‘yun?

 

O, HETO NAMAN tayo sa mga chismisan na talaga namang nakakaloka rin. Marami ring mga nagtatanong na kaparazzi natin na kung bakit kaya namimigay ng pera itong si Vic Sotto sa kanyang show, at talaga namang panay rin ang pagbabahagi ng mga kadatu-ngan, ‘di ba? May mga nagsasabi rin kasi sa amin na kaya niya ginagawa ‘yun ay may balak daw tumakbong senador sa susunod na eleksyon.

Naku ‘te! Ano kaya sa tingin n’yo? Kung ako ang tatanungin n’yo? Why not, ‘di ba? Kasi mas alam naman nating marami talagang susuporta sa kanya, dahil nagpapakatotoo siya. Pero bakit kaya itong si Joey de Leon, ‘di ko na masyadong napapansin sa Eat… Bulaga!?

Alamin na lang natin, mga kaparazzi, kung bakit… pakkk!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong sikat na aktres na talaga namang thunder bird na, ang shupal naman ng feslak?

‘Di na raw nahiya sa katawan ang aktres na ito at binuyangyang na rin niya sa maraming tao. At take note, ang chikka sa atin ng mga kaparazzi ay ikinahiya raw ito ng dyowa n’ya… Naku e, nakakaloka… ha-ha-ha… talagang ikinahiya ng dyowa!

Kasi naman ‘te, ‘di na bagay, pinipilit pa… ha-ha-ha! Kawindang, ‘di ba?

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

19 thoughts on “Will Vic Sotto run for senator?

  1. @kontingdelicadezanaman, ako rin gusto ko si Vic kasi low key sya at hindi hambog and I’m sure mapera na ito si Vic kasi tagal na nito sa industriya pero pagtingnan mo si Vic, walang ka ere ere, hindi hambog and he does not brag his wealth by showing expensive properties to the public and to the reporters, low key talaga, at makita mo na may breeding maski magpatawa sa Eat Bulaga, he does not put his staff down kung magkamali, he just jokes with them. At I think alam ko na kung sino yong sinabi mong anak ni G, si M siguro yon. Di ba may blind item na binilhan daw ni M ng bahay doon sa CA si RM? Hay naku, kung pera nga niya yon na pinaghirapan, okay lang yon, pero kung pera naman ang ginagamit sa people, nakakasuka. May karma. Hindi ko gusto ang M na yan, yong nag artista yon, hambog ang dating. Opinion lang ho!

  2. UFO, I like Vic Sotto. May bahay sila rito sa San Jose, CA, a few blocks down my cousin’s house. Pag bakasyon sila rito, wala lang. Parang hindi sila mga artista. Naggagala at naglalakad sa neighborhood in the morning pero walang ere. Isa lang ang sigurado. Binili nila ang bahay gamit ang sariling pera, Hindi kagaya ng anak ni G. . . .na bumili ng bahay sa Foster City gamit ang pera ng bayan. Itininda na ng maging mainit .

  3. Sorry Mercy pero siguro matuto kang magbasa. You’ve completely missed the point. What part of my comment did you not understand ? Wala ako diyan sa PI and I do keep a good job. I can work anywhere with my lap top. The Bio med company I work for, allows us to work at home. I have an office at home and if I were to go visit hospitals , I seat in a restaurant and order my food and then cruise the web for relaxation before I start my in service work sa mga hospitals and medical facilities. . Ikaw Merc y, ano ka ? Good luck. . . . I don’t think ang hilig sa pulitika ang issue rito. Nakontento ka na lang and became accepting of the situation there. Gaya ng sabi ko, maupo ka na lang sa sulok para hindi ka maistorbo, iyon bang parang tuod. . . . I stated my opinion because of our concerns pero sumabat sabat ka riyan na hindi mo muna ni-research ang issue. Sa tono mo, andiyan ka sa Philippines. Hay naku. . .

