Parazzi Chikka: Wendy Valdez – Sinungaling na, Imoral pa?!

HINDI MAKAPAGSISINUNGALING ANG mga litratong natanggap ng Pinoy Parazzi. Maliwanag na ebidensiya ang mga ito ng pagpapakasal nina Wendy Valdez at Bruce Quebral! Sabi nga, kahit ano’ng deny pa ang gawin ni Wendy, hindi maitatago ang katotohanan.

Sa tsikang nakarating sa amin, hindi raw totoong walang alam si Will Devaughn sa kasal nina Wendy at Bruce. “Will Devaughn had full knowledge of Wendy’s real marital status before pa,” panimula ng aming source.

“Still, he pursued her, made her believe that he truly loves her, accepted her for everything that she is.” Tiniyak pa ng aming source na nagsimula ang relasyon nina Wendy at Will noong pang July 2009. Gayong ayon sa Certificate of Marriage nina Wendy at Bruce, March 10, 2009 lang din sila ikinasal.

Sabi pa, mga kalagitnaan nitong Setyembre, gusto nang kumalas ni Will sa relasyon nila ni Wendy, dahil iniisip nitong maapektuhan na ni Wendy ang kanyang career.

“He (Will) thinks she’s bad news and her nega image would tarnish his reputation.” Paliwanag ng aming source.

Wala na nga raw magawa si Wendy nang mga panahong iyon, kaya sumunod na lang ito kay Bruce sa Dubai, kung saan namalagi siya ng isang linggo at inamin kay Bruce ang lahat-lahat ng kanyang pakikipag-affair kay Will.

“I know all this as I used to be a good friend of Wendy. I have all the evidence to prove her affair (with Will) as I kept her text messages where she openly admitted everything to me… but bow she has gone too far,” may halong pagkadismaya na sabi pa ng aming source.

Hindi na nga raw nahihiya sina Will at Wendy na ipangalandakan pa sa publiko ang kanilang illicit affair, na mapatutunayan nga raw ng fans nila na nakakita sa dalawa.

Napakasinungaling nga raw umano ni Wendy na ipinagpipilitang sabihin sa lahat na sila pa rin ni Bruce, pero sa katunayan, masayado nang malalim ang ugnayan nila ni Will.

Ipinagdiinan pa nga ng aming source na, “She is still very much married and she’s living in sin with that affair… Wendy should be put where she belongs. She has no right to fool people and shouldn’t be tolerated for being immoral!”

Naku, ha? Ano na naman kayang kasinungalingan ang tatahiin nina Wendy at Will kaugnay ng balitang ito. ‘Yan ang aabangan natin!

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Parazzi Chikka: Wendy Valdez – Sinungaling na, Imoral pa?!

  1. Pingback: Wendy Valdez and Bruce Quebral Wedding Photos Leaked!

Leave a Reply

Your email address will not be published.