Parazzi Chikka: Who’s Next kay Jake na Matinik?!

Sino’ng hindi mapapanganga kung daraan si Juan Carlos Leveriza Cuenca? Titig pa lang kasi ng mapupungay n’yang mata, magwi-wish kang sana nilagyan mo ng belt ang sosyalin mong karsunsilyo’di ba?!

Slowly but surely ang moves niya. From Kapuso, ober da bakod siya sa Kapamilya kung saan siya nabigyan ng magandang break sa acting. Mula supporting roles, umani siya ng papuri dahil nag-improve daw ang acting niya sa Tayong Dalawa.

Pero teka, ano itong intrigang astig rin ang moves niya when it comes to girls?! Chika kasi ng ating Parazzi Intrigera, mga sumisikat raw na girls ang laging nali-link sa kanya. Nariyan si Roxanne Guinoo na ipinagpalit niya kay Bangs Garcia. Hindi pa nakuntento’t kinarir din si Bea Alonzo. Nang ‘di umubra, heto’t may-I padala ng pagkain at roses sa frend daw niyang si Melissa Ricks. Nang hindi naging more than friends, heto’t kay Cristine Reyes naman nali-link.

Pero teka, uubra naman kaya ang kapungayan ng mata mo sa uber-seksing sistah ni Ara Mina matapos ang isyu ng “mabahong hininga”?! Hmmm…habang wala pang development, sino sa tingin n’yo ang next sa listahan ni Papa Jake?!

Ni Mayin de los Santos

Photos by Fernan Sucalit, Mark Atienza and Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.