  4. @UFO, pahabol pala, gusto ko rin ang Kris TV kasi it shows the houses of celebrities, yon talaga ang inaabangan ko. Wow, did you see Pokwang;s house and Angel Locsin’s house too? Napaka wow talaga. I respect people who work hard and put their hard earned money into intelligent investments like that. Ang linis pala ni Angel sa bahay, very organized yong house nya maski inside the cupboard. Ang ganda ng bahay ni Pokkwang. Yong mga condo din ni Kris Aquino, ipinakita. Wow is all I can say. Kukupyahin ko yong headboard ni Pokwang, gawin ko rin yon sa Master’s Bedroom namin. Nakaka inspire ang mga taong hard worker at doon ilagay ang pera nila sa good investments. Yong ibang artista, inuubos nila ang pera nila sa shopping for LV bags and expensive shoes and pa night club night club sa gabi. Showbiz is not permanent kaya kailangan talaga nila i save yong earnings nila kasi kong laos na, ano na lang ang gagawin nila. At sa internet din, I watched every Thursday here sa US yong show ni Tita Swarding na Pinoy Parazzi Live with christine dera, nakakaaliw lalo na noong nandoon pa si Jhai. At nakikinig rin ako dito sa US sa show sa internet ng Showbiz Mismos ni Jubert sa DZMM at midnight here sa US. So kong ano ang ikinaliligaya ko, yon ang pinanood ko.

  5. @UFO, hahahaha, tama ka para ngang long lost friends or magkumare ang dating namin ni kontingdelicadezanaman. Pero hindi lang ako kapamilya, i also patronize kapuso network. Gusto ko ang Eat Bulaga at yong Mel and Joey. Nakakalungkot nga nung nalaman ko na tsutsugiin na pala ng GMA ang Mel & Joey. Inaabangan ko talaga ang show na yon kasi very informative, very educational at very interesting talaga. Sayang ang show na yan. Gusto ko rin ang ibang shows sa kapamilya, yong Happy Yipee Yehey, gusto ko yong Trip na Trip kasi doon mo talaga makikita yong ibat bang lugar ng Pinas without spending thousands of pesos to get there. Gusto ko rin pareho ang ASAP at Party Pilipinas kasi very fan ako ni Kyla, galing nyang singer, clean voice at wholesome ang dating ni Kyla pero may taste manamit, Hindi ako nanonood sa show hosted by Raymond Gutierrez, Pia Guiano and Ruffa Mae (nakalimutan ko ang pamagat ng show na yon, that is shown here in the US every Saturday) kasi hindi ako fan sa tatlong yon. Sa TV5 naman, gusto ko rin si Jasmine Curtis at si Nadine Samonte. I don’t really give a d–mn about network ratings at kung sino ang mas mataas sa ratings, i watch the shows that interests me regardless if the show is rating well or not, basta type ko, panoorin ko. Who cares sa ratings ratings games na yan, it’s just the network’s ticket anyway to draw advertisers in for income to pay for their talents. Besides, those ratings games is not really important kasi hindi naman yon credible, they are probably bought anyway.

  6. sana hindi na tumakbo pa si vic..pero kung tumakbo man..boto ko pa rin sya at alam ko na mananalo siya..kaya lang sana wag na lang..ganda na nga ng image niya ehhhh

  7. si maria at konting delicadeza..parang long lost friends..magkumaren-magkumare ang dating..pero biased naman talaga ang ABS..lopez yan ehh at friends ng AQUINO..buti pa 7..walng kinikilingan..(inulit)

  8. oo nga ganyan ang mga taga dos kapag ayaw gumagawa ng paraan hoi kaunti sinasabi ko lang ang 22o at tsaka bakit ka masyadong apektado?ndi ako mahilig sa politika dahil kapareho mo rin sila bulok na sistema at puro kaplasikan korekok ba?wla akong kinakampihan at hoi wla ako dyan sa pinas iyan lang siguro ang work mo ang manira ng tao at manghusga at magchat at magkomento ng ndi tama sa tao kaya dapat mag-work ka kumikita ka pa,cyempre sasabihin mo maganda ang work mo dyan sa pinas,magpaka22o ka kaya dapat sa dos ka nga dba mga kapuso?at kapatid?…

  9. Yan yung inayawan ni Maria Ressa nun na ilagay si Noli at Korina pero pinilit ng management kaya nag resign si Ms. Ressa, Naisip kasi nya na politically identified na yung dalawa kaya lahat ng comment nila magiging biased na. Kaso ayaw maniwal ng ABS management..kaya yan ang resulta. anyways sa 24 oras na lang kayo..”Walang kinikilingan..Walang pinoprotektahan..” :)

  10. naku ang mga tontang bakla, mana sa ate noy nilang tanga. ano na lang ang sasabihin ng madlang pipol kung puro kampi lang sa ate noy nyo ang dos? kailangan me pro at meron anti. ganun lang yan, mga tonta. cge, maglinis muna kayo at tama na ang tsismisan. baka maistorbo nyo ang ate noy nyo sa kanyang pagsisiyesta. nge hehehe.

