Wholesome na primetime actor, pa-booking din?!

BLIND ITEM: KINSA Siya? Nakalulungkot ang kuwentong ito mula sa kasamahan sa trabaho. Hindi kasi niya inakalang sumabak na rin sa ‘booking business’ ang isang guwapong primetime actor na wholesome pa naman ang image. Kuwento ng aking kaibigan, meron daw siyang source mula sa isang bansa na malapit lang sa Pilipinas. Diumano, nakita niya itong wholesome na primetime actor sa kuwarto ng isang hotel sa nasabing bansa kasama ang isang rich gay benefactor.

Nagtatrabaho bilang bellboy ang Pinoy source ng aking kaibigan at minsan daw ay nag-room service siya sa kuwarto ng actor at nang pumasok na siya ay nagulat siya na may kasama ang wholesome primetime actor na isang bading. Nabigla rin ang wholesome primetime actor na nadatnan ng bellboy ang rich gay benefactor sa kanyang kuwarto kaya ang ginawa nang actor ay nag-tip-tsina ito sa bellboy ng dollars ha, as in 100 U.S. dollars. Bongga ha! Hindi siya kuripot kung mag-tip.

Pero, dama ng aking kaibigan na kaya ganu’n kalaki mag-tip itong si wholesome primetime actor ay para manahimik at itikom ang kanyang bibig. Hindi akalain ng wholesome primetime actor na matabil itong Pinoy bellboy at ikinuwento ang kanyang nasaksihan.

Nakakaloka ang kuwentong ito dahil sobrang sweet itong wholesome actor at hindi ito makikitaan na gagawa rin pala ng milagro at wais ha, sa ibang bansa pa nagpa-booking.

NARITO NAMAN ANG ilan pang mensahe ni Cristine Reyes na ipinadala kay Nanay Cristy Fermin.

“Kilala niyo po si Rayver napakabait nun. Sa sobrang bait kahit anong gawin sa kanya hinayaan niya lang. nay sa akin hindi puwede yung ganun.

“Nay alam niyo ba kung bakit nakakapag-opening ulit si Rayver sa ASAP? Dahil sakin. Pinaglalaban ko yan. Ngayon lang ulit yan nakakapag-opening.

“Ako po ang nakakakita nung hirap niya from Paranaque mag drive siya para magrehears sa abs. tapos sa Sunday 7am  papasok. Sabay pag-live na po sasabihan siya na hindi na sya kasama.

“Tapos si Rayver dinuroduro ng tatay niya kc lapit ng lapit daw si ray. E kung alam lang po ng magulang niya na si Sarah nga po yun. Tumakas pa po yan sa bahay nila wag lang siya iwanan. Nung panahon na yun nagalit po ako kay Rayver kasi meron pa lang sarah. Pero pinaglaban lang po niya ako. Hinarap po niya mommy ko. Alam po yun ni Sarah.”

Sa ngayon, hindi na nagti-tweet si Cristine tungkol sa isyu at diumano ay kinausap na siya ng Viva Big Boss na si Vic del Rosario. Sana tapos na talaga ang isyung ito at tuluyan nang matuldukan para naman maging masaya ang Pasko ng dalawang kampo.

NAGPADALA NG STATEMENT ang opisina ni Senator Bong Revilla sa Cristy Ferminute ng Radio Singko 92.3 NewsFM tungkol sa pagka-dismiss ng kasong Violence Against Women na isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho. Narito po:

“Nalulungkot ako dahil malaki ang tiwala ko na magkakaroon ng hustisya;

Ang publiko mismo ang naghihintay ng hustisya para kay Katrina at sa buong kababaihan;

Maliwanag naman sa lahat, alam lahat ng tao kung ano ang nangyari. Nakita sa TV, narinig sa radio, nabasa sa diyaryo. Malinaw naman sa mata ng publiko at ng tao kung ano ang dapat naging resulta nito.

Kaya, naging kagulat-gulat ang naging desisyon ng korte, na naging taliwas sa malinaw na konklusyon sa imbestigasyon sa Senado at pananaw ng publiko;

Ganunpaman, kailangan nating igalang ang desisyong ito;

Mayroon pa namang ibang legal remedies si Katrina at umaasa ako na magkakaroon pa rin ng hustisya;

Kawawa naman ang mga biktima, dahil habambuhay na nilang dadalhin ang stigma nito hanggang sa kanilang mga anak at mga apo;

Para silang naisang-tabi at nabalewala;

Sa kanila, kay Katrina, tibayan pa nila ang kanilang loob;

Nakakatakot ang puwedeng maging resulta ng desisyong ito;

Baka dumami ang tumulad dito kay Hayden dahil okay lang pala at hindi mapaparusahan;

Huwag naman sana.”

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.