Will call the attention of TV5 Bosses and MTRCB: German ‘Kuya Germs’ Moreno is in rage with DJ Mo Twister

GALIT NA GALIT ang Starbuilder at Master showman himself na si Kuya German Moreno sa host ng Juicy na si DJ Mo nang makarating sa kanya ang balitang bina-blind item na naman siya nito sa kanilang panghapong talk show.

Ayon kay Kuya Germs, pang-ilang beses na raw itong ginagawa sa kanya ng naturang host. Noong una raw, humingi pa ito ng tawad sa kanya, pero laking gulat na lang nito nang ulitin pa muli ni DJ Mo ang panglalait sa kanya via blind item na obvious na obvious naman daw na siya ang pinatutungkulan.

Tsika nga ni Kuya Germs na kakausapin na niya ang CEO/President ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan para ireklamo ito at ang show nitong Juicy Express, at maging sa MTRCB ay dudulog na rin daw ang host/actor para mabigyan ng kaukulang pansin ang ginagawa nitong panlilibak sa kanya at sa iba pang artista sa kanilang show.

Dagdag pa ni Kuya Germs na respetuhan lang daw ang nais niya. Dapat daw ay tinutulungan ang artistang maging maganda ang imahe sa publiko at hindi ‘yung nililibak-libak sa harap ng mga manonood. ‘Yun na!

WILLING DAW GAWAN ng pelikula nang bonggang-bonggang si Tita Dorothy Dizon ang kanyang apo kay Sunshine Dizon at Timothy Tan na si Doreen Isabel ‘pag lumaki-laki ito. Tsika nga ng proud lola, wala naman daw masama kung mag-artista ang kanyang apo lalo na’t nananalaytay sa dugo nito ang pagiging artista dahil magaling na aktres ang ina nito na si Sunshine.

Pero ayon kay Tita Dorothy, depende raw ito sa mga magulang ni Doreen Isabel kung papayagan siyang pasukin ang mundo ng pag-arte, dahil kung papayagan daw ito ay gagawin niya ang lahat-lahat para sumikat ang kanyang apo katulad ng ginawa niya kay Sunshine, sampu ng pagpo-produce muli ng pelikula na ang kanyang apo ang bida.

At kung hindi naman daw ito payagan nina Sunshine at Tim, okey lang daw sa kanya at irerespeto niya ang desisyon ng mag-asawa dahil ito ang mga magulang ni Doreen Isabel. Reregaluhan na lang daw niya ng expensive gifts ang kanyang apo para iparamdam nito sa kanyang apo ang kanyang sobra-sobrang pagmamahal.

TANGGAP NA RAW ni Alden Richards na mas matimbang sa puso ng kanyang ka-loveteam na si Louise Delos Reyes si Enzo Pineda kaya naman daw tumigil na ito sa panliligaw sa dalaga at kasama niya sa Alakdana.

At kahit nga raw hindi maiiwasan na masaktan ito sa nangyari ay tinanggap na lang niya nang maluwag sa kanyang puso. Sa ngayon daw ay pahinga muna sa panliligaw ang guwapitong aktor at mas gusto daw muna nitong pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho.

Pero aminado naman daw ito na may mga iba pa siyang crush na showbiz personality, at isa nga rito si Bela Padilla na ayon sa binata ay maganda at mabait. Pero hinahangaan lang daw niya ang ganda ni Bela, at wala pa raw siyang planong ligawan ang dalaga.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

19 thoughts on “Will call the attention of TV5 Bosses and MTRCB: German ‘Kuya Germs’ Moreno is in rage with DJ Mo Twister

  1. Nakakahiya ang mga comments regarding Mo and Fermin, very insulting at downgrading ang mga comments about them, I guess they did that to themselves. Nawalan na tuloy ng respeto ang mga tao sa kanila. Ang walang budhi lang ang hindi masaktan sa mga comments na ito and even going back to old comments from other articles about Mo and Fermin, the comments from those articles are even twice as bad as these comments here. I still cannot understand how TV5 can keep Fermin with the low ratings of Juicy and Paparazzi! Baka she is kept kasi kailangan ng ehermmmmm!!!!!

  2. @orkidia, sa Washington State. Love it kasi they recently opened one wing of the Mall here and they have a turo turo City Grill Restaurant, (all filipino food), then next to City Grill is Jolibee Restaurant and then next to Jolibee is also Chowking, then the Red Ribbon ba yon na bakery and then there is Valerios Bakery which is a filipino bakery, para talagang nasa pinas tayo kasi ang wing ng mall na yan ay punong puno ng pinoy and they drive expensive cars, BMW, Benz, Lexus, siguro mga nurse yon dito kasi malaki talaga ang mga sahod sa nurse dito. I also love Sand Diego orkidia, as a matter of fact, we went there 10 years ago and my husband would have loved to move there but when we found out the prices of the houses over there, we said “we don’t think so”, it is so expensive, I think San Diego is one of the most expensive states to live in the US together with San Francisco. Ganda ng mga beach sa San Diego. We always stop by the beach when we go there.

  3. mo and cristy are making noise para mapag usapan yang show nilang wlang kadating dating.. i can’t stand seeing this two on tv.. i watched other shows on tv5, but definitely not their shows!!!

