‘Wheel of Torture’, ikinabahala ng PNP

IKINABAHALA NI PNP chief Police Director General Alan Purisima ang nadiskubre ng Commission on Human Rights (CHR) na may nangyayaring paghihirap o torture laban sa mga detainees gamit ang isang roleta na tinawag na ‘wheel of torture’.

Ipinag-utos ni Purisima ang pagsasagawa ng random check sa lahat ng mga selda ng lahat ng PNP units sa buong Pilipinas.

Pinasisiyasat din ni Purisima ang insidenteng torture sa lalawigan ng Laguna na kinasasangkutan ng mga detainees.

Una rito, nadiskubre ng CHR na may nangyayaring torture partikular sa PNP Laguna Provincial Intelligence Branch District Office sa Binan sa ilang mga detainees gamit ang isang roleta.

Sinabi naman ni PNP PIO chief Supt. Reuben Theodore Sindac na hindi nila tino-tolerate ang naturang gawain at mananagot ang mga pulis na dawit sa sinasabing torture.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.