Wendy Valdez, wanting to be born again!

ANG BIRTHDAY WISH daw ni Wendy Valdez sa darating na Hunyo eh,  ang   mabinyagan na siya sa pagpasok niya bilang isang renewed Christian sa Victory Christian Fellowship.

Ito ang nai-share ni Wendy sa presscon ng horror flick ni Topel Lee na Tumbok na pinagbibidahan ni Cristine Reyes with Carlo Aquino and Ryan Eigenmann.

Excited din daw si Wendy sa pagiging renewed Christian niya kung saan kabilang ang mga artistang gaya nina Sam Milby, Erik Santos, Piolo Pascual, Toni Gonzaga at iba pa.

Paliwanag ni Wendy, isang ‘calling’ daw ito. Say pa ni Wendy, “Naniniwala naman ako na bawat isa sa atin meron talagang ‘calling’. Usually, ini-ignore lang natin. Napansin ko lang ‘yun dun sa ilang moments sa buhay ko na naiisip ko naman na okay naman ang mga nangyayari sa akin, like sa career or family ko. Pero feeling ko pa rin, something is lacking. Hindi ko naman alam kung ano.”

Siguro nga raw, ang mga pinagdaanan na rin niya sa buhay niya ang nakapagtulak sa kanya, para ngayon, matumbok niya kung ano itong kulang na sinasabi niya sa buhay niya. At i-renew ang faith niya sa Maykapal.

“Hindi ko na hinihiling ‘yung sa karelasyon. Kung ibibigay, meant to be. Kaya kahit naman wala muna nu’n, okay pa rin ako. Dahil alam ko naman kung ano ang mga bagay na mas dapat kong bigyan ng prayoridad ko.

Marami pa rin ang nanghihinayang sa sinapit ng relasyon nila ni Bruce Quebral na mas pinili naman na sa ibang bayan na magtrabaho bilang isang flight attendant. Kahit may mga nagsasabing madalas na makita si Wendy na si Will Devaughn ang madalas na ka-date, itinatanggi naman ito ni Wendy.

Ang sabi lang niya, once in a while, nagte-text-an pa rin naman daw sila ni Bruce kaya masasabing may communication pa sila. Ang alam daw niya, may girlfriend na ito.

Ni-regret ba ni Wendy ang nangyari sa kanila ni Bruce?

“Wala naman. Kasi, alam namin na pareho kaming na-in love sa isa’t isa. At marami rin akong natutunan sa kanya. Nagkatulungan naman kami sa maraming bagay. Ang importante, naging masaya kami while it lasted.”

ANG PATULOY RIN namang happy sa kanyang relasyon sa asawang si Ryan Agoncillo eh, si Judy Ann Santos.

Masuwerte raw siya kay Ryan dahil ang napa-ngasawa niya eh, isang responsableng tao. Kung saan nakita at naramdaman daw niya ang pagkakaroon niya ng choice, kung gugustuhin pa ba niyang magtrabaho o maging prente na lang bilang asawa at ina ng kanilang mga anak.

Kaya nga, Juday is biding her time. Habang hindi pa naman daw nagsisimula ang Junior Master Chef niya sa ABS-CBN, at hindi pa rin naman nagsisimula ang pang-Metro Manila Film Festival na pelikulang sasalangan niya, ini-enjoy nga raw niya to the hilt ang bago niyang papel sa buhay.

Sabi rin ni Juday sa launch ng kanyang Del Monte endorsement, “I have to accept a project that would make me work na talagang pwede ko ng iwan ang mga anak ko. If not, alam mo ‘yun, parang ayokong mawala talaga sa tabi nila. At ma-miss ko ang moments na dapat eh, nandun ako para masaksihan ‘yun.”

Kaka-celebrate lang nila ni Ryan ng kanilang 2nd wedding anniversary.

Tuwang-tuwa si Juday na kahit usapan daw nila ni Ryan na wala na silang exchange gift, nakalkal pa niya through her first manager na si Jess Osida ang pictures niya noon sa Ula: Batang Gubat. Ipina-print niya raw ‘yun sa T-shirt at siya niyang iniregalo sa asawa.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Wendy Valdez, wanting to be born again!

  1. Go Wendy! Surely God will move through your life.  Let your life be an example for people who have the same situation like you are experiencing. And don’t forget to influence other artists, your family and everyone else. Make you life be a living testimony for all so that many people will draw close to God. God bless you Wendy! :) 

Leave a Reply

Your email address will not be published.