What’s Next for Carla Abellana?

NAKATANGGAP KAMI ng mensahe mula sa isang concerned fan ng Kapuso leading lady na si Carla Abellana. Tila naaalarma na ang ilan sa kanyang followers dahil matagal nang walang ginagawang teleserye ang aktres. Huli itong napanood sa action-drama series na Makapiling Kang Muli, kung saan ka-triangulo niya ang controversial couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

May kumalat na tsika noon na dapat daw ay makakasama ni Carla sa isang primetime show sina Raymart Santiago at Benjamin Alvez. Sa ngayon ay si Roxanne Guinoo ang kapares ni Raymart sa Home Sweet Home, samantalang si Kylie Padilla naman ang ka-partner ni Benjamin Alvez sa Unforgettable. Related diumano sa istorya ni Snow White dapat ang next project ng aktres, pero biglang na-shelved ito. Bakit kaya?

Habang wala pang permanent primetime series ang dalaga, naging busy ito sa paglalamyerda. Kasama nito si Mikael Daez sa isang show sa Phnom Pehn. Binati ng Khmer fans ang dalawang Kapuso stars. Recognized sila sa Cambodia dahil kasalukuyang pinapalabas doon ang My Beloved at Kung Aagawin Mo ang Langit (or Stolen Heaven).

May ilang instagram updates din ito kamakailan tungkol sa USA trip nila ng dyowang si Geoff Eigenmann. Tuwing mababasa nga sa dyaryo ang pangalan ni Carla, palagi na lang ang tungkol sa relasyon nila ang binabanggit. May ilan pa nga na napapansin ang paglusog ni Geoff. Hiyang daw ito sa love ni Carla. Uyyy!

Kasalukuyang napapanood si Carla Abellana sa Bubble Gang at paminsan-minsa’y umaapir din sa Party Pilipinas. Wala rin itong ginagawang pelikula ngayon sa Regal Films. Mali ba na nag-renew ito ng kontrata sa GMA-7, o may inihahanda bang malaking proyekto ang network? Let’s just hope for the best. Beautiful,Talented at maituturing na role model si Carla. Sayang naman kung hindi ma-maximize ang kanyang exposure. That’s all :D

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

2 thoughts on “What’s Next for Carla Abellana?

  1. true.
    carla abellana is of the pretties celebreties here in showbiz.
    pansin ko rin na wala xa ginagawa project now z GMA-7. she was a talented artist so why she did not recognize as one priority artist?

Leave a Reply

Your email address will not be published.