Who will be the next Captain Barbell?

KINUMPIRMA NA NOONG nakaraang linggo na si Marian Rivera ang napili na gaganap bilang Narda/Darna sa telebisyon, na dating pinagbidahan ni Angel Locsin na ngayo’y masaya na sa Kapamilya network. Matatandaan na noong last quarter ng 2007 ay nagpalabas ng teaser ang GMA-7 na magkakaroon ng Captain Barbell vs. Darna. Kasama rin sa teaser na ito ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita at Dyesebel, na kapwa naipalabas na noong nakaraang taon.

Meron nagsabi noon na si Richard Gutierrez muli ang gaganap bilang Captain Barbell at ang hinahanap na lang ng istasyon ay ang bagong Darna. May nagsasabi rin na hindi na daw si Richard ang gaganap sapagkat may ibang proyektong nakalaan sa napakasikat na aktor.

Ang gulo noh? Una, wala silang Darna. Ngayon naman wala silang Captain Barbell!

Sumilip kami sa iba’t ibang forums at napag-alaman namin na mag mga fans pala na nagpepetisyon na bigyan ng tsansa ang kanilang idolo para maging susunod na Captain Barbell.

Nangunguna na riyan ang mga tagahanga ni Dingdong Dantes na tila ayaw talaga nilang ihiwalay kay Marian Rivera. Hindi ba’t isa talaga si Dingdong Dantes sa mga pinagpipilian ng mga bossing sa GMA-7 bago pa ito napunta kay Richard? Sa napakakisig na tindig ng aktor ngayon, hindi malayong sa kanya nga ibigay ang nasabing karakter. Paniguradong maraming matutuwa at asahan na rin na maraming intrigang darating kung saka-sakali.

Hindi rin pahuhuli ang fans ng Ultimate Hunk ng Starstruck 4 na si Aljur Abrenica. Si Aljur ay hindi na bago sa mga fantaserye. Lumabas siya bilang si Red Zaido sa Zaido: Pulis Pangkalawakan kasama sina Dennis Trillo at ang namayapang si Marky Cielo. Kasama rin siya sa Dyesebel at Luna Mystica. Si Kris Bernal ang katambal niya sa lahat ng nabanggit na programa. Mapapanood natin ang kakaibang Aljur sa Sinenovelang Dapat Ka Bang Mahalin?, at base sa mga manonood, malaki na ang inimprove sa akting ng binata. Pwedeng-pwede rin siya, ‘di ba?

Hindi rin naman magpapahuli ang mga tagahanga ng hunk actor na si Alfred Vargas. Hindi lang gwapo at makisig ang aktor na ito. Marami na rin siyang napatunayan sa larangan ng pag-arte lalo na sa pelikula at telebisyon. Hindi ba’t nagtambal na sila ni Marian noon sa isang panghapong drama? Nagkaroon din sila ng love angle noon sa Dyesebel at kahit paano ay may chemistry sila.

Sino nga ba sa kanila ang lalabas na Captain Barbell? Para sa inyo, sino ang pinaka-karapat-dapat? Welcome ang suggestions ninyo kahit pa galing sa kabilang istasyon. Ipupublish namin sa dyaryo ang mga kasagutan ninyo at kung sino ba talaga ang bagay maging Captain Barbell!

loading...

81 thoughts on “Who will be the next Captain Barbell?

  1. Ako rin sawa na sa mga artist ng kapuso. Dapat cguro gawing makaluma ang style ng soap opera nila.Nu0n umaabot ng 2 years ang soap.Ganun nlng para di halatang paulit ulit. Nakakasawa rin kht loyal kapuso ako. Sana c nadine mbiGyan ng break,mgaling xa at mganda. Hndi lng c marian. Tsaka po pls huwag masyado s mga fantaserye, nkakamis ung mga soap n0on na drama. Bata kc ang target ng 7 pero pan0 nMn kaming mga kapuso n gusto ng my sense n sh0w? I want 2 see richard n mkikita ang galing s drama like dingd0ng and dEnnis.