  11. Mercy, kontento ka ba na niloloko nang mga corrupt na pinuno ? Sige, maupo ka lang sa sulok mo. Kung mayaman man ang mga idolo mo, naambunan ka ba ? May naharbat ka ba ? Kung wala, bakit nagpuputok ang butse mo sa comments namin . Opinion namin ito na sana mabasa rin nang marami. Huwag kang magbulag bulagan dahil takot kang magsalita.

  12. @kontingdelicadezanaman, oo, tama ka, nandito ako sa US kasi ang asawa ko American. I’ve been here for 26 years now pero i still miss the pinas kasi iba talaga ang pagkain sa atin. Gusto ko ang mga isda, dito makakain ka ng manok, beef at ibat ibang klaseng karne kasi mas mora pa kay sa isda pero gusto ko pa rin ang isda. My husband wants to retired in the Philippines kasi ang lifestyle daw doon very relax daw hindi kagaya dito sa Amerika daw na para tayong hinahabol at palagi tayong naghahabol sa oras. We are now in our mid 50s kaya marami pang years bago kami maka retire doon. Hindi ko akalain na ganito si Noli de Castro. Kasi noon akala ko matinong tao ito. Ano ba ang nagawa nya sa term nya noon as vice president? Parang critical nga sya sa new government, parang hindi matalino si Noli kasi it takes intelligence to know that it will take years for any President following the Gloria Arroyo to pull the Pinas from the deep hole. Bakit noon sa Administration ni Arroyo , ilang years ba yong terms nila ni Noli at Gloria, pero napaangat ba nila ang Pinas noon, di ba lalong lumulubog? Compared to the Aquino administration right now, for goodness sake, Ninoy has only been in the office for a year. Besides, it takes years before ANYBODY (NOT JUST NINOY – I MEAN ANYBODY) taking over that office after the Arroyo/De Castro administration TO IMPROVE THE ECONOMY OF THE PHILIPPINES OR IF NOT IMPROVE AT LEAST MAKE IT BETTER. Kaya Noli shut up and do something instead to help, that is what you should have had done when you were in the administration with Gloria Arroyo.

  13. Maria, you are not imagining these things. Napansin ko rin sa TV Patrol na palaging may pasaring si Noli De Castro sa Aquino Administration. Bakit hindi niya punahin ang previous administration ni Gloria ? Maski na ang Ampatuan case, parang mayroon siyang laging depensa. Hindi na tama ito. We are talking multiple homicide. Aquino has only been in office one year at lahat ginagawa niya para mahinto ang graft and corruption. Noli De Castro is not helping by criticizing the Philippine government each time there is some good news about Noynoy. Tumigil na sana siya at bigyan ng pagkakataon ang presidente na ibangon ang bayan natin na ipinalubog ni Gloria. SIGURO KASABWAT SI NOLI RITO. HE SHOULD NOT USE THE NETWORK THAT PAYS HIM TO BROADCAST HIS BIASED POLITICAL VIEWS. MUKHANG TAYO NA NANDITO SA IBANG BANSA ANG MAS NAKAKAPUNA SA MGA ITO. MARIA, I ASSUME YOU ARE FROM HERE BECAUSE OF YOUR COMMENTS. HULA LANG.

  14. I remember may nag comment noon na ito daw mga kayamanan ni Willie ay kay Noli de Castro daw yon at linagay lang daw yon sa pangalan ni Willie para hindi obvious kasi noon daw si Arlene (girlfriend ni Noli) daw noon ang Manager ni Willie. Totoo ba ito? Kung totoo man ito, saan galing ito kinukuha ni Noli? Sometimes when i watched the news, parang si Noli against sa Aquino Administration. Di ba ang Aquino admin is highly identified sa kapamilya? and Di ba si Noli is a kapamilya? Pero on the other hand, Noli is a close friend of Willie and the other guys na competition sa ABS, tama ba ako? or am i just imagining these things? Anyone knows?

Leave a Reply

Your email address will not be published.