Who saw Bea Saw?

Kung isa kayo sa  mga bomoto para manalo si Bea Saw sa Pinoy Big Brother House Season 2, siguro nagtataka na rin kayo kung ano na ang nangyari sa showbiz career niya.

Itong si Maria Beatriz Imperial “Bea” Saw ay ipinanganak noong Nobyembre 17, 1985 sa Muntinlupa City. May lahi siyang Intsik at makikita iyon sa mga mata niyang singkit at mala-porselanang niyang kutis, no?

Mahirap lang daw ang kanilang buhay kaya nagpalipat-lipat sila ng tirahan at kinailangang maghiwa-hiwalay para makapagtrabaho. OFW ang kanyang ama samantalang social worker na nadestino sa iba’t ibang parte ng ‘Pinas ang kanyang ina. Naiwan ang kanyang mga kapatid sa kanilang tiyahin na nasa Camarines Sur. Bago ang pagpasok sa bahay ni Kuya, nagtrabaho si Bea bilang isang research associate para pantustos sa pag-aaral ng mga kapatid.

Bubbly o masayahin ang disposisyon ni Bea. Napanood natin kung gaano siya kahilig magkuwento sa mga housemates niya, bagama’t paminsan-minsan, eh, meron siyang hindi nakakaunawaan.

Sabi ni Bea, gusto raw niya na ‘wag na silang magkahiwa-hiwalay na mag-anak kaya pinilit niyang makapasok sa Bahay ni Kuya. Dininig naman ng Panginoon ang kanyang dasal nang siya ang tanghalin bilang grand winner sa Pinoy Big Brother House Season 2.

Pero ‘asan na ba si Bea ngayon? Matapos kasi ang mapasabak sa ilang minor roles, ’tila natengga na yata ang showbiz career ni Bea. Sabagay, baka naman kinarir na lang niya ang pagpapalago sa mga negosyong kanyang napanalunan. Well, kung nasaan ka man, Bea, malamang, masaya ka naman, kaya go lang nang go!

Ni Mayin de los Santos
Parazzi Wires Photos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.