  2. tama ka diyan. nakakasawa na!!!!
    kung ako sa gma si aljur ang gagawin kung cb

    give them to others ika nga

  3. kapuso ako pero nkakasawa na mga artista sa gma.. paulit ulit nlng kung hindi si richard si dingdong okaya si dennis..bakit di nila bigyan ng break yung ibang artista sa gma?? pra di mgsawa mga tao..ibang faces nman dapat ang ipakita.. ang dami nman mgagaling sa gma pero hindi sila binibigyan ng show.. i’m sure ngsasawa na din yung ibang kapuso jan!3 lang yta leading men ng gma! hayyy.. pls gma maiba na nman sana!

  4. aljur nalang, nakakasaw na dingdong at richard saka tapos na si richard sa cb, iba naman, saka iba na bagay kay dong na role…

  5. kadiri naman kung si RICHARD G. at DINGDONG. SILANG DALAWA NA LANG BA ANG LEADING MEN NG GMA KAPUSO?

  6. mas maraming may gusto na richard marian yan! try nyo kaya tingnan ang mga message board ng capt. barbel meets darna na forum pero mas like nila na sa full haus remake pagsamahin c richard at marian. fan kami ni richard na pumupunta sa sop at halos lahat kami bet c marian na next partner na ni chard! gma7 pls. pagsamahin nyo uli sila sure yan na mag click!

  7. Sana bagong luma naman si Geoff Eigman bagay sa kanya maganda ang mata nya kaya lang di kasing sikat nina Richard atbp. for experiment naman tutal nasa 7 na sya.

  8. nakakasawa naman leading man ng gma wala ng iba puro richard dingdong, mag pasikat naman kayo ng bago! try aljur….

  9. gusto ko ay si dingdong dantes. bagay na bagay cya kay marian rivera. Cya nalang ang capt. barbel plsssss.

  10. i think gma gvae cb to aljur abrenica malaki potential niya to be a big star! taas diba ng rating ng sinenovela niyla

  11. Marian we are looking for your next DARNA. All of our co-nurses are excited to see you in darna. vilma made her famous for she played the role of darna and dyesebel. Now you Marian will be the next SUPERSTAR OF ALL SEASON. This is now how we call you as MARIAN RIVERA THE ‘ SUPERSTAR OF ALL SEASON’. even our sons who studied in UCLA ,american born they said : they all like you. Your beauty ay hindi “nakakasawa”.you have this charisma that people like in you. Mabuhay ka Marian Rivera.

  12. si marian napo ang darna ngayon kaya wala ng pag tatalo diyan, gusto ko si aljur nalang mag cb… kelangan niyang sumikat ng todong todo, para pan tapat ng gma kay jongloyd at gerald anderson

  13. ikaw na naman! wla ka tlagang hiya! hahahahaah!!!!
    angel ka ng angel mukang laspagenus na un!! eewwwww!! yuck!!!

    bsta if its all about marian, d welcome mga maka-angel or anti-marian! horayt!

    • di iboto mo si Angel sa eleksyon ng Barangay Captain, baka manalo siya doon hehehe!!! Tigas talaga ng ulo mo, nakaraan na si Angel as DARNA! MARIAN will be the NEW DARNA, deal with it, dahil hindi na iyan magbabago.

      • ano ba kayong dalawa?! hindi nyo ba alam na matagal nang napili ang gaganap na Darna.. tingan nyo sa website ko okay?!

    • Di kailangan ni Marian ang boto mo noh, dahil siya na talaga ang NEW DARNA, get it!!! Kung hindi pa rin, hopeless ka na talaga!!!!

  14. kung pag pipiliian lang sa tatlo mas may k na bigyan ng break ng gma si aljur kasi baguhan unlike dingdong na super sikat na like richard gutierrez na hindi na ito kelangan, ito napasikat ng todong todo si richard gutierrez kaya dapat gawin kay aljur yan…

  15. dingdong dantes ang dapat…..sana pakinggan ito ng GMA 7,avid fan her in davao,ingatz kau,god bless………..marian rivera and dingdong dantes fans..

