Why is Phil Younghusband so popular among Azkals?

 

 

GUWAPO SI PHIL Younghusband. Pero ganoon din naman si James, ang kanyang older brother, at ang iba pang mga miyembro ng Azkals na ating national football team.

Pero ano nga bang mayroon kay Phil that when “The Bottomline Team” was choosing as to who among the Azkals should sit on the “Bottomline” chair, si Phil ang kanilang unanimous choice?

Dahil ba siya ang pinakamagaling na manlalaro sa kanilang team? Sa palagay ko ay may mga taong mag-aamok bilang protesta, habang ang iba naman ay sisigaw ng nakabibinging “yes”.

Dahil ba siya ay nali-link ngayon kay Angel Locsin? Ayon sa ilang surveys, si Angel daw ang pinakaseksing babae sa bansa. Kamakailan lang ay inamin ni Angel that she is exclusively dating Phil.

Dahil ba laging may naka-handang ngiti si Phil sa lahat ng taong kanyang makasalubong? Dahil ba you can almost smell his passion for football?

Dahil ba sinabi niyang mas guwapo siya kaysa sa kanyang kapatid na si James? Dahil ba sa siya’y isang magnet sa mga intriga at kontrobersiya? Dahil ba kayang-kaya niyang tuksuhin ang kahit na sino with his dangerous boyish charm? Dahil ba sa kanyang British accent?

Dahil ba sa kanyang kabutihang-loob na ibahagi ang kanyang talento sa paglalaro ng football sa mga aspi-ring young footballers? Dahil ba ang kanilang Younghusband Football Academy is touching many lives all over the country?

Dahil ba siya ay sexy at pilyo?

Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero ang alam ko ay mahal na mahal niya ang kanyang ina at iyon ay sapat na sa akin. (But then again, hindi ba’t sinasabing mabait din daw na anak si Bin Laden sa kanyang ina?)

Pero hindi terorista si Phil. Isa siyang footballer – a hungry footballer. Isang galit at gutom na footballer na kapag umapak na sa field para maglaro ay nagiging isang hindi maawat na mid-fielder.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Why is Phil Younghusband so popular among Azkals?

  1. unfair sa ibang members ng team azkals na itong mga younghusband lang ang binibigyan ng exposure to think na hindi pa sila mga pilipino. wag namang ganyan. madedemoralize ang mga true-blooded  pinoy members ng azkals.

  2. Naman!!! popular sa mga baklang gaya mo! mga baklushang nagnanasa kay Phil.
    odebahnaman, ogie d?

  3. di naman talaga guapo yan at di rin naman kagandahan si angel, sige mag gamitan na at pagpalain sino ang sisikat

  4. dahil mahusay siyang manggamit. hayun at gamit na gamit niya si angel locsin. dagdga popularity para sa kanya si angel locsin.

    hindi gwapo si phil. para lang siyang anak araw. nakita ko siya sa personal at hindi makinis ang kanyang fez .
    di siya nababagay sa kagandahan ni angel. puro pacute lang siya at publicity hunger. hindi siya lumusot noon sa GMA at ngayon nakakita siya ng matabang isda kay angel. yun lang yun

    • AT IKAW MAGANDA HAR HAR HAR! SO KAPAL NG FEZ MO INDAY! MAGTRABAHO KA NA LANG DYAN BAKA DUMATING NA MGA AMO MO HE HE HE…

  5. Sa tingin ko dahil lagi syang nakatawa, parang walang masamang tinapay. Plus the fact na magaling naman talaga syang football player. Tapos sumali pa sya sa Celeb Duets dati so nakilala sya lalo. Lastly, syempre sa daming nagmamahal kay Angel Locsin, mahal din ng mga supporters ni Angel si Phil.

  6. hoy kalbo sino guapo? itong si Phil Palatoktok na walang ginawa kundi dumikit sa mga artistang laos? comeon, wag nga tayo maglokohan dito mas guapo pa si Manny Pacquiao dyan eh

Leave a Reply

Your email address will not be published.