Where Is Rayver Cruz?

MUKHANG MAY SUMABOTAHE kay Rayver Cruz. Hindi kasi siya napasama sa summer station ID ng Dos.

Bakit kaya wala sa summer plug ng ABS-CBN si Rayver? May nagpatanggal kaya sa kanya? O baka naman hindi siya feel isama ng mga executives ng Dos na siyang namimili kung sino ang kanilang isasama sa summer plug.

Wala rin sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual sa nasabing plug, pero may dahilan. Si Piolo ay nasa show niya abroad at si John Lloyd naman ay may sakit yata nang gawin ang shooting. Pero si Rayver ay wala namang masyadong activities dahil katatapos lang niya ng Kristine. Bakit kaya hindi siya tinawagan para sa shooting? Dahil kaya hindi siya paborito ng Star Magic?

Nakakapagtaka lang kasi dahil may ibang hindi naman hina-handle ng Star Magic, pero ang laki ng exposure sa summer station ID. Pero si Rayver ay inisnab talaga nila gayong Star Magic artist ito. Ganito na ba ituring ng Dos ang isang Kapamilya?

TRUE NGA KAYA na sumama ang loob ni Angeline Quinto kay Jericho Rosales? Nasulat kasi na hindi nasunod ang segment nilang dalawa sa ASAP Rocks last Sunday sa Cebu. Originally raw ay kakantahin ni Angeline ang theme song ng Green Rose at rarampa si Echo na parang fashion model.

Ang kaso, kabaligtaran ang nangyari. Si Echo ang kumanta at si Angeline ang rumampa. Laking pagtataka nga raw ni Angeline kung bakit nagkaganoon. Anyway, ang dagdag pang tsika, ayaw raw ipakanta ni Echo ang kanyang song sa ibang singer. May gano’n?

‘Ayun, lalong sumama ang loob ni Angeline nang malaman daw niya ito.

Si Angeline ang nagwagi bilang Star Power pop superstar, pero ngayon pa lang ay may nang-iisnab na sa kanya sa Dos.

GOODBYE ABS-CBN NA pala talaga ang drama ni Aga Muhlach ngayon. Pumirma na ng three-year contract si Aga sa TV5. Kung noong una ay tsismis lang ang lahat at wala pang kumpirmasyon, ngayon ay confirmed na ang paglipat ni Aga sa network ni Manny V. Pangilinan.

Matagal nang walang show si Aga sa Dos kaya naman best decision ang lumipat na siya. Bakit mo nga naman papagurin ang sarili mo sa paghihintay sa assignment kung hindi ka naman priority ng network?

Anyway, bakit nga ba unti-unti nang naglalayasan ang mga artista sa Dos? Ang hula namin si Sarah Geronimo kapag wala na ‘yang kontrata sa Kapamilya ay tiyak ding ililipat ‘yan ng kanyang manager sa Singko. Wanna bet?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

12 thoughts on “Where Is Rayver Cruz?

  1. marian anaconda may anak kay ervic vijandre..ENDLESS FLOP kaya tsugi na si aling MARIANTANDARNA

    wla kaming pakialam if lumipat si sarah..malalaos lang xa..ang viewers ng TV5 mga poor at basura

  2. e ano kung wala c rayver??? sikat b siya?? he’s nothing to be compared kay piolo pascual or even john lloyd cruz..harharhar!!!

  3. sa babaeng artista ng dos maiikukumpara ko tong c aga ky angel l.magaling talaga kso problema pgnagtapos ang teleserye or movies,kc walng ibang mapaglalagyan tulad ng hosting,variety show etc,hanggang acting lang talaga,hindi tulad nila robin at cesar oh kaya cla cristopher o kaya tulad ni edu,na pwede kahit saan,kaya nahirapan ang dos kung saan sya pweding ilagay ng hindi nghit show nia,kaya ok lang na lumipat sia sa kung saan hit or hindi hit show nia andoon pa rin,

  4. Ano na bang nangyayari nitong si Echo, may blind item din na nagsabi na aktor daw nagpabooking at may nagsagot sa blind item na si Echo daw yon, totoo ba ito?

  5. Ang mga nagcomments d2 malamang korek kayo, well thats life , ang buhay ay weather weather lang . Hindi lahat ng pagkakataon ay iyo, u need to share the blessings w/ others. So sa mga artista ..” strike while the iron is hot”. Mag ipon at mag aral ng ibang deskarte sa buhay para di mawalaan ng ikabubuhay. Ang gustong magtagal be humble , always put your feet on the ground , try to improve your crafts and use your common sense and above all put GOD first whatever you do He will guide you in the correct direction. But don’t forget to give back..(^:^)

  6. Ang mga umaalis lang naman ay yung mga laos at palaos na. Big issue kung ang mga lumipat ay sina John Lloyd, Bea, Kim, Gerald, Toni, Ai-Ai, Kris, Piolo at Sarah. Kaya lang naman nila nilipat si Rachel Ann Go sa GMA para mas umangat kasi di sya makaungos kay Sarah. Im sure laki ng nawala ki Rachael kasi wala syang raket sa TFC.

  7. sigurado ako na hindi lalayasan ni sarah geronimo ang abs cbn kasi alam nya napapakinabangan nya ng husto ang channel 2 at di papayag ang ina nyang mukhang pera kaya naman lalong nag iinarte at nayabang ang manggagamit na sarah nayan

  8. ganun talaga, lalo kung gusto pa magpatuloy ni Sarah sa career at siyempre gusti ring kumita ng viva…kaya maghahanap ng bagong etwork na willing magbigay ng job for their artists.

  9. obviously, galit sa abs ang writer nato, 2lad nina piolo at john lloyd may rason din c rayver cruz, bat di xa kasali sa  nasabing SID… etchoseng palaka!!!

  10. bakit matakot ang dos sa paglipat ni aga? nasaan na ngaun c dolphy? c maricel? nakatulong ba ang tv5 na maiangat uli ang kalaosan nila? 

  11. hindi naman nakapagtatakang umalis si sarah gaya ni aga, pareho silang viva artist na ang may hawak sa kanila ay si del rosario na may konek ngayon sa tv5, hay nako, gusto yata ng viva ay mag-laosan na ang mga stars nila, yung mga singers na nilipat sa syete, parang hindi niyo na mamalayan na nandiyan pa sila, di bale nang si aga, palaos na kasi siya, eh si sarah? nako kung gusto nilang patayin ang career niya, sige ilipat sa singko

Leave a Reply

Your email address will not be published.