  16. para s akin dingdong parin…Wag na tau mag away2 dhl ang GMA lng tlga ang may rights s mga pinili natin ang magiging s capt. barbel…Donyan parin kht ipaghwalay pa sla s ngaun sna sa pagblik nla bgyan sla ng matnding show dhl proven na galing nlng umarte…

  17. ill go for cabalen aljur abrenica, may talent.. may k maging superheroes. captain barbell, kelangan diyan fresh hindi gurang

  18. Si DINGDONG DANTES ang dapat maging Captain Barbell. Mas maganda naman ang katawan at tindig nya compared sa dationg gumanap. Aminin!!!!

  19. To GMA: sa tindig, lakad, sa katawan at sa mukha na lang kahawig niya ang katapat ng Captain Barbell sa US na superman na si Christopher Reeves…Captain Barbell should be Dingdong Dantes at wala nang iba. Hindi naman bagay kay Richard ang Captain Barbell because sometimes he has a tendency to be effiminate not macho, pangit pa siya maglakad katulad ng tatay niya piki, mukha lang talaga ang puhunan niya.

  20. si aljur nalang bigyan ng big break ng gma tru captain barbell. parang marian nag sugal ang gma kay marian, gawin nila yan kay lajur, tutal dingdong and alfred is already sikat na like richard gutierrez, aljur nag uumpisa palang kelangan ng break

  21. kung hindi na si richard ang cb

    mas gugustuhin ko nalang si aljur

    kasi nung nag umpisa si richard na cb bata pa siya

    at si aljur ang bagay diyan..

    matatanda na si dingdong at alfred

    hindi naman mag kasama ang cb meets darna

    bukod ang darna

    baka sariling show ulet ang CB

    pero sabi sa article may guest apearance si CB sa darna

    guest apearance si aljur nalang tuloy cb na

  22. GMA PLEASE OPEN YOUR EYES, DINGDONG IS YOUR ULTIMATE CAPTAIN BARBELL!!! He can even pass as SUPERMAN, with his well chiselled face, and a body to die for.

  23. I want Dingdong Dantes to portray Captain Barbell. Aljur is to young to play a super hero. Richard is to much already, this is the time for Dingdong to play Captain Barbell…

  24. The character of Captain Barbel should exude a great deal of confidence and machismo, coupled with great manly looks; and same with the requirement for Darna, the actor to play the role must be an actor who has great popularity in this time…….and that person is DINGDONG DANTES. You can easily visualize Dindong as the new Captain Barbel.

  25. GMA 7 si aljur nalang po piliin ninyong captain barbell, wag na po si richard gutierrez! sobrang sikat na po niya, hindi na po niya kelangan yang ganyang role, pls gave to others! aljur abrenica for captain barbell, bagay na bagay, kasi bata pa siya. his 19 kaya bagay po sa kanya yung role

  26. i totally agree with some post here

    sa pinoyexchange.com meron petition thread dun for aljur abrenica as captain barbell, if im not mistaken over 100 pexer na nag agree dun, tama naman eh, dapat siguro ibigay na sa iba ang role na cb, enough of richard gutierrez, his now a zorro, tapos mag cb ulet siya? parang hindi na maganda, and this is the time na bigyan na ng gma 7 ng break yung mga homegwrown talent nila, and aljur is one of them, i think 3 yrs na siya sa gma and now meron na siyang dapat ka bang mahalin, and take note ang taas ng rating non! sana sa nag start ng poll na ito, iparating ninyo sa gma 7 yung mga coment here, enough of richard gutierrez his too sikat na, hindi na niya need ang captain barbell..

    aljur for captain barbell

    his young, fresh and ultimate hunk!

  27. dingdong dantes! para saken…. bagay na bagay maging captain barbell, sa totoo lang sa kanya naman talaga yan, inagaw lang ng mga gutierrez esp anabel rama..lakas kapit! dingdong dingdong

  28. hoy richard g — hindi naman talaga marunong umarte si richard eh…. its about time na mag-build up na ng ibang artista para wag nang manggulo si annabelle rama… :)

  29. beckham:

    so what kung kahawig ni christopher reeves si dingdong dantes?? Eh hindi naman captain barbell si reeves…

    go aljur!!! para naman may pagpiliang leading man sa kapuso ‘no!!

    naman…

  30. for me dingdong dantes, ok din si aljur kung break ang pag uusapan, si richard wag na kay richard gutierrez, nakakalito na yung mga hero na ginawa niya, ang dami na. tama na yon….

