Western Union Robbery Suspects, Tukoy Na

NAKILALA NA umano ng mga kinauukulan ang isa sa anim na armadong lalaki na nanloob sa isang sangay ng Western Union sa Sucat, Parañaque City.

Sinabi ni city police chief S/Supt. Billy Beltran na positibo u-manong nakilala ng teller at security guard ng establisyemento ang isa sa mga salarin base sa kopya ng mga customers’ ID.

Kasama sa natangay ng mga suspek ay P60,000 cash, camera at iPod ng isa sa mga kostumer. Nagawa namang makatakas ng mga ito sakay ng dalawang motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala ng 9mm pistols at armalite rifles.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.