When Heart is Lost

May balat ba sa puwet si Heart Evangelista? Tuwina kasing sinusubukang iangat ang showbiz career niya, lagi na lang may nangyayari na parang pumipigil sa tuluy-tuloy na pag-ariba niya!

Unang nakilala sa Kapamilya, naging laman din ng ilang teeny-bopper na pelikula kapareha ang sikat na ngayong si John Prats. Na-in love nang bongga-bongga pagkatapos makapareha sa Ang Panday ang heartthrob na si Jericho Rosales.

Tunay na nagmamahal, nagawa niyang iwan ang karir sa ngalan ng pag-ibig. Nawala sa limelight, kasabay ng pagkawala rin sa industriya ng kaparehong si Echo.

Nang mag-desisyong bumalik sa industriya, kinabog ang madla nang balitang break na sila ng nobyong ipinaglaban niya. Lumipat sa pangangalaga ni Annabelle Rama, hayun, lumipat sa Kapuso at nabigyan naman agad ng seryeng —–. ‘Tila tuluy-tuloy na ang suwerte dahil nasundan pa ito ng Luna Mystika.

Pero teka, bakit biglang naintriga naman siya nang umano’y tanggihan niya ang offer ng Kapuso sa kanya?

Hmmm…ano ba talaga?! Ngayong namamayagpag na ang karir ng mga ka-kontemporaryo niya, ano na ba ang nangyayari sa karir ng ’tila na-lost ng si Heart Evangelista?

By Mayin de los Santos
Photos by Marvin Candaba and Parazzi Wires

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.