Whistleblowers: Sinungaling si Napoles

TINAWAG NG mga testigo sa pork barrel fund scam na sinungaling ang bi-nansagang scam queen na si Janet Lim-Napoles sa kanyang mga binitiwang pahayag sa pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ay kasunod ng mga pagtatanong ni Sen. Teofisto Guingona sa akusado kung pag-aari nito ang 21 foundations na ginamit sa kanyang negosyo.

Una rito, sinabi ni Napoles na kakilala nito ang mga humarap na whistleblowers sa kanilang face-off.

Mariin din nitong pinabulaanan ang pagkakasangkot sa sinasabing 21 pekeng NGOs at foundations.

“Hindi po totoo yan,” ani Napoles.

Pero kaagad kinontra ni Luy ang mga pagtanggi ng negosyante.

Tugon ni Luy: “Sir, nagsisinungaling po siya. Totoo po iyon.”

Dagdag naman ni Merlina Sunas: “Totoo po, na siya nagsabi na gumawa kami.”

Samantala, personal namang dinepensahan ni Napoles ang mga mambabatas na nadadawit sa scam.

Sinabi ni Napoles na kawawa ang mga senador na nasasangkot sa umano’y walang katotohanang akusasyon.

Samantala, sa mga katanungan ni Guingona, pawang pagtanggi ang mga kasagutan ni Napoles sa mga akusasyon ng whistleblowers.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.