Will the crowd love you so, Bea and Sam?

IPAPALABAS NA PALA ngayong darating na August 12 ang pelikulang And I Love You So ng Star Cinema. Ito ay pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsey. Kasama rin sa pelikula sina Connie Reyes, Candy Pangilinan, Nikki Gil at marami pang iba. Hindi ito ang kauna-unahang pelikulang nagsama sina Bea at Sam. Kung inyong babalikan ang nakaraan, ang Close to You ang launching movie ni Sam pagkatapos niyang lumabas sa Bahay ni Kuya. Kasama nila sa pelikula si John Lloyd Cruz.

Very vocal naman si Bea Alonzo na kinakabahan siya sa kalalabasan ng pelikula. Naging box-office hit ang pelikulang One More Chance na pinagbidahan niya noong 2007 kasama si John Lloyd Cruz. Sobra-sobra siguro ang pressure na nadarama ng dalaga na mapantayan man lang ang kinita ng A Very Special Love nina John Lloyd at Sarah. Si Sam Milby naman ay mas identified sa dating ka-loveteam na si Toni Gonzaga. Nakatambal man niya sina Anne Curtis at Angel Locsin sa telebisyon, ito naman ang unang sabak ni Sam sa isang romance-drama na si Bea ang kasama.

Compared sa mga rom-coms na nagawa nila kasama ang kanilang original screen partners, seryoso naman ang tema ng And I Love You So. Tungkol ito sa isang batang biyuda na natatakot umibig muli dahil pakiramdam niya’y marami ang masasaktan. It’s a movie about love, life and death. Marami na ang excited dahil medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nakapapanood ng seryosong drama sa mainstream. Napanood na namin ang trailer at in fairness, nakakaintriga ang mga eksena.

Tanong ng bayan: Papatok kaya ang tambalang Bea at Sam? Mahihigitan kaya nito ang kinita ng A Very Special Love ng JLC-Sarah? Mapapansin kaya ang kanilang pagganap sa kani-kaniyang papel? ‘Yan ang aabangan natin.

By Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.