Love Compatibility: When Betty loves Chef Mito! (Bea Alonzo – Derek Ramsay)

Screen Name: Bea Alonzo

Real Name: Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom
Birthday: October 17, 1987
Zodiac: Libra
Symbol: The Balance
Ruling Planet: Venus
Quality: Cardinal
Element: Air
Basic Trait: I Balance
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

Screen Name: Derek Ramsay
Real Name: Derek Arnold Ramsay
Birthday: December 7, 1979
Zodiac: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Quality: Mutable
Element: Fire
Basic Trait: I Perceive
Closest Metal: Tin
Lucky Day: Thursday

ANO KAYA ANG magiging reaksiyon ni Angel (Angelica Panganiban) kapag narinig niya si Derek na puwede siyang ma-inlab kay Bea dahil bukod sa mahusay siyang aktres, mabuti rin siyang tao na may magandang ugali at kalooban? Kaya nga sa maniwala kayo o sa hindi, ikinasal silang dalawa! Pero teka! Bago kayo mag-react nang bonggang-bongga, mga kaparazzi, naging mag-asawa lamang sina Derek at Bea sa pelikulang And I Love You So bilang sina Oliver at Lara.

Pero kitang-kita naman sa on-screen partnership ng ating dalawang paboritong artista na s’wak na s’wak at natural na natural ang kanilang pagsasama. May chemistry ,‘ika nga. At katulad ng sa pelikula, perfect ang kanilang relationship na maaaring humantong pa sa susunod na level kung mabibigyan ng pagkakataon. Paano kaya kung single si Derek at nagkatuluyan sila ni Bea? Magiging perfect din kaya ang kanilang pagsasama kung saka-sakaling magkatuluyan sila ni Betty Pengson? Dito lang ‘yan sa Pinoy Parazzi!

Si Betty… este, si Bea ay ipinanganak noong Oktubre 17 at nasa ilalim ng zodiac na Libra. Samantalang si Derek ay ipinanganak noong Disyembre 7 at isa siyang Sagittarian. Ang sabi ng ating mga stars, ang Libran at Sagittarian ay may magandang tiyansa na maging masaya sa kanilang relasyon. Ito ay dahil may mga katangian silang pareho sa isa’t isa. Kabilang sa mga katangiang ito ay ang pagkahilig sa kalayaan, gusto nilang makihalubilo sa mga tao at mag-discover ng maraming bagay. Kahit kailan ay hindi mabo-bore si Libra kay Sagittarius dahil sa sobrang hilig nito sa adventures. Bukod pa rito, si Libra ay charming at matalino kaya naman gustong-gusto siyang makasama ng Sagittarian.

Ang tanging magiging hadlang sa kanilang pagsasama ay hindi mapakali sa isang lugar ang lalaki. Dahil sa mahilig siya sa kalayaang kanyang tinatamasa sa piling ng kapareha niya, nahihirapan siyang kalimutan ang kanyang nakagawian na. Kahit na napaka-reliable na kasama ang Libra, nananatili pa rin siyang umaasa sa maraming tao upang matapos ang maraming gawain. Pero kung malalagpasan nila ang mga pagkukulang nila sa bawat isa, magiging masaya at matiwasay ang kanilang buhay pag-ibig.

At para kina Derek at Bea, kung sakali lang naman, ang pagsasama nila ay magiging intimate at maganda ang romansahan nilang dalawa. Iyon lang naman ay kung libre silang dalawa at walang hahadlang sa kanilang pag-ibig nang bonggang-bongga! Hmmm…. Alam na!

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.