Who doesn’t hate Mo Twister?

OLA CHIKA! HINDI lang isa, dalawa o tatlong artista ang galit sa bansot na TV host na si Mo Twister. Kahit ang anak ni Bisayang Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez, hin di rin gusto ang tabas ng dila ng nasabing TV host.

Kailan lang, nagsalita ang sexy-comedienne na si Ruffa mae Quinto, at muli itong nagpahiwatig na hindi niya gusto ang isa sa mga kasamahan sa Showbiz Central. Kahit na hindi nagbigay ng pangalan ang sexy actress, halata namang si DJ Mo ang tinutukoy nitong ayaw niyang makasama sa trabaho.

Dahil naman sa pahayag ni Ruffa Gutierrez na hindi rin niya gusto si Mo, muling nabuksan ang tsismis na mag-bestfriend pala si Mo at ang morning show host na si Donita Rose. Ay, ayaw ni Ruffa, huh! Naku ha! Nakaklerkey ‘yan!

Speaking of Mo Twister, mahilig nga ang bansot na ito sa katsismisan, at mahilig mang-intriga. Para nga lang mapag-usapan noon, kung matatandaan, sa kanyang programa sa radyo, pati ang mga size ng nota ng kanyang mga guest ay pinasusukat, huh! Kabaliwan na nga ito. At ngayon nga, muling nabuksan kung anong kabalbalan ang ginagawa ng hitad na punggok na host. ‘Yun na!

HULING PAGPAPA-INTERVIEW NA nga raw ng dating dyowa ni Pops Fernandez na si Jomari Yllana, tungkol sa mga pahayag na binitiwan ng dating asawa ng concert queen na si Martin Nievera. Nakikisawsaw nga raw kasi si Martin sa hiwalayan ng mag-dyowa.

Pati ang utol ni Jom na si Anjo, nagbigay ng pahayag tungkol sa isyu, at pati siya ay paektado. Ayon sa pahayag ni Anjo, dapat ay binigyan ng panahon upang maayos kung anuman ang nangyari sa kanyang utol at sa nobya nitong si Pops. Para sa kanya, mahal pa rin ni Jom si Pops, at ganu’n din naman si Pops kay Jom. At sana lang daw, maayos na at magkabalikan. Hindi ‘yung marami ang sumasakay.

Mabuti pa ang dating asawa ni Jomari na si Aiko Melendez, hindi nagbigay ng kung anumang pahayag. Quite lang ang lola. Hahaha!

Oo nga naman, bakit pa kasi nakikisawsaw si martin, eh may sarili na siyang buhay, ‘noh! May asawa na siya at anak. ‘Wag nang kung anong kaek-ekan ang binibitawang pahayag. ‘Yun na!

NASAKTAN NANG BONGGANG-BONGGA si Maricar Santos tungkol sa isyung kesyo siya raw ang matrona ni Joross Gamboa. Napaiyak si Maricar nang sabihin niya ito, dahil wala namang katotohanan. Magkaibigan lang sila ng guwapong aktor.

Aminado si Maricar na lumalabas sila minsan, ngunit hindi naman daw siya nagbabayad at magkano lang naman daw ang nagagastos. Alam niyang may girlfriend ang aktor at may boyfriend din naman siya, kaya kung maaari raw, tantanan na ang isyu sa kanila ni Joross. Tsarot! Hahaha!

Kasama si Maricar sa cast ng movie na Pasang Krus na kinabibilangan nina Rosanna Roces, Joross Gamboa, Christian Burke, Ketchup Eusebio, Empress Schuck, BJ Morales, at ako, siyempre, ‘noh!

Kaya panoorin n’yo ‘to at kayo na ang bahalang humusga sa tinginan nina Joross at Maricar. Maganda ang movie na ito, na may premiere night sa March 30, at regular showing sa April 1. Directed by Neal Buboy Tan. ‘Yun na!

E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.