  4. Tama si Kuya Germs,ang ganyang klaseng mga tao di dapat patagalin s showbiz.Wla clang respeto s kapwa nila pati n si Willie at Cristy Fermin.Di n cla natuto ,tinapon n cla sa ibang channel di p rin cla ngpakumbaba,kla nila eh mataas p rin cla.Di nila alam galit ang mga tao s kanila dahil s asal nila.Ayaw nila tanggapin na ngkamali cla,at humingi ng tawad s mga taong nasasaktan nila.Pero may hangganan din ang pgiging mpagmataas nila.Kahit n magpayaman cla s career nila eh aanhin mo ang kayamanan kung wla nmang taong ngmamahal ng tunay s kanila.

  5. Anong K ng MOmong yang na mag blind item? As if bango bango nya eh magkasingbaho lang naman sila ni Cristy “sipsip.” Fermin. Ano kaya ang nakita ni Rian Ramos dyan eh bansot na, kulubot pa ang mukha kung ngumisi ( ngising aso! ). Mag-isip isip ka Rian para kang kumuha ng bato at pinukpok mo sa ulo mo. Yang Momong at Cristing yang walang ginawa kundi manlait. Kapag meron silang kinaiinisan na artista wala silang tigil na tirahin yung kinaiinisan nila napaka sadista tlga. Palibhasa, itong dalawang ito ay ITINAPON na ng channels 2 and 7 kaya naawa lang ang 5 at pinulot. Haaaay! Kaawa awa kayong dalawa dahil tuwang tuwa kayo pag naninira kayo ng tao feeling nyo ang galing galing nyo. :|

  6. Pingback: Kuya Germs fumes mad at Mo Twister | Kapamilyang may Puso

  7. @orkidia, salamat, ikaw rin ingat rin, mahirap talaga ang diabetic, pero i found out na if i exercise right away (even low impact) after i eat a heavy meal, my blood sugar will remain not so high compared to if i don’t exercise. My mother was diabetic too and she ruined her kidneys from that disease and she actually went into dialysis (tama ba itong spelling ko sa dialysis?) for 2 years before she died, and it is very hard to be in that dialysis chair for 4 hours twice a week and after the dialysis ,you become so thirsty and you cannot drink a lot of water, my mother was given only 2 ice cubes to suck after the dialysis and she would beg and cry to have more water but it was not allowed by the doctor, so she was very miserable and seeing her in that situation is what makes me work hard to beat this disease. Goodluck with your Mom orkidia, sana makinig sya sa inyo, para na rin yon sa kanya at sa lahat ninyo para she can still spend longer time with all of you.

  8. @maria. Mahirap talaga ang diabetic. My mom who’s turning 90 in August is diabetic too, but unlike you, she’s very stubborn and hates to be told of what to eat and not to eat ganung ilan beses na siyang na-911. Walang bawal-bawal sa kanya at mahilig pang kumain ng sea food, in other words, walang bawal sa kanya. I use splenda on my coffee although i love filipino deserts too and i make them when i’m in the mood to cook. Ingat!

  9. @walang mercy…………………………..talagang sumasaba ka sa tatlo kina willieboy, mo twisted, cristy pata…papala-in sana sau karma

  10. @orkidia, kumusta ka rin, may marami lang akong mga problema kaya ganuun hindi maliwanag ang pang-isip ko the past month. I miss you na rin. I was diagnosed diabetic kaya itong lola mo, diet at exercise ng todo, sa awa naman ng Diyos, i am able to bring my blood sugar down by eating oatmeal with 1/4 teaspoon of cinnamon every morning and I don’t eat white rice anymore, i only eat brown rice and I do not drink sodas anymore, i stopped eating anything sweet, i eat sweet potato once in a while though, pero mahirap pala ang mag lifestyle change ka at kainin mo ang hindi mo gusto pero kailangan mong gawin dahil sa ikabuti ng health mo. Sometimes I cheat though, i buy a slice of cassava cake or leche flan and I eat only 1/3 of the slice just so I can satisfy my cravings for sweets. Hayyyy hirap. I hope everything is okay with you.

  11. isa pa yang si mo na yan nag papahalatang walang respito sa matanda at si kuya grems pa ang kinalaban aba nahawa na yatang talaga kay crispy pata ang lalaking yan…

  12. Magtataka pa kayo kay Mo Twisted eh kaya nga siya nakilala dahil sa mga kontrobersyal na issues niya. Tapos naging close pa sila ni Cristy F., so anong bago dun? Kung baga sa weather, pareho silang bagyo. LOL!

  13. ano ba naman iyan nagpapakatotoo lang si mo at si cristy ang oa talaga ninyo 2011 na o baka naman nakikisawsaw rin kyo dyan sa juicy hahahahah ano ba iyan isang maliit na stasyon laging tinitira siyempre iisa lang naman ang may gawa niyan,kaya pati iyong mga nasa gobyerno nakikisali na rin siguro gusto rin nilang maging artista o mapansin para pagdating nila sa botohan may laban sila kasi puro artista ang gus2 nilang kasuhan hahahahahahaha halatang halata kta mo naman si bong revilla jinggoy estrada lito lapid ndi na nila kailangan iyan dahil arista na sila kya sila tahimik dba kiko pangilinan??

  14. yung mga host ng show na yan especially c cristy and mo.they make some over na kwento para lang sila mapansin.cno ba nga naman ang maniniwala kina cristy and mo.kung ano anong kwento and blind item ang pinag sasabi na wala namang katotohanan..naku ma tsugi sana kayung dalawa sa show nayan di kau nakakatuwa.

  15. Yeayyy! Go Kuya Germs, gawin mo yan at pag hindi pa makinig ang Pangilinan na yan, isa na rin siya sa mga executives nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.