‘West PH Sea Coalition’, Itinatag vs Pambu-Bully ng Tsina sa ‘Pinas

ITINATAG NG ilang concerned citizen at caused-oriented group ang “West Philippine Sea Coalition” na direktang magpapahayag ng pagtutol sa pag-angkin ng Tsina sa teritoryo ng bansa.

Ikinasa ng koalisyon ang malakihang pagkilos sa Hulyo 24 sa tapat ng World Center Building sa Makati na kinaroroonan ng Chinese Consular Office sa harap na rin ng patuloy na pambu-bully ng nasabing bansa sa Pilipinas.

Bukod sa iba’t ibang militanteng grupo, nagsanib-puwersa rin ang ilang artistang makikiisa kabilang na sina Anne Curtis, Billy Crawford, Charice at iba pa.

Nabatid na ang natu-rang rally sa Hulyo 24 ay unang bugso pa lamang sa serye ng panga-ngalampag ng grupo sa Chinese government sa gitna ng kanilang pag-angkin sa mga islang nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Samantala, umaasa naman sina dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Rafael Alunan III at dating Congressman Roilo Golez, mga lead convenor ng West Philippine Sea Coalition, na makakarating sa Tsina ang mensahe ng Pilipinas na nais lamang ng mapayapang resolusyon sa usapin ng teritoryo ng mga bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.