Wholesome daw kasi ang image
Kris Bernal, pinigilan ng network na gawin ang daring indie film

HINDI NA matutuloy ang indie film na pagbibidahan sana ni Kris Bernal na ididirek ni Gil Portes para sa FDCP Sineng Pambansa All Masters’ Division dahil pinigilan ng GMA-7 ito sa pangambang makakaapekto sa wholesome image ni Kris.

Nangangamba raw kasi ang management ng Kapuso Network sa seryeng nakatakdang gagawin ni Kris kung itutuloy nito ang naturang indie film kung saan ay kakaibang Kris ang mapapanood – daring at isang cocaine addict ang role kumpara sa wholesome image nito sa seryeng gagawin sa Kapuso Network.

Bukod pa sa mga daring scene, may mga eksenang gagawin si Kris na hindi pa niya nagagawa magmula nang magsimula siya sa pag-aartista, tulad ng bed scenes, kissing scenes, sexy scenes at may eksena pa siyang lalabas na naka-bra at panty lang ang suot.

Dito naalarma ang GMA-7 sa pagbabagong image ni Kris kung sakaling gawin nito ang naturang indie film.

Sa pananaw ng Kapuso Network, hindi pa nila kayang pakawalan si Kris sa mature roles dahil marami pa raw ang nagkakagusto sa wholesome image nito.

Hindi naman ikinaila ni Kris na nanghinayang siya nang makausap namin pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars nang i-pull-out siya ng GMA Artist Center sa naturang project.

Gustung-gusto raw kasi niya ng role. Dito raw niya mailalabas ang best niya bilang isang artista kapag nagawa niya ang movie.

Nanghinayang siya dahil nakapag-workshop na siya at nakapag-interview na siya ng mga dating addict bilang preparasyon sa gagampanan niyang role. Pero malinaw naman daw naipaliwanag sa kanya ng GMA-7 na malayo pa ang itatakbo ng career niya kaya hindi raw siya dapat magmadali sa paggo-grow pagdating sa roles.

Bilang kapalit, isang drama soap ang nakatakdang ipagkatiwala kay Kris ng GMA-7 na magsisimula ang taping ngayon June.

 

PINANGARALAN NI German Moreno si Jake Vargas sa ginawang pag-alis nito nang walang paalam sa magulang at kapatid kamakailan.

Nataranta ang pamilya ni Jake at maging si Kuya Germs na tumatayong manager ng bagets star dahil naglayas ang bagets stars.

Ayon kay Kuya Germs nang makausap namin sa Sunday All Stars ng GMA-7, isang araw nawala si Jake at walang makapagsabi sa kanila kung nasaan ito.

Ang dahilan daw ay tila may love quarrel (LQ) na namagitan daw kina Jake at Bea Binene kaya umalis nang walang paalam si Jake.

Anyway, hindi naman itinanggi ni Jake na super close sila ngayon ni Bea at gusto lang daw niyang protektahan ang loveteam nila pero wala daw nangyaring selosan sa kanilang dalawa.

“Nagpunta lang po ako sa mga kaibigan ko sa Olongapo para mag-computer. Apat na oras lang po ako nawala at hindi po apat na araw.

“Wala rin pong katotohanang gusto ko nang kumalas sa pagma-manage ni Tatay (tawag ni Jake kay Kuya Germs). Sobra-sobra po ang naitutulong ni Tatay sa career ko at maging sa pamilya ko,” paliwanag ni Jake.

Paliwanag pa ni Jake sa hindi nila pagkikibuan ni Bea sa dance number nila sa Sunday All Stars ay dahil ‘di raw sila ang magka-partner sa grupo at walang isnaban nangyari.

 

HINDI KAYA alam nitong mga nagsasabi na marami raw kuno ang kinikilig sa tandem nina Dennis Trillo at Rom Rodriques bilang mag-lover sa My Husband Lover? Samantalang halos lahat ng mga nakakausap namin na mga tunay na babae at lalaki ay nagsasabi na nakakasuka raw ang dalawa.

Although mayroon ding kinikilig sa dalawa na karamihan ay may dugong berde, in short mga bading. Pero kapag tunay na babae at lalaki ang tatanungin, wala raw kilig kundi nakakasuka raw dahil ipagpapalit mo raw ba ang napakaganda mong misis sa isang bakla?

Unless kung ang lalaki raw ay lumaki sa luho na puwedeng makuha ang luho sa isang rich gay.

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Wholesome daw kasi ang image
Kris Bernal, pinigilan ng network na gawin ang daring indie film

  1. kasi naman wala naman kasing ipapakitang kaseksihan yang si kris bernal at lalong walang ipapakitang ACTING hhaha! taas ng pangarap mo girl, huh! maraming pang kakaining palay hahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.