  31. i think tama yung sa article na may experience na si aljur sa superhero na red zaido, im not a avid fan of him, but i like him as kapuso his very talented, lahat na yata nagawa niya, kumanta umarte sumayaw, ok siya as captain barbell kung freshness ang pag uusapan, mas kelangan ng batang yan na mabigyan ng break, and also maganda sa mga mata ng audience na fresh yung mapapanood nila, im not againts dingdong, i like him also, pero mas maganda sana kungmas mabigat na role ang ibigay sa kanya, and his not bagay for the role also alfred vargas parnag they are too old na for the cb role, richard gutierrez? lahat na yata ng superhero na ginawa niya sa gma, tama na yung na experience na niyang mag CB! tutal, hndi na rin siya ganon ka bata, at napunta ang CB sa kanya na mabata bata pa siya, and like now, CB needs fresh! bata and i think si ALjur nga bagaydiyan

  32. Dingdong Dantes for Captain Barbell!!!!!! His a heroine-type-of-guy after all.

    **if you will notice in his looks & style in ABHSAT, he has an angle that looks similar to Christopher Reeves..*wink*

  33. there is a new Darna on television, whom will be played by non other than Marian Rivera, and since there is already a new Darna it is the right time to have a new Captain Barbell, and that is non other than Dingdong Dantes himself…

    it’s time for GMA7 to stop pampering both RG & Ms Rama and give importance to the loyalty of their home-grown talent non other than Dingdong Dantes, in the first place he was the first choice to play the role of Capt. Barbell and undeniably the best choice for the role….

    Marian-Dingdong together…Capt. Barbell meets Darna!!!

  34. si aljur ang nababagay. bakit kamo? pinakabata, pinakafresh at pinakamanly ang dating. though dd is cool to be cb too, i still want to give aljur the chance to prove himself.

    tama na po yung mga ganid at mayayabang. paalisin na lang po sa syete ang pamilya nya. alam na ninyo ang tinutuloy kong zorrot – ang dakilang mambabatok.

  35. ——————————————————
    dingdong is the best choice!!!!!!!!!! go dingdong..oust richard..although i feel bad for him kasi kasalanan ng mom nya na mukhang pera.. i really feel bad for him.kait walang talent c richard..naging loyal cya sa network for how many years… and now with the current issue with his mom..wala cyang choice..it’s a loose-loose situation for him.. if hindi cya kampi with his mom, he’ll be tagged as walang utang na loob na anak..if hindi cya kampi with gma, he’ll be tagged as walang utang na loob na talent..it’s really difficult for him..just do what’s right richrad..sayang ka

  36. dingdong is the best choice!!!!!!!!!! go dingdong..oust richard..although i feel bad for him kasi kasalanan ng mom nya na mukhang pera.. i really feel bad for him.kait walang talent c richard..naging loyal cya sa network for how many years… and now with the current issue with his mom..wala cyang choice..it’s a loose-loose situation for him.. if hindi cya kampi with his mom, he’ll be tagged as walang utang na loob na anak..if hindi cya kampi with gma, he’ll be tagged as walang utang na loob na talent..it’s really difficult for him..just do what’s right richrad..sayang ka

  37. Si Dingdong lang! Oras na para si Dingdong naman ang i-build ng GMa at hindi puro si Richard na hindi naman marunong umarte!

    Go Dingdong! Love you powh

    • ang tagal ng binibuild up si dingdong noh!nag atlantika na yan kaso baba ng rating,sinuerte lng sya sa papel na sergio dahil popular ang character….ano nmn akala mo kay dong?magaling umarte?iisa lng ang rehistro ng mukha nyan sa tv,masaya,galit o nagdadrama,dinadaan sa laki ng mata…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.